Chapter 22: Date?

50 2 0
                                    

Chapter 22.

"Akala ko masakit 'yung betadine. Hehe, hindi pala." Medyo natuwa-tuwa naman ako kasi malamig lang pala sa pakiramdam.

"Tss."

Tapos habang nilalagyan nya ako, nakikikiliti pa ako. Kanina pa nga sya naasar eh. Ang cute nya lang kapag naasar. Pero kapag sa kalandian sa mga babae, go na go eh 'no? Kakaiba.

Naramdaman ko nalang na nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag.

"Oh, Marcus? Napatawag ka?" Tanong ko kay Marcus.

"Asan ka? Free ka ba mamaya?"

Napatingin ako kay Ryzen na inaayos na ang mga kagamitan. Nagamot nya narin pala ang sugat ko.

"Ah, bakit?" Tanong ko kay Marcus.

Umayos ako ng upo habang nakatapat ang phone ko sa tenga ko.

"Kain tayo mamaya? Kung free ka lang naman."

Napangiti naman ako niyaya nya ba ako mag date? Kyaaa! Assuming ka naman masyado Aeryl!

"A-ako? N-niyaya mo?" Mygad! Bakit ako nauutal? Dahil ba bago sa pandinig ko ito? Na first time ko na may magyaya sa akin na kumain?

"Y-yeah. Date?"

At dito na akong nagsimulang sumigaw.

"D-DATE?! AS IN DATE TALAGA?"

Napatakip naman ako bigla ng makita ko si Ryzen.

"S-sorry, hehe." Sabi ko at medyo tinakpan ko ang bibig ko para humina ang volume ng boses ko.

"Y-yes? Ano? Payag ka?"

"O---kay lang sa'kin. A-anong oras? Saan? Paan--"

"Hahaha. Sunduin nalang kita. Saan? Secret na muna."

Medyo nakagat ko pa ang ibabang labi ko.

"Sa may 7/11 malapit sa'min. Doon mo nalang ako sunduin," sabi ko habang ngingiti- ngiti.

"Sige. See you."

Ng maibaba ko na ang tawag ay bumuntong-hininga ako. First time ko 'to, first time.

"Ray. Uhmm... kasi," hindi ko alam kung paano magsisimula at sabihing paano umuwi. Una sa lahat, hindi ko alam ang daan papauwi o saan ang sakayan pauwi sa'min. At pangalawa, wala akong pamasahe, wala akong sapatos.

"Ray.." pangalawang tawag ko sa kanya dahil nakaupo lang sya at naka earphones.

Haay. Hindi nya ako marinig. Siguro busy sa mga babae nya.

Kinuha ko na ang bag ko at pumunta na sa pintuan palabas ng bahay nila.

"Where are you going?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko sa Ryzen na nakatayo at nakatingin sa akin ng seryoso.

"Ahm.. u-uwi?"

"Katangahan ba 'yan? Uuwi ka ng ganyan? Come on Aeryl." Sabi nya at tinignan ko naman ang sarili ko.

Haay.

"Eh, ayos lang ako. Pahiram nalang ng tsinelas tapos..." tapos pamasahe. Huhu. Wala akong pamasahe!

"Tapos?"

Joke lang sa pamasahe. Nahiya ako bigla! Pero bigla ko naisip ang date namin.

"Hatid mo nalang ako!" Nakangiting sabi ko. Oo makapal muka ko e.

Gusto ko ng umuwi. Atska, may kotse naman sya. Kaya, kaya nya ako i-uwi.

"What?"

"Please?"

One. Two. Three,..

"Fine."

"Yeheeees!!" At tumalon ako papunta sa kanya. Pero natangahan ako sa sunod kong ginawa.

"S-sorry." Sabi ko at kinalas ang pagkakayakap ko sa kanya.

Natuwa lang kasi ako. Pero ano ba! Nakakahiya.

"Tss."

