CHAPTER 38
Naglabas ako ng chips para sa dalawang lalaking nandito sa apartment ngayon. Hindi naman kasi talaga sana awks kaso si August kasi... Friend ko lang naman kasi talaga si Dustin. Hindi naman siya nanliligaw sa akin at wala namang ganung ganap pero si August masyadong seloso. Heto na yata ang sinasabi niya noon na seloso nga talaga siya.
"Sa labas na lang ako maghihintay" Sabi ni Dustin sa akin.
"Okay." Sagot ko na lang para hindi na humaba ang usapan. Ayaw ko kasing may isipin si August at mabuti na lang dahil gets kaagad ni Dustin ang ganap.
Nang makalabas na si Dustin ay tinignan ko kaagad si August. Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko yung pag-iiba talaga ng timpla niya. Inaayos na rin niya ngayon ang gitara niya.
"Galit ka ba?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang siya. "Bakit ka ganun kay Dustin? Wala naman siyang ginagawa."
"Hindi ba siya pwedeng pumunta na lang dito kapag may kasama na siya o may kasama ka? Paano pala kung wala ako dito?"
"August relax. He's a friend. He won't do anything, okay?"
"Ayoko lang na maiiwan kang mag-isa kasama niya. Iniisip ko pa lang na hindi ako nagpunta dito parang---"
"Hindi mo ba ako pinagkakatiwalaan?" Mariin nitong ipinikit ang mga mata niya at huminga nang malalim
"I do... I just---I'm sorry love." Hinging paumanhin niya. Halata sa mukha nito ang pagod kaya hindi ko na rin pinahaba yung issue.
"Gusto mong matulog?" Tanong ko rito. Pagod pa kasi siya sa byahe tapos nagawa pa niyang naglalabas-labas. "Habang gumagawa kami ng thesis mamaya ay doon ka muna sa kwarto ko. Matulog ka muna doon. Gusto mo ba?" Tumango siya saka ko na lang ulit nasilayan yung mga ngiti niya. Pagkatapos niyon ay narinig kong dumating na yung iba pa naming kagrupo dahil naririnig ko na ang boses nila sa labas.
"Gisingin mo ako kapag tapos na kayo, hah?" Sabi nito kaya nakangiting tumango na lang ako. Sa totoo lang ay nahihiya akong ipagamit ang kama ko pero alam ko rin naman na ayaw din niyang umalis ngayon dahil nga may kasama rin kaming lalaki sa apartment.
***
"Boyfriend mo yung natutulog sa kwarto mo?" Tanong sa akin ni Ara. Hindi ko kasi kanina napansin na bigla siyang pumasok sa kwarto ko. Ugali na kasi nilang pumasok lang sa kwarto ko kapag manghihiram sila ng damit pamalit sa uniporme nila para mas maging komporatble sila sa pag-upo upo. "In fairness gwapo siya." May naglalarong ngiti sa mga labi nito ngayon pero hindi ko pinansin dahil wala akong time makipagbiruan. Nauubusan na kasi ako ng English dito sa tinatype ko, e.
"Saan mo nakilala?" Tanong pa ulit ni Ara kaya tinignan na siya ni Shane dahil hindi na kami matapos-tapos dito sa ginagawa. Si Dustin naman ay focus din sa pagreresearch ng mga ilalagay pa.
"Mamaya na kasi ang kwentuhan" Sabi ko na lang rito kaya tumahimik na siya.
August: Hindi pa kayo tapos?
Napangiti ako sa text ni August dahil kahit nasa loob lang siya ay talagang nagtext pa ito. Ilang oras na kaming gumagawa ng thesis at malalim na ang gabi. Sumasakit na nga ang likuran ko dahil kanina pa ako nakaharap sa laptop.
"Break muna tayo. Pakain ako ng chips mo, ah." Sabi ni Shane bago siya tumayo at kumuha ng chips sa table. Ako naman ay tumayo rin at naglabas ng softdrink sa ref at iniharap sa kanila.
"Bahala na kayong kumuha ng baso dyan." Bilin ko sa mga ito bago ko tinungo ang kwarto ko.
"Ayon naman. Boyfriend muna bago friends." Pang-aasar ni Ara na hindi ko na lang din pinansin.
Pagpasok ko sa silid ay kaagad kong binuksan ang ilaw. Nakangiting tumingin sa akin si August habang nakahiga pa rin siya.
"Tapos na kayo?" Tanong nito bago siya umusod para makatabi ako sa kanya.
"Hindi pa, e." Sagot ko. Pinat niya yung kama para pahigain ako sa tabi niya pero umiling ako. Nahihiya kasi ako, e. Pero ngumiti lang to ulit tapos ay hinila na niya ako para magkatabi na kami. Halos mawala-wala na yung mata niya dahil sa eye smile niya ngayon. Kainis siya. Bakit ang gwapo niya kasi?
"Anong oras kayo matatapos?" Mahinang tanong nito.
"Hindi ko rin alam. Pero kapag nakalahati na namin yung chapter 4 baka okay na yun. Hindi pa naman deadline." Lumayo ako ng bahagya nang ilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. Pakiramdam ko ay biglang nag-iinit yung mukha ko ngayon. Aish! Agosto! Itatapon talaga kita sa labas ng bintana kapag hindi ka nagtigil sa kalandian mo. "Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Alas onse na."
"Sinong kasama mo kapag umuwi na sila?"
"Okay lang. Baka balik din ng madaling araw yung dalawa. Nag-thesis din yata sila. Gabi pa kasi yung pasok namin bukas, e." Hinaplos ko yung buhok niya kasi parang ang lambot-lambot hawakan. Natuwa naman ako nang pumikit ito habang ginagawa ko yun at habang hawak nito ang baywang ko.
"Hindi kita makikita bukas." Sabi niya. "May practice kami ng banda." Nalungkot ako sa sinabi nito pero nawala yung lungkot ko nang maramdaman ko ang daliri nitong naglilikot sa may sentido ko. Nakakawala ng pagod dahil nakakarelax iyong ginagawa niya. Nakakaantok.
"Lovely?" Kumatok si Shane sa kwarto ng silid ko. "Tapusin na natin 'tong chapter."
"Okay~" Sagot ko "Paano ba 'yan. Iwan muna ulit kita Love." Pipigilan pa sana niya akong tumayo pero mabilis din niyang tinanggal yung pagkakahawak niya sa akin.
"Sige na nga, tapusin niyo na agad, a."
"Oo na po. Matulog ka muna ulit."