Chapter 5: Why Me?

52 5 0
                                    

Chapter 5

Grabe. Ang sarap nung Ice cream na kinain ko kahapon. Dark chocolate ba naman kasi ang flavor.

Ano ba 'yan umagang-umaga gusto kong mag Ice cream!

Bumangon na ako at nagkusot ng mata. Ayoko sanang pumasok kaso nga lang, kailangan ko gawa ng may isang project akong ipapasa at yung play na gagawin sa school. Sa BUONG school.

"Ang bangoooo!!" Sabi ko pagkababa ko galing dito sa C.R. yes! May C.R. kami dito sa taas. Incase na maihi ng sobra sa gabi, ayan, malapit lang.

"Parang Sinigang lang naman 'to anak!" Nagulat ako sa nagsalita.

"Mommy?!" Nanlaki ang mata ko sa kung sino ang nagluluto ng ulam at almusal namin.

"Yes baby?" Nakangiti sa akin si Mommy kaya binilisan ko ang pagbaba sa hagdan. "Mommyyyy!!" At niyakap sya mula sa likod nya.

Namimiss ko ng sobra si Mommy dahil palagi nalang sya busy sa works. Pareho sila ni Daddy. Kaya bihira talaga as in sila magka time sa akin.

Kaya naman ngayon, laking gulat ko na si Mommy ang nagluluto ngayon.

Iniharap ako ni mommy sa kanya at niyakap paharap. Napapikit ako ng halikan nya ang noo ko.

"Baby, 'wag muna mag bo-boyfriend ha? I love you." At napangiti nalang ako at tumango.

Tinuloy na nya ang pagluluto nya at ako naman ay naupo sa lamesa.

Binuksan ko naman ang phone ko at nag facebook.

Kaso nga lang, wala akong napala kaya sinarado ko nalang ang phone ko at hinintay na matapos ang pagluto ni Mommy.

At ayun na nga, bigla ko nalang naamoy sa harapan ko ang amoy sinigang.

"Hmmm!!! Amoy pa lang masarap na, hehe!" At napatawa naman si Mommy ng mahina.

"Nambola pa." Sabi nya habang inihahanda ang mga plato at mga kutsara.

"Kumain ka ng madami ha? Liligo na ko. Marami pa akong tatapusin na trabaho." Sabi ni Mommy at tinanguan ko sya ng nakangiti.

"Sige, Mom. Ingat!" At umalis na sya.

Medyo nalungkot na ako kasi mawawalan na naman sya ng oras ulit sa akin.

Pero okay na rin naman. Atleast kahit papaano nabigyan nya ako ng ganitong oras.

                           ~•|•~

Umattend ako ng first class ko kasi wala nan kaming meeting para sa play.

At ng matapos naman ang lahat ng class ko ay didiretso na sana ako sa Field nitong school ko kaso nga lang ay nakita ako ni Sir Liam.

"Sir," bati ko sa kanya at palakad na sana ako ng tawagin nya ako.

"Aeryl" napahinto ako dahil sa pagtawag nya sa akin.

"Y-yes, sir?" Tinignan ko sya sa mata nya. Hinihintay ang kanyang sasabihin.

"Sumunod ka sa'kin sa private room." Sabi nya at nauna na syang maglakad.

Sumunod na lamang ako sa kanya papunta doon.

~~~

"Absent si Ryzen ngayon at dalhin mo lahat ng papel na ito at pag-aralan mo." Sabi ni Sir Liam at kumunot naman ang noo ko.

Hindi naman 'to para sa'kin ah? Bakit ko pa pag-aaralan?!

"B-bakit po ako?!" Nagtataka kong tanong kay Sir Liam.

Tinignan ako ng seryoso ni Sir Liam.

"Ikaw ang magturo ng 'yan kay Ryzen. Baka magstart na tayo bukas."

Nanlaki ang mga mata. Literally.

"P-po?! Bakit a-ako pa?"

Bakit kasi ako pa talaga. Pwede naman sya nalang tapos sabihin kay Ryzen. Or yung iba nalang! Si Isha! Ayun! Pero sabihing ako?! Baka snob-in lang ako nun or ipagtulakan or hindi makinig 'yon sa sasabihin ko. Kilala ko 'yon! Hindi yun namamansin ng mga tulad ko.

"You have no Choice Ms. Castelltort." Napailing nalang ako atska kinuha ang mga papel na nasa harap ko at tinignan isa-isa.

"Andami naman po?" Tanong ko habang patuloy parin ako sa pag browse ng mga papel.

"Wala pa sa kalahati 'yan, Aeryl. Kaya pagbutihin mo ang pagbasa."

Hindi ko sinulyapan si Sir Liam dahil parang nairita ako bigla.

Ayokong mapahiya.

Ayokong matulad o maging isa sa mga babaeng kinawawa nya sa harap ng marami. Ayoko.

"Sir, baka pwede po si Isha nalang ang mag-aral ng mga 'to para kay Ryze--"

Natigilan ako ng tignan ako ng seryoso ni Sir Liam. "Sabi ko nga po."

At hindi na talaga ako makakaatras. Wala. Wala akong choice.

Bumuntong- hininga ako bago ko niligpit ang mga papel at iniligay sa bag ko.

"Una na po ako, Sir." Hindi ko na sya hinintay magsalita pa o magreact at dire-diretso na akong lumabas ng private room ng mga characters.

"Haaay." Napapikit nalang ako at inisip kung paano ko makakausap bukas ang isang Ryzen Lewis.

"Problemado?" Napadilat nalang ako ng may magsalita.

"Ah. Medyo. Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Isha.

"Pauwi na ako eh. Pero hinahanap ko pa ang ate ko." Sabi nya.

Ngumiti ako at tumango sa kanya. "Sige. Ingat ka." Paalala ko sa kanya kaya naman tumango sya bago umalis.

Napailing ako bago lumakad palayo.

Absent pa rin si Elay simula kahapon. Bwiset yun eh. Hindi manlang sya nagpaalam.

~~~

Waaaaa!!!!! Sasakit na ang ulo ko dito!! Ang dami pa ng babasahin ko. Gabi na eh. Dapat tulog na ako nito. Pero eto parin ako! Nasa kwarto ko at nagkalat ang mga madaming papel sa table ko.

Halos nakasalamin na nga ako. Pagod narin ang mga mata ko. Waaa!! Inaantok na talaga ako huhuhu.

Mahal pa rin kita, Samantha. Hindi ko kayang kalimutan ang isang tulad mo.

Blahblahblah. Puro kadramahan!

Nasaan na ba ako? Ah. Nasa rooftop.

Napatawa ako ng mahina. Nasa kwarto kasi ako. Wala ako sa rooftop.

Natawa ako sa sarili ko. Ang ibig sabihin kasi ng utak ko, nasaan na pala akong part yung binabasa ko.

Ganito ba talaga ang epekto ng inaantok? Nababaliw?

At ng hahawakan ko na sana ang papel ay parang nagkusa ang mga mata ko na pumikit at ang ulo kong nagkusang bumagsak.

••••

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon