Chapter 12.
Actually. Nakaka two days na kaming practice. Nakakailang scene narin kami.
Medyo minsan, pumapalpak ako sa pagkabigkas ng mga script ko.
Namamali din ako ng mga galaw. Minsan pa ay natatawa ako.
Oo, inaamin kong marami na akong scene na nagkamali ako. Nakakahiya nga eh.
At ngayon,
Ngayon na ang Scene ni Ryzen. I mean, Scene naming dalawa na magkasama.
Ewan ko. Parang kinabahan ako ng tumayo na sya sa kinauupuan nya at tinawag na sya ni Sir Liam.
Ang scene namin ay yung nasa gilid na ako ng kalsada dahil nagkaproblema na ako sa pamilya at napalayas na ako.
At dahil si Ryzen ay si Dominic na makakakita sa akin ay lalapitan nya ako.
"Action!"
"Huhuhu." Nakaupo ako ngayon sa gilid at niyakap ang tuhod ko habang umiiyak.
Naramdaman ko na may taong papalapit sa akin pero hindi ko parin nililingon. Ayoko daw kasing may makakakita sa aking umiiyak.
"Miss?"
Boses na ni Ryzen ang narinig ko. Ang gwapo ng boses.
"Huhuhu." At patuloy parin ako sa pag-iyak.
Hinawakan ako ni Ryzen para i-comfort. Bigla nagsitayuan ang mga balahibo ko. Dahil ba hinawakan nya ako?
"Are you okay?" Tanong nya.
Sinabi ko naman ang kasunod kong script at nag "cut!" na si Sir Liam.
Medyo napagod ako ah! Kakasalita at kaka-acting.
Mas mahirap pala talaga ang live play! Syempre, maraming beses kayo mag pa-practice dahil live ito gaganapin kaysa shoot na kapag naka isa o dalawang take ka ay hindi mo na ulit i-a-act kasi tapos na. Na video na.
Umupo ako sa upuan at nauuhaw ako!
Lumingon-lingon ako pero wala akong makitang tubig!
Naramdaman ko naman na may umiinom ng tubig sa gilid ko kaya lumingon ako.
"Kuha mo ako tubig!" Utos ko sa kanya kasi hindi ko naman alam kung saan sya nakakuha ng tubig eh.
Tinignan nya lang ako ng suplado look.
"Bilis na Ryzen! Huhuhu" pag-iinarte ko.
Mukha yatang hindi effective kasi feeling ko hindi nya ako kukuhanan eh.
Hinablot ko ang tubig na iniinom nya para mang-asar.
"Hey!"
"Kuha mo muna ako. Please?" Nakangiting utos ko sa kanya.
Halata sa kanya ang pagkairitado at YES! tumayo na sya.
Akala ko kukuhanan nya ako, 'yun pala ay pumwesto lang sya sa likod ko para mahablot ang tubig nya sa akin.
Sumimangot ako.
"Ang damot mo! Parang ikukuha mo lang naman ako!" Naka pout kong sabi sa kanya at padabog akong tumayo papunta kung saan.
Nakakainis kasi 'yang Ryzen na 'yan!
"Kumuha ka ng sa'yo."
"Tse!"
Saan ba sya kumuha ng tubig?
"Hanap mo tubig?" Nakangiting tanong ni Isha sa akin habang inilalahad ang tubig sa harap ko.
BINABASA MO ANG
Captivated By The Campus Prince (On-going)
Fiksi Remaja[SLOW UPDATE] (1/25/17) Aeryl hates Ryzen with every fiber of his being. So why does his heart beat faster whenever his nemesis is around?