CHAPTER 28
KwonKwonJiyong: Aww, okay lang mafall si Cupid
Socallmeajaa: In love ka ba bes? Basta saluhin si cupid bes! Clap clap! LOL
Hersheeys: Ikaw ba 'tong nasa blog mo Lovely? Hamaziing
Bes2nd: Kawawa naman si Cupid, pagod na siguro sa work. Tinamaan ang sarili hahaha
Daragon5ever: Cupid! Pakipana muna sina Dara at Jiyong! Gomawo~ Bigbang & 2ne1 songs kahit masakit talaga yung sa heart ang nangyari 2ne1 </3
Marami pang comment pero hindi ko na nabasa lahat-lahat. Ang iba ay concerned, ang iba ay gusto lang sumagap ng tsismis.
Humiga ako sa kama ko at nagbasa muna ng libro. Dapat ay lumayo na muna ako sa cellphone at laptop ko. Baka mamaya niyan ay bigla na naman akong ichat o itext ni August. Ayoko na! Gusto ko na talagang magpalamon sa lupa o kaya magpakidlat na lang.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa inasta naming dalawa kahapon. Hindi naman niya ako niligawan tapos nag i love you too ako. Kagagahan ko nga naman. Napaka-easy ko tuloy tignan! Hindi pwede!
Although, bago ako tuluyang lumayo nang kaunti sa cellphone ko ay binasa ko na muna ang text sa akin ni August.
August: Good Evening, Love. Kain na
Hindi ako nagreply. Hindi ko alam ang ire-reply ko. Hinayaan ko na lang muna ito. Syempre kahit na nakakakilig ay nakakagulat pa rin naman masabihan ng I love you kahapon. That caught me off guard.
Kinabukasan ay ganun ulit. Hindi ko nirereplyan ang lahat ng text niya sa akin. Ultimo tawag niya ay hindi ko sinasagot. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa taong 'yun pati sa feelings kong nabuko na. Paano kung joke niya lang yung I love you kasi? Nakakainis!
"Saan tayo kakain ngayon?" Tanong ni Monica sa akin. Sawa na kasi kami sa pinapadeliver namin dito sa office na pagkain. Palabas pa lang kami ng building para maghanap ng kakainan pero natigilan sa paglalakad si Monica kaya pati ako ay tumigil din.
"Bakit?" Nakatinging tanong ko sa kanya. "Naiwan mo ba wallet mo? Pautangan na lang kita."
Umiling ito may tinuro ito sa gilid. "Si August mo 'yun diba?" Pagtingin ko ay papalapit na sa amin si August. Sht talaga! Bigla akong tumalikod at nag-isip ng palusot.
"Uuhh, babalik ako sa taas. Ako pala yung nakaiwan ng wallet ko." Palusot ko pero bago pa man ako makapaglakad ulit ay may humawak na kaagad sa kamay ko. Patay na talaga.
"Mukhang solo flight muna akong kakain. Maiwan ko muna kayo."
"Monica..." mahinang tawag ko sa pangalan nito pero nginitian lang niya ako and mouthed fix that first.
"Bakit mo ako iniiwasan?" Iyon kaagad ang tanong ni August sa akin na sanhi naman ng pagkabog na naman ng lecheng puso ko. Hindi ako handa, e! Wala akong experience sa ganito. Mukhang expert lang mag-advise advise kasi magaling lang naman ako sa salita pero hindi ko pa naman nararanasan! Sht talaga.
"Ano kasi... Isang oras lang yung break ko." Kako sa kanya... Gumagawa talaga ako ng paraan para makaiwas sa kanya.
"Then let's talk while having lunch." He insisted. Mukhang wala talaga akong kawala sa kanya. Bubugbugin ko talaga si Monica mamaya! Kainis 'yon. Tama bang iwanan ako sa ganitong pagkakataon?
Sa karinderya kami pumunta ni August. Wala siyang choice dahil nagtitipid ako at dahil ito ang isa sa pinakamalapit na kainan sa office namin. Mukhang hindi naman siya maarte.
"Mauubos mo 'yan?" Tanong niya sa dalawang ulam na inorder ko. Magbabayad sana siya pero inunahan ko siya. Ayaw kong magpalibre.
"Takaw mata ako, e." Sagot ko naman.
Tahimik lang kaming kumakain ni August. Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang gagawin ko ngayong kaharap ko siya. Ni hindi ko nga siya matignan! Nakayuko lang ako habang kumakain. Hindi nga rin ako makakain ng maayos ngayon dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko.
"Love?"
"Yes, Love?" Lumpia naman talaga! Ano raw ang sabi ko? "Este August pala." Tuloy ko pa nang makabawi ako. Doon pa lang ako tumingin sa kanya. Nakangiti siyang nakatingin sa akin dahil na rin siguro sa pagkakamali ko samantalang ako parang pinagpapawisan na ng malamig.
"Huwag mo na akong iwasan." Mahina lang ang boses nitong sabi. Pagkatapos ay inilipat niya sa tabi ko yung plato niya bago siya tumayo at umupo sa tabi ko. Sht talaga! Bakit siya tumatabi sa akin? Tapos bakit kami dito sa dulo umupo? Anak talaga ng lumpia! Kasalanan ni Monica 'to! Bakit niya ako iniwan? Kapag ako talaga inatake, mumultuhin ko silang lahat. Pwera si August dahil baka ma-double kill ako.
"Seryoso ako nung sinabi ko 'yon. Ikaw ba, seryoso?" Bigla akong naubo dahil sa tanong niyang iyon. Sakto kasing nilunok ko yung nginunguya kong pagkain.
Agad naman niya akong pinainom ng tubig at mahinang hinagod ang likuran ko.
"Okay ka na?" Tanong pa niya. HINDI AKO OKAY! Hindi ko alam ang sasabihin ko ngayon!
"Ang sabi ko seryoso ako." Ulit pa niya.
"Hindi ko alam kung kailan basta bigla na lang kitang nagustuhan." Pag-amin nito sa akin!
Sht talaga! Pakiramdam ko humaba ng todo yung buhok ko! Daig ko pa yata si Rapunzel. Kinikilig ako pero syempre todo pigil ako sa feels ko. Takbo na ba ako pabalik sa office para sumigaw?
Ilang beses akong huminga nang malalim para lang pakalmahin ang dumadagundong kong puso. Feels, magtigil muna tayo please? Dahil sa'yo nag-uumpisa na akong mamula at dahil na rin sa'yo ay hindi ko alam kung makakasagot ba ako ng tama sa kanya ngayon.
"Love, ikaw ba seryoro rin?" Tinitigan ko lang siya. Hindi ko alam kung paano ko sasabihing seryoso naman ako sa sinabi ko kahit text lang 'yun. Kaso nag-aalangan pa rin talaga ako.
"Kung oo tayo na at kung hindi naman, sinasabi ko nang ngayon pa lang ay nililigawan na kita."
***