Seryoso lang sya at dumiretso na palabas na sumunod naman ako.

Ng makasakay na kami sa kotse at sinimulan nya ng ilabas ay namamangha ako maging sa gate nila.

"Nadala mo na siguro si Aryan or kahit sino sa mga babae mo dito 'no?" Tanong ko sa kanya.

Nakaramdam naman ako ng inis. Ano ba! Ano bang meron?!

Hindi sya sumagot at nagdrive lang sya.

Tumawag nanaman si Marcus habang nasa byahe ako.

"Oo.. sige.. talaga Marcus?.. ah! Sige.. bye." Tapos ay binaba ko na ang tawag.

Sabi nya ay hapon nalang kami lumabas na dalawa. Pumayag naman ako dahil safe naman ako sa kanya siguro.

"Marcus, huh?"

Napatingin ako sa kaliwa ko. "Ahm, oo?" Dahil nagsalita si Ryzen.

"Kakakilala nyo palang may date na kayo?" Tanong nya. Bakit ganon? Feeling ko masama ang gagawin ko kahit hindi naman.

"Sabi nya eh. Kaya pumayag na ako." Sabi ko sa kanya.

"Tss."

"Bakit ikaw? Kung sino-sino na ang babae ang nahalikan or na i-date mo. Papalit-palit ka lang ng mga babae. Tapos makasabi ka!"

Huh! Ano sa tingin nya? Magpapatalo ako?

"Lahat na ng magaganda sa school, lahat ng puso nila pagmamay-ari mo na!" Dugtong ko pa.

"Ganon talaga."

"Hmp!"

Tatawagan ko nalang si Marcus ulit!

"Hindi mo pa kilala si Marcus. Hindi mo pa sya lubusang kilala."

Nyenyenye~ whatever! Patas lang kaya kami! Pero mas lamang pala sya. Sya, mas marami ng babae ang na i-date kahit hindi pa naman nya lubusang kilala. Eh ako, si Marcus pa lang!

"Bakit ano ba si Marcus? Tiger? Giraffe? Dinosaur? Oh baka naman multo na nabuhay muli?!"

"What the hell?"

"Tinatanong kita!"

"Wala akong pake sa nilalang na 'yon tss"

Wala naman pala syang pake don eh! Eh bakit pa sya nangingielam pa? Kakaiba rin 'tong si Ryzen eh 'no!

Mamaya pa ang klase ko kaya uuwi muna ako. Ewan ko lang dito sa katabi ko kung ano oras 'yung klase nya! Doon sya sa mga babae nya! Kainis.

Nang matanaw ko na ang bahay namin ay bababa na sana ako ng may makita ako.

"Oh! May lipstick ka dito sa kotse mo! Sino na naman ang babae mo?" Kunot-noo kong tanong sa kanya.

Kita nyo na! Makasabi sya na kakakilala pa lang namin sa isa't isa ni Marcus, date kami kaagad?! Eh sya nga oh!

"Tss." At lumingon lang sya sa harapan. Bakit ayaw nya sumagot? Ha!

"Bababa na nga ako! Siguraduhin mong kasing ganda ko ang sunod mong isasakay dito ha? Magsama kayo!" Sabi ko.

Bababa na talaga sana ako ng hawakan nya ang wrist ko.

Diretso syang nakatingin sa harapan.

"Wag na wag kang sasama kay Marcus"

Nakatingin lang ako sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Pero ikaw sa ibang babae sumasama ka?!"

Binitaw ko na ang kamay ng nakahawak sa wrist ko. Padabog akong umalis sa kotse nya.

Miski sa paglalakad ay padabog din.

Nakakainis eh!

Tekaaaaa nga! Bakit ako nagagalit?! Bakit ganoon ako umasta kanina?!

Bakit kapag nakikita ko si Ryzen na may kasamang iba, feel ko pinagtataksilan ako. Bakit ganito readers?

Hindi naman siguro ako inlove di'ba?

•••••••••

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon