CHAPTER 10
August Lenard Parco: Anong ginagawa mo?
Lovely Dennise Calarion: Katawag ko yung friend ko.
August Lenard Parco: Ah, chinicheck ko lang kung gising ka pa. Matulog na! :p
Lovely Dennise Calarion: Punta ka talaga bukas? :)
August Lenard Parco: Oo. See you. Tapusin ko lang 'tong codes. Matulog ka na! puyat nang puyat!
***
First meetup ngayon at ngayon lang din ako makikita ng karamihan sa kanila. Halos ako lang din ang contact ng mga pupunta ngayon dito pero kahit papaano naman ay kasama ko ang dalawa ko pang kaibigan na sina Monica at Kristin. Medyo may mga nandito na nang makarating kami. Nagkakahiyaan pa kaming lahat dahil ngayon lang kami nagkita-kita. Nakaka-amaze. Ang gaganda kasi nila.
August: Pink blouse? Nice :D
Agad akong napatingin sa mga tao sa paligid at nakita ko na nga si August kasama ang pinsan niyang medyo bata-bata pa nga. Napalunok ako dahil hindi ko akalain na mas gwapo si August sa personal. Matangkad siya at hindi ko iyon inaasahan. Itim na itim ang buhok nito at mukhang fluffy.
"Hi." Bati nito. May maliit siyang dimple sa kanang pisngi pero hindi halata masyado dahil hindi naman malalim. Medyo chinito rin at may maliit na nunal na parang tuldok malapit sa mata nito.
"H-Hi." Awkward pa akong ngumiti. Sht! Bakit parang bumilis yung heartbeat ko?
"Siya yung sinasabi kong pinsan ko, si Sab." Tinignan ko yung babaeng mas maliit lang sa akin ng kaunti. Mahaba ang buhok nito at ang ganda niya. Simple lang ang suot niyang damit pero gandang-ganda na ako kaagad sa pinsan niya.
"Upo na muna kami doon." Turo niya sa bench nang mapansin niyang dumadami ang tao.
"O-okay." Nang makalayo na sila sa amin ay kaagad na tumingin sa akin ang dalawang kaibigan ko.
"Yung tinginan niyo sa isa't isa bebe, ah. Tigilan mo 'yang spark na 'yan." Bulong sa akin ni Monica. Mas magkalapit kami kaysa kay Kristin kaya kahit hindi namin siya kasama sa apartment ay alam niya lahat ang nangyayari sa akin.
August: May bibilhin lang kami. Update mo ako kung saan kayo pupunta. Sunod kami.
Lovely: Okies
Reply ko bago tumingin sa kanila. Nag-wave sa akin ang pinsan niya kaya ngumiti naman ako. Nang dumami na kami at magutom ay nagpunta kami sa isang fastfood chain. Nagkakatuwaan kami doon nang dumating sina August. May dala na rin silang food tray at umupo sa may sulok.
Ang awkward lang dahil napapansin ko ang pagtingin sa akin ni August. Hindi ko rin kasi maiwasan mapatingin sa lugar nila. Kanina pa tuloy ako nakukurot ni Monica.
Kasalukuyan akong may pinipirmahan nang lumapit ang pinsan ni August sa akin.
"Ate, papirma rin ako." Dalawang papel ang inabot nito sa akin. "Kay kuya August yung isa." Nakangiti nitong paliwanag kaya nginitian ko na lang din siya.
Gumawa rin kami ng activities para makilala namin ang lahat. Natural hindi sumali sina August. Hanggang sa natapos na nga ang meetup dahil hapon na at kailangan nang magsiuwian ng iba.
Nasa loob pa rin kami ng mall nang lumapit sa akin ang pinsan ni August.
"Ate, thank you sa time." Nakangiti nitong sabi sa akin. Tumingin ako kay August na ngayon ay nakatingin sa amin ng pinsan niya. Medyo malayo siya sa amin tapos nasa likod ko lang yung dalawang kaibigan ko rin.
"Pwedeng pa-hug?" Nahihiyang tanong ni Sab sa akin.
"Sure pwede naman." Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya pabalik. "Salamat sa pagpunta." Nakangiti kong pasasalamat dito sa batang babae.
"Sige alis na kami." Paalam din ni August sa akin.
"Sige. Ingat." Pinanood ko silang maglakad pero agad din akong tumalikod nang tawagin ako ng isa pang pumunta sa meetup namin. Matapos iyon ay nagsalita si Monica.
"Ang lagkit ng tingin nun sa'yo, ah. Tapos nung tumalikod ka ay dalawang beses pa yun lumingon. Kung wala lang yun nililigawan boto na agad ako kaagad sa kanya."
"Siraulo. Friends kami nun."
"Friends niyo mukha niyo. May something talaga, e." Sabat naman ni Kristin. "Sparks pa lang iba na!"