Chapter 18

33.5K 1.7K 299
                                    


CHAPTER 18

Lovely: Nasa mall ako ngayon. Kasama ko yung friend ko.

August: Sinong friend?

Lovely: Si Adrian. brb. bili lang ako food :D

Iniwan ko ang bag pati na rin ang cellphone ko. Tanging dala ko lang ay ang wallet ko. Nasa foodcourt lang kami dahil mas okay tumambay dito ngayon. Pagbalik ko doon ay nakangiti ang kaibigan kong si Adrian habang hawak ang cellphone ko.

Actually, may kausap siya sa cellphone ko.

"Bakit? Akala mo lalaki ako? Ano kayo ng kaibigan ko?" Mukhang nang-aasar si Adrian.

"Hoy, sino 'yan?" Tanong ko kay Adrian dahil baka kung sinu-sino na naman ang tinawagan niya. Mamaya niyan may makaalam na naman na iba sa number ko.

"Si August. August diba? Bakit ang weird ng pangalan mo? August ka pinanganak?"

"Adrian!" Kinuha ko mula sa kanya yung cellphone ko at kaagad na inend yung call.

Chineck ko kaagad yung tawag. Si August nga ang kausap niya.

"Bakit mo sinagot?" Naiinis kong tanong kay Adrian.

"Actually, kanina pa ako nagrereply sa mga text niya. basahin mo kasi." Tumatawang tumayo si Adrian bago nag-order ng makakain nito.

Lovely: Ako si Adrian. Nag-order lang sandali si beb ng pagkain niya.

August: Beb? Adrian? lalaki ka?

Lovely: Bakit? Boyfriend ka ba niya?

August: Nasaan si Love? Bakit mo hawak phone niya?

Lovely: Bumili nga ng pagkain. Boyfriend ka ba niya? Bakit Love?

August: Bakit beb tawag mo? boyfriend ka ba?

Mukhang doon na tumawag si August dahil wala nang reply si Adrian na text ni August.

Lovely: Hey! Lovely na to. Sorry dun sa inasta ni Adrian.

August: Bakit Adrian ang pangalan niya?

Lovely: Adrianna kasi pangalan niya. Masyadong maarte kaya pinaikli namin.

August: Akala ko boyfriend mo :<

Lovely: lol! bakit sad face?

Kagat labi ko pang sinend yung huling reply ko sa kanya dahil gusto kong malaman kung bakit siya may sad face sa dulo. Ugh! Ayaw kong umasa pero nakakainis! Paasa yata talaga tong si August?

August: Secret. Sige na. Mukhang ngayon lang kayo nagkita ng kaibigan mo. Enjoy.

Lovely: Salamat! :)

"Ano mo pala si August? Mukhang hindi mo naman boyfriend. Manliligaw?"

"Gaga, hindi. May ibang nililigawan 'yan."

Sumimangot si Adrian saka niya ako binatukan.

"Naku! Mahirap 'yan. Mukhang type ka pa naman niya. Nambabakod na hindi naman pala kayo."

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon