Chapter 4
"May gusto kasi ako kay Ryzen Lewis."
Medyo natahimik ako. Hindi ko naman alam ang irereact ko. Ano ba dapat?
Dapat bang tumawa ako? Kiligin? Umiyak?
Wait, what? Anong umiyak? Bakit ka naman iiyak? Kalokohan mo, Aeryl!!
"Ahh.. hehe,," tinignan ko nalang ang kapeng hawak-hawak ko at ininom nalang ito.
"Ah, ano nga pala ang role mo sa play?" Pag-iiba ko ng topic. Ang awkward. Hindi ko alam ang irereact ko.
"Hindi ko pa alam eh. Next week ko pa malalaman. Pinatawag lang ako ni Sir Liam eh." Paliwanag nya. Tumango-tango ako.
"Ano ba 'yan. Lumabas sya!" Tinignan ko naman 'yung kaninang pwesto ni Ryzen. Wala na sya doon.
"Ikaw, Aeryl? Crush mo rin ba sya?" Nakakunot-noo nyang tanong sa akin.
Nabigla ako at halos maibuga ko na ang iniinom kong kape.
"H-ha? Hindi ah! Never kaya 'no. As in, NEVER!" pinagdiinan ko pa ang salitang Never kasi totoo naman.
Anong magagawa ng isang maliit na alikabok sa malaking building? Ang layo ng level nito. Parang kami. Ang layo ng level ko sa kanya. Kaya for sure, para lang akong nahulog na lantang dahon sa kanya. Yung tipong wala syang pakielam. Hindi ako ganon ka famous at kagandahan. Kaya ayoko na magkagusto at umasa sa tulad nya.
"Talaga lang? Kakaiba ka huh? Halos lahat dito sa school natin ay may gusto na sa kanya samantalang ikaw, wala? That's impossible." Iiling-iling nyang sabi sa akin.
"Pwes, posible ngayon. At ako ang patunay!" Natatawa-tawa kong sagot sa kanya kaya naman pati sya at napatawa.
Madami kaming napagkwentuhan ni Isha. Madaldal pala sya pero may pagka mataray. May attitude sya parang ganon. Madami-dami din syang naikwento about kay Ryzen. Hindi naman ako interesado kay Ryzen.
Pero dahil hindi ako bastos na tao ay nagkunwari nalang akong nakikinig sa kanya kahit ang totoo wala naman akong mainitindihan sa sinasabi nya.
"Kaya ang saya lang, haha!" Kwento nya habang tumatawa kaya tumawa nalang ako kunwari.
Naka dalawang oras kaming nakaupo at maya-maya ay nag announce si Sir Liam na umattend na kami ng next class dahil may time pa naman kami bukas. Kaya inayos ko na ang mga gamit ko.
"See you, bukas!" Nakangiting paalam ni Isha sa akin. Ngumiti ako at tumango.
Nang makalabas ako ay bigla kong naalala si Elay. Asan na na kaya ang bruhang 'yon?
Kaya naman chineck ko ang phone ko at wala talaga syang message ni isa sa akin!
Pumunta na ako sa next class ko.
~~~~
Bakit absent ang bruhang 'yon?!
Sinubukan kong tawagan sya at good thing sinagot nya.
"Elay-ngot! Asan ka ngang bruha ka?! Bakit ka absent?! Sasabunutan kita!" Bulyaw ko sa kanya pagkasagot na pagkasagot nya nito.
[Aeryl! Ashan ka? Nasha langit na va?]
Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni Elay.
"Naglasing ka? Hooy---" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko ng babaan nya ako. Bastos! Kapag talaga 'yan napahamak nakuuu!! Pinilit ko parin syang tawagan pero wala! Ayaw na.
Hindi ko naman alam kung saan sya hahagilapin.
Bahala nga sya sa buhay nya!
Pero paano na ako ngayon? Saan muna ako pupunta? Ayoko munang umuwi. Boring sa bahay.
Kaya ang ginawa ko, nag mall muna ako.
Palabas na ako ng school ng nakita ko si Ryzen na may kahalikang babae.
Ah. Siguro may bago na naman. As always naman.
Napailing nalang ako at bago ko pa maalis ang tingin ko sa eksenang 'yan ay nagulat ako.
O___O
Nagtama ang paningin naming dalawa.
T-teka?! Kumurap ulit ako. Wala na 'yung paningin nya sa'kin. Pero sigurado ako. Sigurado akong nangyari 'yon.
Nagtama ang paningin naming dalawa.
••••••••
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Captivated By The Campus Prince (On-going)
Fiksi Remaja[SLOW UPDATE] (1/25/17) Aeryl hates Ryzen with every fiber of his being. So why does his heart beat faster whenever his nemesis is around?