Chapter 26

31.8K 1.6K 528
                                    


CHAPTER 26

Ayoko na! Gusto ko na lang magpalamon sa lupa ngayon. Gusto kong matulog at huwag na lang magising forever! Kanina ko pa kasi pinapanood yung cellphone ko na kanina pa rin tumutunog. Pang limang missed calls na 'yan galing kay August!

Anong sasabihin ko naman kapag sinagot ko?

Sht! Lovely! Bakit kasi yun ang reply mo kanina? Good Lawrd! OMG talaga! May pa too-too ka pa kasing nalalaman! Pinapatay ko ang sarili ko, e. Promise! Aatakihin na talaga ako sa puso kada tumatawag siya at nagti-text. Ni isa wala pa akong sinasagot!

August: Love, sagutin mo.

Ayokong sagutin. Maiiyak na ako sa kaba, e. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tapos idagdag pa na mas kinakabahan ako tuwing may Love yung text niya. Tyanggala naman kasi talaga, e!

August: Love

Lovely: Joke lang kasi yun T.T

Reply ko para tumigil na siya kaso bigla na naman siyang tumawag. Ano na? Nasaan ang mga kaibigan ko kapag ganitong nilalagnat ako at may kagagahang ginawa sa buhay?

August: Please answer your phone, Love.

Lovely: Ayaw. Hiya ako HAHAHA! huhuhu. Jk yun kasi. Na-high kasi ako sa paracetamol huhuhuhu T.T

Muli na naman siyang tumawag. Hindi yata siya talaga titigil hanggat hindi ko sinasagot yung tawag niya. Kaya naman huminga muna ako nang malalim bago ko tuluyang sinagot ito.

"Hi." Bati niya. Ramdam kong nakangiti siya. Takte! What to do?

"H-hi." Bati ko rin. Pinilit kong huwag mautal kaso para akong natuyuan bigla yung lalamunan ko.

Ang awkward tapos kinakabahan pa ako. Ano itong pinapasok ko? Baka mamaya niyan masampal ako ni Kristin kapag nalaman niya 'tong ginagawa ko ngayon pero baka maging proud din siya. Ewan!

"Uminom ka na ng gamot?" Mabuti na lang at ganyan ang tanong nito ngayon. Less awkward. Parang hinihintay niyang kumalma ako. "Dalhan kita ng lemon." Sabi pa niya.

"Huwag na. Matutulog lang ulit ako niyan mamaya kapag natapos akong kumain. Naka-high na nga ako,e. Baka ipatokhang na ako." Puso, kalma tayo... Iwala mo lang yung topic~ huwag ka rin makinig sa tawa niya. Nakaka in love kasi.

"Magpapahinga ka na? Mataas pa rin ba yung lagnat mo?" Bakit laging naglalambing ang boses nito? Ayaw ko na talaga. Nahihiya na akong kausapin siya. "Love? Nandyan pa?" Love daw... Pakiramdam ko hindi na 'to nickname, e. Ganito siguro pag nilalagnat masyadong assuming.

"Ano, 'di na gaanong mataas baka mamayang hapon lang ay magaling na ako."

"Good. Makinig ka ng music 'pag matutulog ka para mas mahimbing tulog mo hah?"

Unti-unti ay nawawala na yung kaba ko. Habang tumatagal kasi kaming magkausap ay nakakalimutan ko na yung kagagahan ko kanina. Hindi kasi namin inoopen yung topic. Siguro para hindi awks. Hanggang sa nagpaalam na ulit kami sa isa't isa na hindi iyon napag-uusapan.

"Bye, August." Para akong nakahinga nang maluwag dahil matatapos na 'yung tawag at dahil hindi namin napag-usapan 'yon. Sana lang ay huwag na niyang i-open iyon.

"Bye, Love. Magpagaling ka na."

"Okay. Goodnight, August."

"Goodnight Love, I love you." Doon ay bumilis muli ang kabog ng puso ko. Hindi na ako sumagot. Basta ko na lang tinapos yung tawag.

Totoo ba 'to? Baka kasi nilalagnat lang talaga ako kaya kung anu-ano yung naririnig at nababasa ko ngayong araw? Pero kasi! Tangina rin nitong si August! Pakakalmahin ka tapos pakakabugin ulit yung puso mo! Leche siya. Ayaw ko na sa kanya. Mababaliw na yata ako.

Gumulong ako sa kama ko bago ko binasa ang kadarating na text nito.

August: Hindi ko na alam ang sasabihin ko parang kinakabahan ka, e. Goodnight, Love. :)

Sht ka talaga! Kinakabahan kasi talaga ako August. Lumpiang 'yan! Tama bang kiligin ako ngayon?

Lovely, si cupid ka diba? Siya at si Cathy dapat ang pinapana mo, diba?

****

Leave comments. Natutuwa akong magbasa, e. Love love <3

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon