CHAPTER 34
Magkahawak ang mga kamay namin hanggang sa maihatid niya ako sa apartment. Pinapasok ko siya kasi akala ko nandito na si Kristin pero wala pa rin pala siya rito. Bigla tuloy akong nakaramdaman ng kaba. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil narealize kong dalawa lang kami ni Agosto!
Tumingin ako kay August na hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko. Hindi ko pa rin siya tuluyang pinapapasok kaya nanatili kaming nakatayo sa may pinto. Sht sht! Pauwiin ko ba?
"Hindi ka ba komportableng nandito ako?"
"H-hah?"
Nginitian lang niya ako at pagkatapos ay inayos ang nakawalang buhok ko at nilagay sa likod ng tenga ko.
"Water?" Tanong ko rito na dahilan naman kung bakit nasilayan ko na naman yung magandang ngiti niya.
"Water." Sagot naman nito kaya iginiya ko na siya doon sa loob. Yung sala ng apartment kasi maliit lang. Doon na rin nakalagay yung lamesa namin. So, hindi talaga siya matatawag na sala. Pero may sofa rin kasi at TV kaya parang sala na kusina na rin. Magulo dahil pinagkasaya namin ang pwedeng ipagkasya.
"Love," Tumingin ako sa kanya matapos kong isalin ang tubig dahil sa pagtawag niya sa akin.
"Yes, August?" Nakangiti na naman ito ngayon sa akin.
"Tawagin mo na rin akong love." sabi nito kaya napakagat na lang ako ng labi ko. Kinikilig kasi ako! tangina nitong taong 'to talaga.
"Huwag ka ngang ganyan! Masyado mong ginagalingan ang pagpapakilig sa akin, e. Sabunutan kita gusto mo?" Pinaningkitan ko siya bago ako lumapit para ibigay sa kanya yung tubig niya.
Pinaupo ako nito sa tabi niya pero medyo lumayo ako ng kaunti. Awks. Kaming dalawa lang tapos ang lapit namin masyado sa isa't isa. Awks talaga swear pakiramdam ko pinagpapawisan ako ng malamig...
"So, love..." Napalunok ako dahil sa pagtawag niya sa akin idagdag pa na hinawakan nito ang kamay ko. "Kinakabahan ka?" Nang-aasar nitong tanong.
"N-natural!" Sagot ko pagkatapos ay naramdaman ko ang pagdiin ng thumb nito sa palad ko. Ilang beses niya iyong ginawa hanggang sa parang minamasahe na nga nito yung palad ko.
Ipinatong nito ang isang kamay niya sa back ng sofa. Para tuloy siyang nakaakbay sa akin ngayon.
"Bakit ka kinakabahan?" Nang-aasar talaga to, e!
"Kasi dalawa lang tayo rito." Sagot ko sa kanya. Laging nagtatagal dito si August sa apartment kapag hinahatid niya ako pero kasi this time ay wala si Kristin. Ibang usapan na 'yon. Tapos kami na. Ibang-ibang usapan na talaga 'to!
"May sumpa talaga 'tong sofa niyo." napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ilang beses ka na ba nakatulog sa sofa na ito?" Tanong pa nito.
"Hindi ko na mabilang." sagot ko sa kanya. This time ay ako naman ang nagmasahe sa palad nito. Ang init-init talaga ng kamay niya. Ang sarap hawakan. Tapos mas rough pa nga yata 'yong palad ko kesa sa kanya, e. Hindi siguro siya naghuhugas ng pinggan at naglalaba sa bahay nila.
"Inaantok ako." Tumingin ako sa mga mata niya ngayon. Mukhang inaantok nga siya. "Yun ang sumpa ng sofa na 'to. Lagi na lang akong inaantok tuwing umuupo rito." Sabi pa niya kaya natawa na lang ako. Tama bang sisihin ang sofa?
"Nagpuyat ka kasi kagabi. Nakipag-inuman ka, diba? ginusto mo 'yan."
"Love naman." Umusod ito papalapit sa akin. "I love you. Halika nga." Aniya pa pagkatapos ay hinila niya ako para yakapin. "First hug." Sabi nito.
"Huwag kang magbilang." Sabi ko naman sa kanya bago siya niyakap pabalik. Naamoy ko pa yung ginamit niyang pabango. Mabuti na lang at hindi matapang at mabuti na lang ang sarap amuyin ng gamit nitong pabango. Nakakaadik.
"Love?"
"Hmm?"
"Love ang tawag ko sa'yo, anong itatawag mo sa akin?" Lumayo ako nang bahagya para tignan yung mukha niya. Akala ko nagbibiro siya sa tanong nito pero mukhang seryoso talaga siya. "huwag mo akong tignan." Sabi nito bago niya ako niyakap ulit. Ramdam ko ang pagkabog ng puso niya ngayon. Natutuwa ako kasi akala ko ay ako lang ang kinakabahan pati rin pala siya.
Kahit yakap-yakap pa niya ako ay muli akong lumayo sa kanya nang bahagya. I cupped his face while his arms are still on my waist.
"I love you too, love." Pagkasabi ko niyon sa kanya ay naramdaman ko kaagad ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Sht! First kiss!
***