CHAPTER 5
Gabi na nang mapansin kong inaccept ako ni August sa facebook. May PM din siya sa akin.
August Lenard Parco: Wow. Nice name Lovely Dennise Calarion.
Lovely Dennise Calarion: Lol! Thanks Agosto.
August Lenard Parco: Grabeng reply! Sobra namang late 'yan!
Lovely Dennise Calarion: At least nagreply :p
Lovely Dennise Calarion: So, ano yung sinasabi mo kanina about kay Cathy? hindi ka niya gusto?
August Lenard Parco: I don't know. Ayaw ko na lang isipin. Sinabi ko nga pala sa kanya na friend na kita sa facebook! Pa-add naman daw lol
Lovely Dennise Calarion: Sige. Link na lang! :)
Nagsend siya sa akin ng link kaya in-add ko na lang din si Cathy. Nang ma-accept niya ako ay agad kong nakita ang status nito na natutuwa dahil friends na kami. Hindi siya nag-pm sa akin dahil mukhang nahihiya siya at nakumpirma ko naman ang hinala ko nang magmessage ulit si August sa akin.
August Lenard Parco: Salamat daw! Pakinggan mo yung Dumb ni Andrew Garcia. Tangina tagos.:DD
Lovely Dennise Calarion: Masakit? Check ko nga! lol
August Lenard Parco: Oo tugma sa akin. haha!
Pinakinggan ko ang sinabi niyang kanta. Medyo nalungkot naman ako kung yun nga ang kwento ng buhay niya ngayon. He's getting closer, she's getting further. Dumb nga.
August Lenard Parco: Narinig mo na? Pakinggan mo yung cover nina Ashley Tisdale sa Still into you.
Lovely Dennise Calarion: Lol! Yung totoo? Pasalamat ka may time ako ngayon! sige mamaya. :)
August Lenard Parco: Ngayon na! Maganda naman 'yan.haha
Lovely Dennise Calarion: Kay Cathy mo i-send mga 'yan. haha
August Lenard Parco: Hindi niya pakikinggan, e. haha
Napailing na lang ako kaya pinakinggan ko na lang din. Maganda nga yung pagkakacover nila ng kanta at parang nahohook tuloy akong makinig ng songs kahit pa hindi ako mahilig talaga.
Lovely Dennise Calarion: It's pretty late. Goodnight Agosto!
August Lenard Parco: Huwag ka na matulog! Joke! Goodnight haha