CHAPTER 7
August Lenard Parco: Bakit gising ka pa? Alas kwatro na.
Lovely Dennise Calarion: Hetong cases ginagawa ko pa. bakit gising ka pa?
August Lenard Parco: Kagigising ko lang, papasok na ako. >:)
Lovely Dennise Calarion: LUL ang aga naman haha
August Lenard Parco: Malayo ang school, dito kasi ako kina lola ngayon. Ipagluto mo akong breakfast lol
Lovely Dennise Calarion: LUL talaga! sa labas nga lang din ako kumakain. haha
August Lenard Parco: Aww kawawa ka naman and stop cursing. Sige, kain muna ako. :)
Napailing na lang ako. Madalas kaming nakakapag-chat ng madaling araw.Minsan late siya natutulog, minsan naman ay maaga siyang gumigising.Minsan wala talaga siyang tulog. Kung anu-ano ngang kanta ang pinagsesend niya sa akin minsan. O kaya random memes. Mukhang inip na inip siya sa buhay.
"Lovely! Napasa mo na ba kay sir David?"
"Oo. Inayos ko lang ng kaunti yung ginawa ni Monica kanina bago sinend." Pinatay ko na ang laptop ko bago nagshower. May konting pinalitan pa kami ni Kristin ulit sa papers na ipapasa namin bukas bago kami natulog.
***
"Kanino yung virus detected na wifi? pahinging password!" Hindi ko pinansin ang nagtatanong. Akin yun, at kaya nga nilagyan ko ng password para walang makiconnect. Madamot ako dahil bumabagal ang connection minsan dahil nanonood lang din naman sila.
Inilabas ko ang cellphone ko at nakita kong may bagong message si August sa akin.
August Lenard Parco: Anong magandang kanta na i-play sa gitara?
Lovely Dennise Calarion: Uhm, will send you something later. More on kpop ako, e. haha
August Lenard Parco: haha sige. School ka?
Lovely Dennise Calarion: Tao ako tao! joke. Yup may class pa.
August Lenard Parco: Corny naman nito. :)