Chapter 21

36.4K 1.6K 395
                                    


CHAPTER 21

After nang aksidenteng pagkikita namin nang araw na iyon ay hindi ko pa ulit nakakausap si August. Hindi niya ako nireplyan noong nagtext ako sa kanya. Hindi rin siya nag-oonline. It's been 2 weeks at ngayon ay busy na ako sa OJT ko.

Siguro ay tama lang na hindi na kami magkausap. At least, hindi na ako masasaktan. Knowing kasi na nasaktan siya ni Cathy ay parang sumikip din ang dibdib ko. Yun bang ayaw pa ring i-admit ng sarili ko na si Cathy ang gusto niya at hindi ako. Na hamak na kaibigan lang kasi ako.

"Lovely, paki-encode naman itong mga 'to."

"opo." Kinuha ko kaagad yung mga form kay Ms. Tess bago humarap sa computer. 1 week na ako sa OJT ko. Minsan ay napapatingin pa rin ako sa phone ko at umaasang si August yung nagti-text sa akin kaso hindi, e.

Kasama ko sa OJT na ito si Monica. Sa ngayon ay nasa pantry siya at kumakain. Hindi kami nagkasabay ng break ngayon dahil kanina pa ako tinatambakan ng workload ni Ms. Tess.

***

Pagkauwi ko sa apartment ay gumawa kaagad ako ng blog. Ewan. Super down kasi talaga yung pakiramdam ko. Kailangan ko lang i-express yung nararamdaman ko through blog.

Sa dulo ng blog ko ay naglagay ako ng short hugot poem.

Kung mahuhulog ka, doon ka sa taong sasaluhin ka.

Hindi yung sa paasahin ka at biglang iiwanang mag-isa.

Kung mabait lang siya, hindi dapat aabot sa puntong maiiyak ka.

Kasi kung mabait talaga siyang kaibigan, makakaramdam siya.

Kasi kung kaibigan ka niya ay dapat lang na kilala ka na niya.

Alam niya kung may nararamdaman ka na sa kanya at nasasaktan na.

Listen to 'Storm on the Sea' by Fly Away Hero. :D

Madaming nagkumento na mukhang may pinagdadaanan ako. Lately rin daw kasi ay hindi na ako nakakapagblog. Hindi ba pwede na busy lang talaga ako? Grabe sila. Pero ang iba naman daw ako nakakarelate.

"Hoy! Makahugot ka sa bagong post mo, ah!" Kumento ni Kristin mula sa kwarto nito.

"heh! Magpahinga ka na lang dyan!" Sigaw ko rin. Plywood lang naman ang pagitan ng kwarto namin kaya nagkakarinigan kaming dalawa. Mabuti nga at doon siya natulog sa kwarto niya ngayon.

MonthOfAugust: Baka nagpapahangin muna siya Love. Baka may pinuntahan. Walang signal. :)

Pagkabasa ko pa lang ng comment ni August ay parang nainis na ako. Nakakapagcomment siya sa blog ko pero hindi niya magawang tawagan o i-chat ako? Ano 'to?

LovelyC: O baka kasi never niya talaga kinonsider yung feelings ng babae. Pinaasa ba. Ganyan naman kasi kayong mga lalaki, e. Pinaglalaruan yung feelings ng mga babae. :D

Sagot ko sa reply niya.

May ibang nagreply na baka tama si August, may iba naman na nagsabing tama daw ako. May mga nagcomment pa nga na ganun talaga ang mga taong pa-fall. Mga taong dapat na nilalayuan.

August Lenard Parco: Galit ka ba sa akin?

Nakataas ang kilay ko nang basahin ko ang chat sa akin ni Agosto. Grabe siya. Ako galit? Malamang oo! Bigla ba namang hindi magparamdam pagkatapos niya akong sanayin na lagi siyang kausap?

Lovely Dennise Calarion: Hindi, bakit ako magagalit? lol

Madaling magsinungaling sa mga chat. Hindi naman niya kasi alam kung ano ang nararamdaman ko.

August Lenard Parco: Sorry

Lovely Dennise Calarion: okay? Saan?

August Lenard Parco: Sorry na kasi. :(

Lovely Dennise Calarion: Sorry nga saan?

August Lenard Parco: Kasi galit ka sa akin. Hindi naman lahat ng lalaki paasa. :(

Lovely Dennise Calarion: Hindi nga ako galit.

August Lenard Parco: :(

Lovely Dennise Calarion: Matulog ka na

August Lenard Parco: Will you talk to me tomorrow?

Lovely Dennise Calarion: Nakikipag-usap naman ako, ah. Busy ako bukas.

August Lenard Parco: Pero pinapatulog mo na ako saka pagod sin kasi ako. Tomorrow night?

Lovely Dennise Calarion: k.

August Lenard Parco: Goodnight, huwag ka na magalit. :(

****




Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon