Chapter 3: Script

68 4 0
                                    

Chapter 3

"Isa-isahin mo nalang basahin 'yan, Aeryl." Sabi ni Sir liam habang bin-browse ko ang mga papel na ibinigay nya sa akin.

"So.. a-ako 'yung nililigawan dito ni Ryzen?!" Tumingala ako ng tingin kay sir liam dahil sya ay nakatayo at ako naman ay nakaupo.

Medyo natangahan ako sa tanong ko ng marealize ko kaya naman I cleared my throat at tska inulit ang tanong ko.

"W-what I mean is, ako si Samantha dito sa story na ito at s-si Ryzen naman ay si Dominic?" Pag-uulit ko kaya naman ngumiti si Sir Liam at nagpaypay bago sumagot.

"Correct! Ganun na nga, Aeryl. Ikaw ang gaganap na samantha ng buhay ni Dominic na gagampanan naman ni Ryzen, kaya galingan mo." Paliwanag nya kaya naman tumango-tango nalamang ako.

Okay?

Nag browse pa ako ng another page at binasa ang mga ito.

So ang kwento pala, puro romantic scene.

ROMANTIC SCENE?!

oh, god.

Oo. Alam ko namang kaya ko ang umacting at hindi ito mabigat para sa'kin.

Nakilala kasi ako doon sa isa kong prpject na kung saan ay ako ang gumanap na kontra bida at nakita naman ito ni Sir Liam kaya siguro ako ang napili nyang gumanap na bida.

Pero isipin nyo naman, Role Play ito ng buong University. AS IN LAHAT MAKAKAKITA.

Kaya hindi ko maisip kung kaya ko ba ito? Lalo na't si Ryzen Lewis lang naman ang partner ko sa storyng ito.

"Maganda di'ba? Nakakakilig ang ilang parts ng story na 'yan. Pero iiyak ang lahat sa dulo."

Medyo nabigla ako sa sinabi ni Sir Liam. Hanodaw?! So may mabibigat na scene dito? Yung iyakan ba?

Huhuhuhu. Tanggap ko pa ang kontra bida. Atleast sa mga story, magtataray ka lang o 'di naman kaya ay mamamatay ka nalang bigla. Sa kadahilanang, sagabal ka sa kwento ng mga bida.

Pero kapag bida ka naman, marami ka munang challenges na mararanasan. Tapos minsan, ikaw pa ang mas maraming eksena sa kwento.

Lalo na dito sa kwentong 'to. Ngayon pa lang hindi ko na lubos maisip na laki sa mahirap ang character ko dito at samantalang 'yung kay Ryzen... yung character nya ay mayaman.

Nag basa pa ako ng nagbasa. Pero hindi lahat ng kopya ay binigay sa akin. Ewan ko rin kung bakit. Basta ang sabi ay baka next day nalang maibigay ang iba.

Ang naibigay pa lang kasi sa'kin, ay yung ibang parts ng story para daw magkaroon na ako ng Idea sa story. Wala pa sa'kin ang kopya ng mga characters at sino ang magsisiganap kaya hindi ko pa masyadong alam kung sino talaga ang official na makakasama ko sa isang buwang paghahanda sa play.

Malay ko pala kung kasama ko ang mga ibang sikat dito sa university. Lalo na 'yung mga chix dito sa University. Naku.

"Uhmm, Sir? Meron na rin po ba si Ryzen nito?" tanong ko kay Sir Liam.

"Why?" Napalingon ako kaagad sa gilid ko kung sino ang nagsalita.

Ganon na lamang ang gulat ko ng si Ryzen ang nagsalita. Feeling ko nagsitayuan lahat ng balahibo ko.

Napatulala lang ako sa kanya habang naglalakad sa gawi namin ni Sir Liam habang inaayos ang butones ng longsleeves sa may bandang wrist nya.

Habang ang kanyang buhok naman ay messy.

Plus the fact na ang gwapo nya lumakad.

Kaya naman pala andaming nababaliw sa kanya. Oo nga gwapo. Pero hindi ko parin type. Ewan. Parang walang kilig or kahit ano akong nararamdaman kapag nakikita ko sya. Siguro, ako nalang yata ang hindi tinatamaan sa kagwapuhan ni Ryzen.

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon