Chapter 15: Bossy

54 1 0
                                    

Chapter 15

"Samahan mo 'ko sa mall. May bibilhin lang."

Napatitig lang ako ng ilang saglit sa kanya.

Tumango ako at ngumiti.

Para naman makabawi sa kanya, sasamahan ko nalang sya.

Pumwesto sya sa harapan ko at sya na ang nagbukas ng pintuan.

Kinuha ko narin ang bag ko at sumunod na sa kanya palabas.

Medyo naiilang ako. Feeling ko milyong mata ang nakatingin sa akin.

Hello? Sino ba ang kasama ko? Si Ryzen Lewis lang naman.

Kaya naglakad ako ng nakatungo. Mahigpit ang hawak sa strap ng bag.

Medyo sinulyapan ko pa si Ryzen na confident na naglalakad at nakapamulsa pa.

Ng makarating na kami sa parking lot ay sumakay na sya sa kotse nya.

Naiwan ako sa labas.

Nakakahiya! Sasakay ako sa kotse nya?!

"Anong hinihintay mo dyan?" Tanong nya kaya umiling nalang ako at sumakay na.

Pagkasuot ko ng seatbelt ay napa buntong-hininga ako.

"Ano nga pala ang gagawin natin don?" Tanong ko.

"Bibili ako ng damit para sa ate ko," sagot nya. Napatingin ako sa kanya.

"Pati narin 'yung pinapabili ni Sir Liam na damit para sa'kin." Pagpapatuloy nya.

"Eh bakit kailangan ko pang sumama?" Tanong ko sa kanya.

Pwede naman kasi na 'yung mga tropa nalang nya eh 'no? Or 'yung babae nya?!

"Manahimik ka nalang. Tutulungan mo lang ako maghanap." Sabi nya at pinaandar na nya ang sasakyan nya.

~•|•~
Ellayah Fajardo

"Nasaan na kaya 'yung bruhang 'yon?!"

Kanina pa ako nagtataka at kanina pa sya hindi nagpapakita eh.

Hindi rin kasi kami nagsabay ng pagkain. Tapos hindi ko rin sya nakikita.

Walang message or tawag mula sa kanya.

Bestfriend ba nya talaga ako ha?

"Girls look. 'Di ba ayun 'yung bida sa play?"

Napalingon ako sa gilid ko ng may narinig akong boses.

It's Aryan.

"Oo nga! Bakit sya kasama ni Baby Ryzen ko ha?" Maarteng sabi nito kaya naman hindi ko na napigilang hindi sumilip ng hindi nila nahahalata.

Sino ba 'yung tinutukoy nila?

"Girls, look! Sumakay sya sa kotse ni Baby loves ko!"

Omygod.

Kinurap-kurap ko pa ang mata ko at hindi ako nagkakamali sa nakita ko.

Aeryl?

Umalis na ako sa pagkakasilip ng umalis na ang kotse ni Ryzen.

Nakakapagtampo.

Hindi manlang nya nakukwento ang about sa kanila ni Ryzen. Samantalang Bestfriend nya ako!

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon