Chapter 32

30.1K 1.5K 447
                                    

CHAPTER 32

Halos magtatalong linggo na rin akong hatid-sundo ni August. Hindi ko naman siya inoobliga na sunduin ako sa office tuwing pauwi na ako pero siya naman itong namimilit lagi. Niloloko na nga ako nila Monica at Kristin nab aka magkapalit na yung mukha namin. Naku! Kahit gwapo siya hindi ako papayag. Ayaw kong magkapalit ang mukha namin.

August: Love, may gagawin ka bukas?

Lovely: Enrollment po.

August: Samahan kita

Lovely: Kahit punta ka na lang ng school pag malapit na ako matapos mag-enroll. Mahaba kasi pila.

August: Kahit hintayin kita sa labas ng gym.

Hindi kasi pwedeng pumasok ang hindi student kapag enrolment. Pwede naman siyang maghintay pero baka matagalan talaga ako. Ang dami pa naman naming estudyante ng SHU.

Lovely: Ikaw bahala

Matatapos na rin ako sa OJT ko ngayong araw na 'to kaya kahit papaano naman ay magkakapagbakasyon pa ako ng isang linggo. Naunang natapos si Monica kaysa sa akin dahil wala siyang absent.

Monica: Online ka ba ngayon Love?

Kumunot ang noo ko dahil alam naman niyang wala akong pocket wifi at wala rin akong pang-data ngayon.

Lovely: Nope. Bakit?

Kristin: Hala! Edi hacked ka omo omo :O

Hala! Bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niyang nahack ang account ko. Kagabi kasi ay gumawa ako ng public account ko para mas lalo akong mapalapit sa mga tumatangkilik ng blogs ko tapos ngayon hacked na agad? Grabe!

Monica: May nagpopost sa isang account mo. Sinisiraan ka. Panay mura na yung nakapost. :<

Lovely: Hala. wait sumbong ko kay Agosto :'(

Monica: Ay! Syalen naman! May manliligaw nga palang expert sa ganyan. sige sige.

Nagtext ako kaagad kay August about sa hacked account ko. Mabuti na lang at mabilis siyang nagreply sa akin.

August: Will check brb

August: Bobo yung naghack sa acct mo. Nang-iwan ng trace. Hack ko rin wait lang love, ah. >:)

Lovely: Sino yun?

August: Aril Daine. Maganda pa naman. Kilala mo?

Lovely: Hindi. Sinong mas maganda kami? >.<

August: Hater mo siguro. Ikaw syempre. BRB.

Hindi ko tuloy maubos yung kinakain ko kasi nag-aalala ako. Mabuti na lang dahil kahit ilang minuto pa lang ang lumipas ay muli na naman nagtext sa akin si August. Sakto namang patapos na rin ang break ko nun.

August: Got your acct back love. And oh, deleted your male "fans". :D

Lovely: Hoy grabe ka! Bakit ka nangdedelete? Baka nabura mo yung friend ko dyan, ah. Anyway thanks! Ang bilis naman :)

August: No prob. IT at your service! lol

Lovely: Baka hacker at your service dapat 'yan? May IT kasing di marunong manghack. hoho

August: Haha! Iba kasi tingin nila sa hacker minsan, e. :)

Lovely: Haha, okies! Thank you ulit! Balik work lang muna ako.

August: Np Love. Laro lang din muna ako. I love you.

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon