Chapter 29: Lihim na Pagnanasa

36 2 1
                                    

"Hindi ka lang manhid para Hindi mo maramdaman ang lahat. "

Chapter 29.

Gumising si Ryzen ng mabigat pa ang pakiramdam. Nahihilo at masakit ang mga braso.

Pinilit nyang tumayo at ganoon nalang ang kanyang gulat ng makita si Aeryl. Nakaramdam sya ng kakaibang pakiramdam ngunit napailing nalang ito ng maalala ang katangahang taglay nito.

Inisip na baka ay, nakatulog nalang ito kaya hindi na sya nag-alangan na buhatin ito upang ibaba sa Kama. Inalis ang buhok na nakaharang sa muka at natitigan nya rito ang dalaga.

Hindi ito katulad ng karamihan na sexy ang mga pananamit. Iyong mga tipo ng mga babaeng dine-date nya.

Pero bakit ganoon? May iba syang nararamdaman kapag ito ang nasa paligid.

Binura nya ang nasa isip at tinignan ang cellphone nang tumunog ito.

Babae. Minsan ay nakakalimutan na nya ang pangalan ng babaeng dine-date nito. Sa dinarami ba naman kasi.

Babaero sya oo at inaamin nya iyon. Wala pa syang minamahal kahit sino dahil Hindi nya kaya at Hindi nya alam kung paano ba ang magmahal.

"Ryzen, free ka ba?" Sabi sa kanya nung babae sa phone nya. Napa buntong hininga sya.

Magtatype pa Sana sya ng bigla namang tumawag ang babaeng nagtext sa kanya.

"Dana.." Panimula ni Ryzen.

"Silly. I'm dorinn" sagot naman ng babae. Medyo tumawa ng mahina si Ryzen. Oo nga pala. Si dorinn nga pala ito.

Nagsalita ang babae na nagsasabing mag bonding naman daw sila. Matagal na itong Hindi nakakasama ang binata kahit dalawang araw pa lamang.

Ngumisi ang binata ng maisip na
Dalawang Araw pa lamang ito eh bakit ganito na makapag react ang babae.

Bigla syang napailing. Nagsawa na syang kasama ang babae kaya ibe-break na nya ito ngayon palang.

Yeah, the girl was too good in bed. Pero, sya si Ryzen Lewis. Madaling magsawa.

Babaero, hindi pa naging seryoso kung magkaroon ng nobya.

Ngayon pa nga lang e nagsawa na agad ito Kay dorinn.

"Hindi na 'ko pwede ngayon. I'm not free today."

"Bakit? Nagsawa ka na ba agad sa akin at ganiyan ang reaksyon mo huh?" Sagot naman ng babae.

Ngiting nakakaloko ang nagpinta sa muka nito. "Yeah. I'm sorry. You know me--" hindi na natapos sa pagsasalita si Ryzen.

"How dare you! You know that I want you, I love you! Noon pa lang pina-pangarap na kitang maging akin, Ryzen!" Sigaw ng babae sa kabilang linya.

Pare-parehas na ang ganitong linya para sa isang Ryzen Lewis na marinig sa mga babae na kanyang nakakasama.

At alam narin nya ang kanyang linya para sa mga ganitong eksena.

"I'm sorry, but I don't love you. I only need you that time, dorinn."

"Damn you!" Pagkasabi ay pinatay na ang tawag.

Natahimik ang isipan nya. Sanay na sya kung tutuusin sa mga babaeng iisa lang ang mga linya kapag iniwan na niya.

"Ryzen Lewis..." Bulong ni Aeryl.
Narinig iyon ni Ryzen at naalalang nandito at kasama nya nga pala si Aeryl.

Tsk, parang isang batang alagain ang dalaga. Minsan pa ay naabutan nyang naaksidente ng maliliit si Aeryl.

Pinuntahan nya ang dalaga. Naabutang nakakunot ang noo na para bang nananaginip.

Ano naman kaya ang nangyayari sa babaeng ito? Aniya sa isip nya. Hinawakan nya ang noo ni Aeryl at parang bumilis bigla ang kanyang pagtibok ng puso.

"Ryzen... A-ako nalang muna, p-please..." Biglang nag-iba ang nakapinta sa mukha ng binata.

May pagkabigla at parang hindi makapaniwala. Sa hindi malaman, nanigas sya. At parang hinihintay ang sasabihin ng dalaga.

Nakakaramdam sya sa mga oras na ito ng kaba. Na kailan man ay hindi pamilyar sa kanya.

"Huwag mo na akong bigyan ng motibo. Nahihirapan ako..." Salita ng dalaga sa pagitan ng paghinga. Tanda ng nananaginip.

"Aeryl.." Hindi mapakali ang kamay ni Aeryl.

Umiiyak na ang dalaga. Na alarma sya ng dahil dito. Ano ang kanyang gagawin?

Ito ang eksena na kailan man ay hindi pa nya naranasan. Wala syang idea sa dapat nyang gagawin.

"Aeryl, sht" inalis nya ang mga buhok na nakaharang sa mukha ng dalaga habang patuloy parin ito sa pagsasalita. Gigisingin ba niya si Aeryl?

Kinumutan nya ito. Medyo pinag pawisan pa ito ng tumapat sya sa mga mapuputing binti ng dalaga. Kaya naman ay binilisan nya ang pagkukumot dito.

Sya at si Aeryl lang ang magkasama ngayong oras. Hindi naglalandian, hindi naghaharutan. Kundi ay tahimik na inaalala ang isa't isa.

Napatingin sya sa damit nya, iba na. Ramdam nya ang lamig na dumampi sa mga balat nya. Tanda na may nagpunas sa kanya ng tubig.

Ngayon ay sya naman ang nakabantay sa dalaga.

Ano ang kanyang ginagawa sa mga oras na ito?  Bakit Hindi nya hawak ang phone para makipaglandian sa mga kung sinong babae.

Napatitig sya kay Aeryl. 'Ryzen... A-ako nalang muna, p-please' pag-alala nya sa nasambit ng dalaga.

Tss, may pagnanasa din pala ito sa kanya huh. Napangisi sya kasabay ng pag-iling. May biglang sumaging kalokohan sa isip nya.

"May lihim ka pala sa akin, Aeryl. Tsk," bulong nya kasabay ng pag-tayo nya para ihanda sya ng gamot sa side table at lagyan ng tubig.

Nilagyan pa nya ito ng sulat katabi ng gamot.

'You should drink this. 'Wag ka namang pasaway. Tsk! Kumain ka narin pagtapos."

Tinitigan nya muna si Aeryl bago lumabas ito ng kuwarto.

To be continued...

Captivated By The Campus Prince (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon