Chapter 21.
Nagising ako ng kaunti kasi naramdaman ko na ang lamig.
Bihira ko lang naman lakasan ang aircon ko ah?
Tapos nag-amoy panlalaki 'tong kama ko.
Dumilat ako ng kaunti para hanapin remote ng aircon ko.
T-teka?!?!
Mabilis kong dinilat ang mga mata ko.
"Asaan ako?!" Wala ako sa bahay namin! Nasaan ako?! Na kidnap na ba ako?! Oo nga pala. Naglalakad ako kagabi. Nakuuuu don't tell m---
"Ryzen?!" Tawag ko sa paligid.
Wait, what?! A-andito ako sa---
"Tss. Nagising din."
"Nasaan ako?!"
"Kwarto ko?"
"K-kwarto m-mo?! E'di nandito mga--"
"Wala."
Ang gulo! Paano ba ako napunta dito? Paanong wala ang mga parents nya dito?
Napatingin ako sa suot ko at nanlaki ang mata ko. Napatingin ako ng mabilis kay Ryzen.
"Ikaw nag bihis sa'kin?" Tanong ko habang nanlalaki ang mga mata.
"No. Why would I?" Sagot naman nya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag. "Edi kung hindi ikaw sino?" Tanong ko sa kanya.
Aba! Hindi ko sya tatantanan pag tungkol sa akin 'no!
"I called my sister para bihisan ka." Sabi nya at lumapit sya sa akin na may dalang tray ng pagkain.
Tumango nalang ako dahil baka magalit pa sya.
"Hmm! Mukang masarap ah! Ikaw gumawa?" Tanong ko sa kanya habang busy sa pagtikim ng pagkain.
"Yes." Tipid nyang sagot sa akin.
"Marunong ka pala. Bakit mag-isa kalang?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa business works sila. And my sister, may sariling condo." Sagot nya habang bumabalik sa couch katapat nitong kama nya.
"Any questions?" Tanong nya.
Bigla akong nainis ewan ko ba kung bakit. "Eh si Aryan, si Jeni, si Shaina, si Fiona?" Tanong ko sa kanya.
Tumingin sya sa akin at tumawa ng mahina.
"Ano meron sa kanila?"
"Eh, wala. Mga babae mo kasi sila. Kaya dapat hindi mo ko dinala dito. Baka ano pa isipin nila sa'kin. Na ano? Inaagaw kita?!" Sabi ko at kumain ng kung ano mang tawag sa may macaroni na 'to.
"Eh ano?" Kunot-noo nyang tanong.
Minsan na-i-slow-an ako kay Ryzen ah! Nakakainis!
"Slow," bulong ko.
"Ako pa slow."
Narinig nya? Ang talas naman ng tenga nyang lalaking 'yan!
"Kayo na ni Marcus?" Cold nyang tanong sa akin.
Tinaasan ko naman sya ng kilay.
"Ahm, soon."
"Soon?"
"W-why?" Medyo nagulat ako dahil parang nabigla sya.
Hindi sya sumagot bagkus ay nanahimik lang sya. Bakit kaya?
"Oh, saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya ng tumayo sya at papunta sa may pintuan nitong kwarto nya.
"It's none of your business." Tipid nyang sagot at lumabas na sya.
Eh? Bwiset! Ang suplado!
Kinain ko na ang pagkain sa tray. Palabas na sana ako ng kwarto nya ng maagaw ng atensyon ko ang kapaligiran nitong kwarto nya.
Malinis. Organize ang mga magazines at kahit anong bagay na nandito.
Maayos din ang mga unan at mabango. Black,gray and white lang ang mga kulay ng mga bagay dito.
Pati bawat sulok ay walang mga alikabok.
Bakit ganito sya? Bakit ang ayos nya sa mga gamit? Parang sya pa lang ang nakikilala kong lalaki na ganito.
Napailing nalang ako atska lumabas na ng kwarto nya.
Dala-dala ko ang tray ng pagkain para ilagay sa lababo.
Asan sya? Nilapag ko na sa lababo ang tray at tska sya hinanap.
Ang lawak ng bahay ah! Mansion ba 'to?!
"Ryzen?" Tawag ko. Asan ba kasi sya?!
"A-aray!!" Hala! Ang sakit naman! Natapilok pa ako. Tinignan ko ang dinaanan ko. May vaccum?! Huhu. Ang sakit ah!
"Ano na namang katangahan 'yan?"
Napalingon ako kay Ryzen. Pinuntahan nya ako at inayos nya ang vaccum.
Hinahawak-hawakan ko ang tuhod ko na may sugat na. Ang bilis naman? Naka tiles naman ah? Ba't ako nasugatan?
"Wag mo kasing hawakan. Tsk! Kalikutan kasi." Sermon nya at tinanggal nya ang kamay ko at sya ang tumingin.
Naplunok naman ako ng mapatingin ako sa muka nya na malapitan kong natitignan. Ang bango nya.
"Tsk."
Nagulat ako ng buhatin nya ako na pa bride style.
"Wag ka ngang malikot." Suplado nyang sabi.
Dinala nya ako sa couch. May kinuha syang bagay at nalaman ko na first-aid kit ito.
Nakita ko naman na betadine ito.
"W-wag mo ilalagay y-yan s-sakin!" Banta ko na may halong takot.
"Tss."
Patuloy parin sya sa pagbukas ng betadine at kinuha ang bulak.
"Huhuhu," at pumikit ako.
"Pag ako ang maglalagay, wala ka dapat ikatakot."
Sa hindi ko malaman na dahilan ay napadilat ako.
Ano daw ang sabi nya?
"Pag ako ang maglalagay, wala ka dapat ikatakot."
Parang sa sinabi nya, parang na feel kong ligtas ako. Parang nakampante ang loob ko.
Sinimulan nya na lagyan ng betadine ang tuhod ko.
*lubdub* *lubdub*
B-bakit bumilis ang tibok ng puso ko?! B-bakit feeling ko ang lakas ng tunog ng heartbeat ko?!
Napatingin lang ako sa mata nya... nag-iba pakiramdam ko.
Anong nangyayari?
Habang nilalagyan nya ang tuhod ko parang wala akong maramdaman.
Hindi naman pala masakit. Hindi naman pala nakakatakot.
Oh dahil si Ryzen ang nagsabi na wala akong dapat ikatakot?
To be continued...
•••••••
BINABASA MO ANG
Captivated By The Campus Prince (On-going)
Teen Fiction[SLOW UPDATE] (1/25/17) Aeryl hates Ryzen with every fiber of his being. So why does his heart beat faster whenever his nemesis is around?