Chapter 24: Destruction

50 2 0
                                    

Chapter 24.

"Ang pag-ibig at ang pagtibok kasi ng puso, hindi 'yan pina-plano. Kusa 'yang dumarating at nararamdaman."

Patuloy na nag e-echo sa isip ko ang sinabi ni Elay kahit hindi na kami magkasama.

Umattend lang ako ng first and second class ko bago pumunta sa Private Room ng mga casts.

Hindi ko alam kung ano ang meron nang makita ko si Ryzen.

Busy sa pagtype sa cellphone. Babae na naman nya!

Nakasimangot lang akong dumiretso sa upuan at padabog na umupo.

Sinusulyapan ko ng kaunti si Ryzen pero takte naman! Naka focus lang sya sa cellphone nya!

Maya-maya ay may tumawag sa kanya.

Mula dito, ay rinig ko ang pag-uusap nila.

Pati ang boses ng kausap nya sa phone.

"Hi baby! May free time ka ba mamaya? Date tayo!"

Biglang napantig ang tenga ko sa narinig ko. Nagsalubong ang dalawa kong kilay at parang umakyat lahat ng dugo ko pataas.

Tumawa ng kaunti si Ryzen na ikinainis ko pa!

"Meron naman."

Talagang meron?! Aba! Ang landi mo talaga Ryzen!

"Okay. Iloveyou."

I LOVE YOU?!?!?!?!

Don't tell me mag I- I love you too ka, Ryzen?!

"Sige." At pinatay na nya. Nakahinga ako ng maluwag ng nag 'sige' lang sya.

Napa buntong-hininga ako. Iba na 'to. Masama na 'tong nararamdaman ko.

Saan ba 'to nagsimula? Kailan? Wala naman akong maalala na dahilan para mahulog ako sa kanya! Wala. Wala talaga. Pero bakit 'to nangyayari? Sa anong dahilan?

Bakit sa tulad pa nya.

Napa buntong-hininga ulit ako at napatungo.

"Ang pag-ibig at ang pagtibok kasi ng puso, hindi 'yan pina-plano. Kusa 'yang dumarating at nararamdaman."

Napapikit ako at naramdaman ko ang luhang tumulo. Umiiyak ba ako?

"Crying?"

Napaangat ako ng tingin. Si Ryzen.

Hindi ko sya sinagot at pinansin. Iniwas ko lang ang tingin ko sa kanya.

"Come on Aeryl--"

"PWEDE BA? 'WAG MO MUNA AKO KAUSAPIN RYZEN. IWASAN MO MUNA AKO!" sigaw ko sa kanya at lumabas muna.

Hindi ko na kaya ang pagpigil sa iyak ko. Takte talaga! Ang bilis at ang daya ng panahon. Bakit ganito?! Ano ba talaga ang nagyayari?!

Ah. Alam ko na! Nagbibigay kasi sya ng motibo. Sya palagi ng nandyan kapag kailangan ko. Sa mga galaw nya kapag kasama ko sya. Oo. Doon siguro nagsimula.

Pati ang pagsabi nya sa akin na huwag akong sasama kay Marcus.

Lahat ata nabibigyan ko ng motibo at kahulugan na dapat wala naman!

Tumakbo ako sa pwede akong mapag-isa.

Nakita ko naman ang mga nag gagandahang mga babae.

Ayan? Ayan ba ang mga tipo nya? Oo. Tanga ka ba Aeryl? Maganda eh. Sexy. Ayan ang hanap ng mga lalaki ngayon!

Narinig ko ang anouncement. Pinapatawag ang mga casts at start na ng practice. Paano ako haharap kay Ryzen? Nasigawan ko sya.

Pinunasan ko ng pisngi ko at pumunta na sa Private Room.

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon