Chapter 1: Ryzen

104 6 0
                                    

Chapter 1

"Si-Ry-ryzen?! You mean.." hindi ko na sya pinatapos sa sinasabi nya dahil alam ko na ang mga ito.

"Yes," ang tanging nasabi ko dahil sasabihin nya na, I mean si Ryzen, yung crush ng bayan? Yung pinaka gwapo lang naman sa paningin ng lahat ng babae dito.

"Omygosh," rinig kong bulong ni Elay kaya naman kinuha ko ang pamaypay at ginamit ko ito atska huminga ng malalim. As in malalim talaga.

"B-bakit daw?!" Tanong nya, kaya naman pinaupo ko muna sya sa tabi ng upuan ko.

"Ewan?" Nagkibit-balikat na lang ako at tinuloy ang pag-inom ng frappe.

Akala ko nananahimik na si Elay pero nagulat ako ng magsalita ulit sya

"A-anong hindi mo alam?! Dapat alam mo, Aeryl!" Bulyaw nya sa akin kaya naman tinignan ko sya ng nakataas ang kilay.

"Eh sa Ewan ko ba Elay!" Sigaw ko din sa kanya at naglagay nalang ako ng earphones sa tenga ko kesa makipag-usap kay Elay.

Ni hindi ko rin naman talaga alam kung bakit ako pa ang gaganap na bida sa big event na ito at huh! Si Ryzen pa ang leading Man ko.

Maya-maya ay pinatawag kaming mga magsisiganap doon sa backstage ng school na ito.

Medyo na late ako dahil may tinapos pa akong school work at kailangan na ngayong oras na ipasa. Ng maipasa ko na ay tska na ako nagtungo sa backstage.

"Bye Elay!" Medyong mapang-asar na tono ko ito sinabi sa kanya with maarteng kaway pa.

"Sus! Hindi bagay sa'yo ang maging bida!"

Narinig ko pa ang sigaw nya ng makalakad na ako.

~••~

"S-sorry, I'm late!" Sabi ko ng agad-agad akong makaapak sa backstage kahit hindi ko pa nakikita ang mga nasa harap o kung sino na ang nandito. Medyo hinihingal pa ako dahil mas mala-late ako kapag naging pabebe pa ako.

*moment of silence*

Oh, ghad! Napatingin ako sa mga taong nandito na ngayon at..

At...

Nakakahiya lang! Ako na ang bida ako pa ang late. Kaso nga lang sa ngayon, ayaw pang mag sink-in sa utak ko na ako ang bida!

"Andito ka na pala," nakangiti si Sir. Liam ng makita ako na kakarating ko lang. Nag fake smile nalang ako dahil nahihiya talaga ako. And O. My. God. Lang talaga, shems!

Guess who kung sino ang nakaagaw ng atensyon ko.

Ryzen Lewis.

Napalunok ako at hindi ko maisip na, Yan! Yang sikat na Ryzen na 'yan! Ang ka partner ko! Ang makakasama ko ng ilang buwan para sa play na gaganapin.

Mukang babaero.

Syempre, playboy nga kasi.

At shems lang kasi, paano ako makakapg concentrate kapag umaarte na ako lalo na sa harap nya? Paano ako---

"Aeryl?" Napalingon ako kaagad sa tumawag sa akin. Si Sir. Liam.

"Y-yes?" Nauutal ako dahil medyo wala pa ako sa katinuan.

Na realize kong umayos ng tayo at magkaroon ng confidence kaya naman ginawa ko. Tumango ako kay Sir. Liam nung sinabi nya na baka next week pa magsimula ang practice namin.

Pumunta ako sa gitna para umupo. Nasa harap lang si Sir at nag discuss lang sya ng mga mangyayari.

Salita lang ng salita si Sir pero ewan ko ba! Napapalingon ako ng kaunti sa gilid ko. Ano ba meron dyan sa lalaking yan?! Oo. Gwapo nga. Pero...

HINDI KO SYA TYPE.

AT HINDING-HINDI KO SYA MAGUGUSTUHAN!

Never. As in never in my li---

"Right, Aeryl?" Kumunot ang noo ko dahil kausap na naman ako nyang si Sir. Liam?! At hindi ako aware! Kainis naman.

Pero dahil magaling akong mag pretend "yeah, ganun na nga" at tatango-tango pa ako sa kanya.

Ngumiti sya sa akin at ipinagpatuloy ang sinasabi. Wala naman akong mainitindihan.

"Meeting dismiss" parang napantig ang tenga ko at napaangat ang tingin ko sa mga taong nagsisitayuan na at nagsisialisan.

Kaya naman tumayo na ako.

"You two. Maiwan kayo dito." Napalingon ako sa likod ko dahil paalis na sana ako.

"S-sino po?" Nauutal na naman ako.

"Kayo ni Ryzen. Maiwan muna kayo."

••••••

Vote and Comment!

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon