Chapter 6: The Queen Bee

41 5 0
                                    

Chapter 6

Liam Jackson

"Nasaan na si Aeryl?! Don't tell me na absent sya?" Tanong ko sa kanilang lahat.

Kanina pa ako kinakabahan na naiirita na naiinis na ewan.  Kanina pa sya hindi ma contact. Late na rin sya. Asan ba yung si Aeryl?

Napagod ako kakauli ng lakad at naupo ako. Sana naman 'wag syang umabsent!

Nakita ko si Ryzen na relax lang na nakaupo habang naka headset. Naka dikwatro pa sya. Hindi sya namomroblema katulad namin dito. Parang wala syang pakielam.

"Tawagan nyo ulit!" Utos ko sa kanila.

Nang ayaw parin sumagot ni Aeryl ay kinabahan na ako dahil kailangan na namin ngayon na mag photo shoot para sa cover at baka umabsent pa sya.

"Wala pong nasagot, sir."


~•|•~

Aeryl Castelltort

Nagising ako na namalayan ko ng nandito pala ako nakatulog sa table study ko. Madaming papel agad ang bumungad sa akin pag dilat ng mga mata ko.

Ano ba ang ginawa ko? Bakit feeling ko inaantok pa ako. Haaay. Maka pikit nga ulit. Anong oras pa lang naman.

8:30 am

7:00 pa naman ang klase ko.

7:00.

8:30 na.

TEKA. ANONG ORAS NGA ULIT?!

HALAAAAAA LATE NA AKOOOOO!!

dali-dali akong tumayo at tumakbo papuntang C.R. para maligo. Pagkatapos ko maligo at magbihis ay onting powder at lipstick lang ang nilagay ko bago ko kuhanin lahat ng papel sa table ko. Andami naman kasi. Nagkalat pa.

Tumakbo na ako pababa ng hagdan at kumuha lang ako ng isang sausage at bacon bago tuluyang umalis.

"Ate Selya, alis na po ako!" At hindi na ako nag patumpik-tumpik na naghanap ng taxi.

Pagkarating ko ng school ay kaunti nalang din ang mga students dahil nagka-klase na.

Habang ako? Eto. Dali-daling pumasok ng school.

"Excuse me," sabi ko sa mga nakaharang sa daan.

Takbo, Aeryl. Takbo!

"Aray!" At dito na nga nahulog ang mga papel na hawak ko.

Tinignan ko ang nakabunggo sa akin.

Aryan Monteverde.

Meet Aryan Monteverde.

Isang certified queen bee. Maganda, Mataray, matangkad, maputi, sexy, mahaba na may pagka curly ang hair, at sagana sa make-up.

Isang babae na maraming nagkakagusto dito.

At sya pa talaga ang nakabunggo ko. Nice. Aksaya pa ako oras. Alam naman ng lahat na once na mabangga/kalabanin mo ang tulad nya, world war ||| na ang mangyayari. Tsk.

"How dare you?!" Sabi nya habang palapit ng palapit sa'kin na nakataas pa ang kilay.

"Anong how dare you ka dyan? Nakaharang ka kaya. Tignan mo, tignan mo! Nahulog pa yung mga papel ko!" Sigaw ko din sa kanya habang turo-turo ang mga papel sa baba.

"You? Sinisigawan ako? Hah! Ang tibay mo naman?" At doon nya na ako tinulak.

Kaya naman natumba ako sa sahig habang ang sarili ko ay nagulat sa pagtulak nya. Anong karapatan nya para itulak ako ha?! Nakakapuno 'to ng pasensya ha?!?!?!

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon