Chapter 27: Stay

53 2 0
                                    

Chapter 27.

A/N: play nyo nalang po 'yung kanta para sa chapter na ito. Mwuah! :*

~•|•~
Aeryl Castelltort

Anong oras na ba? Huhu. Gutom na 'ko. Lalabas ba ako? Eeeeh. Baka makita ko si Ryzen! Anong gagawin ko?

Pinikit ko pa ulit ang mga mata ko pero ramdam ko na talaga ang gutom. Kaya naman inabot ko sa side table ang cellphone ko at doon ko lang nalaman na gabi na pala! Dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili.

*inhale, exhale*

Aba! Walang katao-tao? Hmmm. Asaan kaya sila?

Naglakad-lakad pa ako papunta doon sa kubo namin at i-check kung ano na ang nangyayari. Wala akong mapapala kung mag i-stay ako sa room ko at magpagutom dahil Kaya nga kami nag outing eh. Tapos ako naman 'tong kinakawawa ang sarili.

Ng makarating ako sa kubo namin kahit madilim ay umupo ako. Alam ko naman ang sa amin kasi natandaan ko naman kanina.

Literally talaga na madilim! Ang tanga ko pa na hindi manlang nagdala ako ng flashlight edi sana may nakikita ako ngayon sa dilim na 'to! Haaay.

Bumuntong-hininga ako dahil ramdam ko ang lamig. Pinagkiskis ko pa ang dalawa kong palad para kahit papano ay medyo makaramdam ako ng init.

"Asan kaya sila?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatanaw doon sa mga taong nagsu-swimming. Oo! Gabi na nagsu-swimming parin sila.

"Nagsu-swimming na sila kanina pa."

Ganoon na lang ang gulat ko ng may magsalita sa dilim!

"S-sino ka?!" Gulat na tanong ko.

"Tss."

"R-ryzen?" Don't tell me na nandito sya ngayon?

"Yeah." Simpleng sagot nito kaya naman napa hinga ako ng malalim atska nanahimik nalang. Aalis nalang ako! Kesa makasama 'tong babaero na 'to.

"Stay."

Eh----"Ayoko mag stay! Ba-bye!" Sabi ko at dali-daling lumakad paalis ng sa hindi ko inaasahan ay bigla nalang nya nilapit ang kanyang muka sa muka ko kaya nanlaki ng todo ang mga mata ko.

"Napapansin kong kanina mo pa ko iniiwasan." Sabi nito kaya naramdaman ko ang mainit nyang hininga.

"A-anong iniiwasa--" naputol lalo ang aking sinasabi ng nilapit pa nya lalo ang kanyang muka sa muka ko.

Hindi sya umimik at nanatili lang na nakatingin ang kanyang mata sa mata ko. Titig na titig ang mga mata nya kaya nakikita ko ang mga blue eyes nya.

"Ryzen.." tawag ko. A-anong meron? B-bakit sya ganito?!

"Bakit kapag tumitingin ka, natutunaw ako? Bakit kapag lumalapit ka, kumakabog ang puso ko? Bakit kapag nandito ka sumasaya ang araw ko.."

Nagulat nalang ako sa bigla nyang pagkanta. Ni-isang salita wala akong mabigkas. Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng paglunok ko ng sunod-sunod. Matapos syang kumanta ay tumitig muna sya sa mata ko.

"I told you to stay. Pero, it's a choice kung gagawin mo." Seryosong sabi nya at lumayo na sya sa akin at lumakad na papunta sa kubo.

Ngayon ay nakikita ko nalang ang likod nya na palayo sa akin. Nakapamulsa pa ito.

"Anong ibig sabihin non?" Tanong ko sa sarili ko kaya ilang saglit ay nanigas ang buo kong katawan at hindi ko magawang makalakad.

"Bakit kapag tumitingin ka, natutunaw ako? Bakit kapag lumalapit ka, kumakabog ang puso ko? Bakit kapag nandito ka sumasaya ang araw ko.."

Nag-echo ng paulit-paulit sa isip ko ang kaninang pagkanta nya.

Damn. Tinamaan na nga yata ako.

Naglakad na ako papunta sa kubo kahit nakakatakot dahil madilim ito.

Nang makarating ako ay naupo kaagad ako.

Pero pagkaupo ko, nakakapagtaka na hindi sya nagsalita o kumibo.

"Kung tatanungin mo kung bakit ako sumunod... uhm," dahil ano nga ba? Napatungo ako dahil hindi ko alam ang sunod kong sasabihin.

"Ah. Nevermind." Bulong ko atska nanahimik na lamang.

Ang awkward. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ni-hindi nga ako maka kibo ng maayos.

Maya-maya pa ay narinig ko nalang na may nagri-ring na phone.

Medyo naaninag ko na sinagot muna ni Ryzen ang phone nya atska nya binaba sa mesang nasa harap namin.

Huh?

"Baby? Kailan date natin?"

At ngayon ko lang napagtanto na ni-loudspeaker nya pala. Napakunot ako ng noo.

Tinignan ko si Ryzen at naka crossed arm lang ito habang nakadikwatro at nakasandal sa upuan.

"Yes baby? Uhm," sagot nito sa kausap sa phone at nagulat ako ng lumingon ito sa akin.

Inirapan ko ito at iniwas ang tingin. Hindi ko alam kung bakit namin nakikita ang isa't isa kahit madilim.

"Baby?"

Baby! Tse! Kadiri kayo. Akala naman nung babae sya lang 'yung tinatawag ni Ryzen na baby huh?! Madami pa! Hindi lang sya! Atska hindi lang sya 'yung dine-date nya 'no! Kainis!

Pero inaamin ko na inaasahan ko ng ang sasabihin nya ay pwede sya at kaya nyang ipagpalit ang outing namin para sa babae. Tsk!

"Uhm, hindi ako pwede, baby. Maybe nextime nalang."

Napalingon ako ng mabilis kay Ryzen. Nakita ko ang pagngisi nya.

Eh? O.o? Hindi sya pwede? Tinanggihan nya 'yung babae nya??

"Why? I miss you na!" Malanding tanong nung babae sa phone.

Hindi na ako nakapagpigil at umalis na ako! Naiinis ako. Talagang sa harap ko pa?!

Pagkalabas ko sa kubo ay biglang umulan.

Ang ganda talaga ng timing mo ulan! Sinabayan mo pa ako.

At doon na ako umiyak.

"Ang sakit lang eh. Para akong pinana ni Kupido ng biglaan. Hindi manlang ako ininform!" Sigaw ko sa gitna ng pag-ulan.

Tinignan ko ang beach at patuloy parin sila sa pagswimming kahit gabi na at umuulan na.

"Ryzen! Sabihin mong hindi kita gusto! Dahil 'di ba kahit kailan hindi kita magugustuhan!" Sigaw ko at sinipa ko ang mga bato sa lupa.

Siguro mga ilang minuto na akong nagpapaulan at sinisipa ang mga bato dito kaya pati paningin ko ay malabo na.

Hindi ko narin maaninag ng maayos ang paligid. Kaya sa paglalakad ko, hindi ko nakita ang isang bakal na nabangga ko.

"A-aray!" Daing ko ng maramdaman ko ang sakit sa may kaliwa kong braso.

Hinawakan ko ito at doon ko nalang nalaman na dumudugo na ito. Tsk! Katangahan nga naman oh!

Sa sobrang sakit ng kaliwa kong braso ay napaupo nalang ako ng wala sa oras at napapikit.

Naramdaman ko na bumagsak nalang bigla ang sarili ko.

At hindi ko na alam ang sunod pang mga nangyari.

To be continued....

•••••••••

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon