Chapter 20: No Choice

52 2 0
                                    

Chapter 20

Sino 'yun? Teka... si... si... si Ryzen 'yon ah! Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko at hindi nga ako nagkakamali!

Sila Ryzen ang kalaban nila Marcus?

Bakit hindi sinabi ni Ryzen sa'kin na sila pala ang kalaban?!

Pero bakit nga ba sasabihin pa 'no? Sino ka nga ba, Aeryl!

'Go Baby Ryzen!'

Tss. Baby Ryzen.

Tinignan ko nalang si Marcus. Ang hot nya eh 'no? Bakit ba may mga lalaking ganito! Mygosh.

Kanya-kanya silang cheer habang ako tahimik lang na nakaupo at kumakain ng donut.

Ng magstart na lalong mas umingay ang kapaligiran. Puro tilian at sigawan.

Syempre. Hello?! Mga famous kaya 'yang maglalaro.

Ng nagsisimula na 'yung game busy lang ako sa paglamon. Habang 'yung iba, busy sa pagtili. Sino ba titilian ko dyan?

Napaisip ako. Sumigaw din kaya ako? Teka, teka. Aayusin ko lang sarili ko. Pagkaayos ko ay tumayo na ako at sumigaw.

"GO MARCUS!"

Nagulat nalang ako ng maraming tumingin sa akin. Anong mga problema ng mga 'to?!

"What?!" Iritadong tanong ko tska padabog na umupo nalang. Kaasar 'tong mga 'to eh.

Kinain ko nalang ang mga natitirang donut. Hmp!

Ng tumingin na ako sa harapan ay nakita ko ang mainit na laban.

At kita ko na kina Ryzen at Marcus ito nagmumula. Anong meron? Bakit ganon?!

Parang galit si Ryzen?! Anong nangyayari?!?!

'Si Baby Ryzen, parang nagalit!'

'Pero gwapo parin sya, bes!'

Loka-loka 'tong mga 'to! Nagagalit na nga yata kinikilig pa! Kakaiba.

Pero habang nanunuod ako nakikita ko ang sunod-sunod na shoot ni Ryzen.

Bakit ang galing nya?!

Binaling ko naman ang tingin ko kay Marcus. Hindi ko maintindihan ang mood nya!

Ng matapos ang game ay nanatili akong nakaupo. Sino ba lalapitan ko?

Gusto ko sanang tanungin si Ryzen. Ewan ko ba! Bakit sya ang gusto kong lapitan.

Si Ryzen ang una kong nakita kaya lalapit na sana ako pero naunahan ako.

Si Aryan.

Nasa harap lang ako nila kasi parang ayaw gumalaw ng mga paa ko.

Nakahawak si Aryan kay Ryzen habang pinupunasan nya ito.

Nakakainis ah! Iba naman nilalandi nya!

Nagtama ang paningin namin ni Ryzen kaya umalis na ako.

Nagulat naman ako ng nakita ko si Marcus sa 'di kalayuan sa likod ko.

"Marcus!" Tawag ko kay marcus at nilapitan ko sya. Pero late na naman ako dahil dinagsa sya ng mga babaeng magaganda.

Napahinto ako.

Bakit ba ganito?! Sa hindi ko malaman na dahilan ay lumungkot ako.

Uuwi nalang ako?

Oo, tama. Wala naman akong mababati dito di'ba? Oo. Umuwi nalang ako.

At sa pangalawang pagkakataon. Nagtama ang paningin naming dalawa ni Ryzen. Bakit ba palagi nalang?! Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at umalis na.

Nagulat ako ng gabi na? Ang bilis naman!

Binuksan ko ang bag ko at hinanap ang wallet ko. Magtataxi ako.

Medyo nakailang segundo na ako naghahanap pero bakit parang wala sa bag ko?! Pinilit kong hinanap pero wala talaga! Huhu! Pano 'yan?!

No choice ako kundi maglakad pauwi kahit gabi na. Kesa naman dito ako matulog!

Muli kong nilingon ang gate ng school ko. Si Marcus kasi. Parehas lang sila ni Ryzen!

Nagsimula na akong maglakad. Masakit narin naman ang mga paa ko tapos sa kamalasan ko pa ay nasira pa!

No choice, kundi tanggalin ko ito.

Ngayon, naglalakad ako na parang nakakaawa dahil isa kong paa walang sapatos.

Lakad lang ng lakad, Aeryl.

"Aray!" Daing ko ng muntikan na akong matapilok. Kabwiset!

"Kasi naman eh! Wala ng mga lalaking matino ngayon! Puro babae nasa isip! Kainis. Mga playboy!" Salita ako ng salita dito habang naglalakad at padabog na naglalakad. Kainis!! Ang na nga ng paa ko matatapilok pa ako!

"Mga babaero. Hindi loyal!" Sabi ko habang naglalakad. Wala eh, sa naiinis ako!

"Sana kasi sumabay ka nalang sa'kin"

Napalingon naman ako sa gilid ko. May kotse. Edi si Ryzen.

"Dapat mga babae mo ang mga sinasabay mo!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy parin ako sa paglalakad.

"Selos ka?" Tanong nya.

Tumigil ako ng lakad hinarap sya.

"Ako nagseselos? Wow!" Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Wala ka pang isang sapatos, tsk!" Sabi nya kaya inokrayan ko nalang.

Ramdam ko na ang sakit ng paa ko pero go lang! Gusto ko ng makauwi eh.

Bakit ba nakasunod 'tong Ryzen?! Doon sya sa mga babae nya!

Napapaiyak na ako habang naglalakad. Nasakit na talaga sobra ang mga paa ko.

"Aeryl" seryosong tawag nya sa akin.

Pinunasan ko ang pisngi ko at hinarap sya. "Ano?!"

"Sumabay ka na."

"Ayaw!"

Tinignan nya ako ng masama.

Tumingin muna ako sa paa ko na madumi na at may sugat. Masakit na talaga sila. At isa pa malayo pa lalakarin ko. Baka abutin ako dito ng umaga.

Muli akong tumingin kay Ryzen na nakatingin sa akin.

Tumulo ulit ang luha ko at "fine!" Lumakad na ako papunta sa kotse nya.

Ng makasakay na ako ay nakatungo lang ako.

"Tsk."

Bigla syang may inabot sa likod at nakita kong tsinelas 'yon.

"Baka itanong mo kung ano 'yan?" Tanong nya kaya napaangat ako ng tingin sa kanya.

"What?!" Iritado nyang tanong. Kinuha ko na ang tsinelas bago pa ako maisipang ibaba dito.

"Kayo na pala ni Aryan?" Tanong ko sa kalagitnaan ng byahe.

"No."

"Eh? Ang sweet nyo kanina. Para kayong mag-on." Sabi ko sa kanya habang nagsusuklay ako.

Tinignan ko naman sya at seryoso lang syang nag da-drive.

Hindi sya umimik. Kaya naman nanahimik nalang ako.

"Haayyy" naramdaman ko ang antok kaya umidlip muna ako saglit.

Hindi ko alam pero nagpapasalamat parin ako na nadaanan ako ni Ryzen ang prinsipe ng campus at nakasabay ako.

"Thank you," bulong ko bago ako makatulog.

••••••••

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon