Chapter 7
"Ready for pictorial?" Nakangiting tanong ni Sir Liam sa'min.
Eto yung para sa tarpaulin na ididikit sa bawat sulok ng school.
Tinignan ko si Ryzen. Ang gwapo ng dating. Tss. Palagi naman!
Sino ba pinagkakaabalahan nyan sa cellphone? Nakakainis din sya. Andami nyang pinapaasang babae dito sa school tapos taken na pala sya ganon?!
"Don't kill me with your stare."
Nagulat ako sa nagsalita. Si ryzen.
Oo. Si Ryzen kinausap ako? Talaga?!
Wala na palang tao sa paligid ng room. Asan na sila? Pero hindi pa ako tapos dito sa lalaking 'to. Gwapo nga pero paasa! Hindi sya makatarungan.
"Bakit ganyan ka?! Gwapo ka nga, paasa ka naman! Alam mo naman sigurong andaming nagkakgusto sa'yong babae tapos taken ka na pala?! Wow Ryz--"
"Huh?"
Sinamaan ko sya ng tingin dahil tatanggi pa sya! Hindi porket sikat at gwapo sya, eh ganyan na sya umasta.
Naka kunot lang ang noo nya na nakatingin sa'kin.
"Ano tatanggi ka pa? Hindi porket sikat ka at gwapo ka, magpapaasa ka na!" Sigaw ko pa sa kanya.
Ngumisi sya at lumakad palapit sa'kin.
Paatras ako ng paatras habang sya ay palapit ng palapit.
"Tumigil ka nga!" Sigaw ko sa kanya ng pader nalang ang nararamdaman ko sa likod ko.
"Kung gusto mo 'ko, umamin ka nalang. Wala naman masama don." Sabi nya sabay ngiti sa'kin.
Hinampas ko sya ng hawak ko.
"Tss. Ginusot mo lang 'yang script mo." Sabi nya at lumakad na sya palayo.
"Ang kapal ng muka!" Sigaw ko at lumakad na rin ako palabas.
~~~
"Ang tagal nyong dumating dito. Tinuro mo pa ba kay Ryzen 'yung gagawin nya, Aeryl?" Tanong kaagad sa'kin ni Sir Liam pagkarating na pagkarating ko sa studio. Kung saan kami magpo-photoshoot para sa tarpaulin.
Tinignan ako ni Ryzen.
"Ahh--ehh" wala akong maisagot kasi alam kong kaya ako tinignan ni Ryzen ay nagtaka sya sa sinabi ni Sir Liam.
Yung tipong 'Anong-ibig-sabihin-non-look'
"H-hindi pa po, S-sir." Nakatungong sabi ko kay Sir Liam.
"After nito, ituro mo na sa kanya." Sabi ni Sir Liam sa'kin at tumango ako.
Iniabot sa'kin ang isang gown na kulay beige at tamang-tama para sa tema ng story. Ako at si Ryzen ang bida kaya kami ang highlight ng cover.
Naka coat si Ryzen na parang prinsipe. Ang gwapo nya sa suot nya. Talaga namang bagay na bagay sa kanya.
Pagkasuot ko ng gown eh may pa cross out na strap sa likod ko na closer sa back less. Fit sa akin ang gown.
Diretso lang ang gown at eleganteng tignan. Ang alam ko kasi, yumaman yung character ko sa story.
Pagkalabas ko ng fitting room ay wala pa akong suot sa paa. Ibibigay pa lang.
"Wow! Bagay na bagay sa'yo, Aeryl! Ang ganda mo!" Puri ni Ma'am Era.
"Nice, Aeryl. Bagay sa'yo. Magpa make-up ka na doon kina Aya." Sabi ni Sir Liam na nag-aayos ng camera.
BINABASA MO ANG
Captivated By The Campus Prince (On-going)
Teen Fiction[SLOW UPDATE] (1/25/17) Aeryl hates Ryzen with every fiber of his being. So why does his heart beat faster whenever his nemesis is around?