Chapter 25
"Oo Elay." Umiinom ako ngayon ng lemonade habang nasa field kami ni Elay.
Kahapon pa in-announce 'yung tungkol sa outing kaya naman hindi ako nakatulog ng maayos.
"Buti pa kayo may Outing. Huhu, kailan daw?" Tanong nya. Kinagat ko muna ang crossini ko bago sumagot sa kanya.
"Bukas."
"Bukas?! Bakit ang bilis?"
"Sabi, marami pa kaming time na gugugulin para sa practice. Eh kung papatagalin pa daw namin ang outing, baka hindi na namin matuloy. Kaya mas maganda daw na bukas na." Paliwanag ko naman na ikina lungkot ng muka ni Elay.
"Mamimiss kita bukas!" Hinampas ko naman ng mahina si Elay.
"Ano ba! Dalawang araw lang naman 'yon." Sabi ko. Sabado't linggo lang naman ako mawawala!
"Kahit na!" Sabi nito kaya naman isinandal ko ang ulo ko sa balikat nya at nagsalita
"Parang ayoko na nga eh." Si Ryzen ba ang pinoproblema ko?
"Si Ryzen ba?" Napaangat naman ako ng ulo sa tanong nya.
"Ano sa kanya?" Nagtatakang tanong ko. Nabasa nya ba ang nasa isip ko?
"Alam mo, Aeryl? Okay na sana si Ryzen eh. Kaso nga lang, babaero." Sabi nya.
"Alam ko," bulong ko naman at ibinalik ulit ang ulo ko sa balikat nya.
"Aeryl.. paano ka ba nainlove sa kanya?"
Kumunot ang noo ko.
"Hindi nga sabi ako inlove!" Pagpupumilit ko.
"Hindi Aeryl, eh. Kilala kita. Naalala mo si Elmo?"
Huminga ako ng malalim dahil sa tanong nya.
"Oh?"
"Sya palang kasi ang huling kilala kong nagpatibok ng puso mo eh. Tapos after nya, Wala na! Kaya bilang bestfriend mo, gusto ko ng magkalovelife ka."
Napailing nalang ako sa kagustuhan ng bestfriend ko. Pero bilin ni Mommy na 'wag daw muna ako mag bo-boyfriend.
~•|•~Lumipas ang isang araw at ngayon ay sabado na. Meaning, ngayon na 'yung outing naming mga casts.
"Magte-text ka sa'kin, Aeryl pagkarating nyo doon ah!" Bilin ni Elay habang nasa kwarto ko.
Talagang pumunta sya dito para sa akin. Napaka talaga nitong babae na 'to eh!
"Oo! Akala mo naman sa ibang bansa ako pupunta eh!"
Natawa naman sya at kinuha na namin ang ilang mga damit ko at inilagay sa bag ko.
"Basta bantayan mo si Carlos ah! Baka may landiin na naman eh!" Sabi ko kay Elay habang natatawa-tawa.
Si Carlos ang tropa din ni Ryzen. gwapo din sya tulad ni Ryzen---- letse. Kinukumpara ko nanaman.
"Sinabi mo pa! Eh si Ryzen? Bantayan mo din! Naku! Habulin pa naman 'yon ng mga babae!" Natatawa din nyang bilin.
Hinampas ko naman sya ng kaunti. Bwiset 'to eh! Hindi nga sabi ako inlove kay Ryzen! Sa mayabang na tulad non? Paano ako maiinlove?!
Haaay.
Nang mailagay na namin ang lahat ng kailangan ko ay niyakap ako ni Elay.
"Sana kasi, napili din ako bilang cast eh. Naiinggit tuloy ako!" Sabi nito habang nakayakap.
"Ano ka ba! Kung sasama ka ngayon, edi hindi mo nabantayan si Carlos!" Sabi ko naman matapos ang yakapan namin.
"Oo nga 'no!"
Lumabas na kami ng kwarto ko at dumaan muna saglit sa kusina. Kumain kami saglit at nagpaalam na kay Ate Selya.
Wala si Mommy at Daddy, as always. Pero pinayagan na naman nila ako kagabi.
"Wow! May kotse ka na?" Tanong ko ng makalabas kami. Hindi ko kasi napansin na kotse pala ang gamit nya pagpunta dito sa bahay. At teka! Paano sya natuto?!
"Haha, Actually medyo matagal na 'yan, Aeryl. Kaso nga lang, inasikaso pa namin ang lisensya ko matapos kong mapag-aralan ang pagda-drive." Paliwanag nya kaya naman napangiti ako ng malawak.
Dali-dali akong lumapit sa white car nya.
"Ito nalang ang gamitin natin ngayon papunta sa school. Para mabilis tayong makapunta." Suggestion nya kaya naman tumango ako na hindi naalis ang ngiti sa labi ko.
"Hindi pa kasi ako pinapayagan ni Daddy na magka-kotse. Haay." Gusto ko na kasing matuto. Huhu.
"Protective lang talaga si Tito." Sabi nya at pinaandar na ang sasakyan.
Ng makapunta na kami sa school ay siksikan ang mga estudyante.
Nakisiksik kami ni Elay sa mga students na animo'y may artistang inaabangang dumating.
Palagi namang ganito dito ata? Hindi ko lang naabutan dahil palagi akong late.
"Elay? Ano bang mero---" napahinto ako sa pagtanong ng may kotseng huminto sa gitna.
Kilala ko kung kaninong kotse 'yan!
"Bes," bulong ni Elay ng may bumaba na sa kotseng silver.
"Kyaaaah! Baby ko!!!"
"Ang gwapo talaga!!"
"Shut up. He's mine!"
Umingay bigla sa paligid ng bumaba si--- *lubdub* Ryzen.
Nandito lang kami ni Elay sa kumpulan ng mga babae at talaga namang kitang-kita ko kung paano magsilapitan ang mga babae sa kanya.
"Tara na Elay." Ayoko na dito! Tss. Sya lang pala 'yon! Paartista pa ang dating! Kabwiset.
Hinila ko na si Elay sa kumpulan ng mga babae.
"Oh, bakit? Tignan mo si Ryzen! Makahawak sa bewang ng babae, wagas!"
Huminto ako sa paghila kay Elay. Hinarap ko sya ng nakapikit.
Huminga muna ako ng malalim. "Asahan mo pa sa babaero ha?!" Sabi ko at tinalikuran ko na si Elay. Masyadong mahaba ang kumpulan ng mga babae kaya mahaba pa ang pag-aalisan ko sa siksikan.
Naramdaman kong hinawakan ni Elay ang wrist ko. "Dito muna tayo." Pigil nya sa'kin kaya kumunot ang noo ko. "Para saan pa?" Tanong ko habang patuloy parin sa pagkunot ang noo ko.
Bigla akong napatingin sa harap. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari.
"Ohhhh!!"
Kitang-kita ng dalawa kong mata ang slowmotion kiss ni Ryzen at...
"Aryan Monteverde,"
H-hindi ako makahinga. Alam nyo 'yung feeling na sa biglang lingon nyo,ito kaagad ang nakita nyo?
Hindi ko rin maialis ang tingin ko sa kanila. Sila na ba?!
"Bes, hinga. Tara na." Mahinahong sabi ni Elay at tinapik ang likod ko. Hinila na nya ako palayo pero bago 'yon, nangyari na naman ang bagay na ito.
"Damn. Ryzen Lewis." Bulong ko sa pagtama ng paningin naming dalawa.
••••••
Vote and Comment!
BINABASA MO ANG
Captivated By The Campus Prince (On-going)
Teen Fiction[SLOW UPDATE] (1/25/17) Aeryl hates Ryzen with every fiber of his being. So why does his heart beat faster whenever his nemesis is around?