Chapter 33

31.5K 1.5K 305
                                    


CHAPTER 33

August: Love, nasa SHU na ako.

Lovely: Nakapila pa rin ako :<

August: It's okay. I'll wait.

"Iba na talaga yung luma-lovelife, e." Narinig kong sabi ni Kristin sa likuran ko.

"Oo nga. May laging ka-text." Sagot naman ni Monica sa harap ko.

"Tapos pangiti-ngiti na parang balliw." Ani Kristin

"Saka naglilipstick na." Dagdag naman ni Monica. "Haba ng hair bes."

"Sarap guntingin." Pang-asar pa ni Kristin.

Kung wala lang kami sa linya kanina ko pa pinaghahampas 'tong dalawang ito.

"Tigilan niyo akong dalawa, ah." Suway ko sa kanila.

"Hala may nagreact. Tinamaan ka?" Humarap sa akin si Monica para lang sabihin iyon. "Wala naman kaming sinabi ni Tin na ikaw 'yon. Kailan mo ba siya sasagutin?"

Sasagot pa sana ako pero saktong siya na yung nasa unahan sa pila. Gusto ko na nga rin sagutin si August pero hindi ko alam kung paano ko yun sasabihin sa kanya. Hindi naman kasi siya nagtatanong ulit.

Matapos kami mag-enroll ay nakasalubong namin yung thesismate ko na si Dustin. Kaklase ko na siya simula noong first year kaya noong nagkaroon ng groupings nitong third year at sinabing hanggang fourth year na nga yung group na iyon ay kaming magkakaklase ang naging groupmates. That time kasi ay hindi pa kami close nila Monica at Kristin.

Close ko pa rin naman silang tatlo pero hindi katulad ng closeness namin nila Kristin and Monica. Nagdecide nga si Monica kanina lang na lilipat na rin siya sa apartment sa pasukan. Less hassle din kasi sa byahe niya.

"Kumusta?" Tanong nito. Mabait si Dustin kasi nakakasundo niya lahat mapababae o lalaki pa 'yan. Kasabay namin siyang lumabas ng gym.

"Okay naman." sagot ko sa kanya. Sumagot din naman sila Monica at Kristin. Panay reklamo nga ang isinagot nila kesyo kulang pa raw ang bakasyon at ayaw pa nilang pumasok ulit.

"Nagba-blog ka pa rin?" Tanong pa nito sa akin kaya tumango lang ako. Yung mga kaclose ko lang naman ang nakakaalam na nagba-blog ako. Nag-iisip ako ngayon kung saan pwede kumain. Alas dose na at nagugutom na ako. Hindi kasi kami nakakain ni Kristin ng breakfast kanina dahil parehas kaming late na nagising.

"Love," Tumingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si August ay papalapit ngayon sa amin at tila naiinis na nakatingin kay Dustin.

"Hi Agosto" Bati ni Kristin. "Iba talaga ang ganda ng isang Labli ano po?" Sabay tingin nito sa akin.

"Naks! Talaga namang sinusundo hanggang sa school." Dagdag pa ni Monica.

"Hi," Bati naman ni August sa dalawa.

"August, hindi ka ba nainip?" Tanong ko sa kanya. Sa totoo lang ay nalimutan kong naghihintay siya. Nagugutom na kasi talaga ako. "Ah... si Dustin nga pala. Kaklase namin" Pakilala ko sa kamasa. "Dustin siya naman si August."

"Boyfriend?" Tanong ni Dustin kaya hindi ako kaagad nakasagot.

"Hindi pa pero dun din pupunta." Sagot naman ni Monica pagkatapos ay hinila na niya yung dalawa "Kain na kami, maiwan na muna namin kayo."

"Hindi ka nililigawan nun?" Tanong kaagad ni August nang makalayo na yung tatlo.

"Hindi. Thesismate ko 'yun. Kaklase ko siya simula first year." Sagot ko sa kanya. Nakakasanayan ko na yung paghawak ni August sa likod ko 'pag naglalakad kami. Minsan naman hinahawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami which is pinapayagan ko namang mangyari. Kaya madalas ay napagkakamalan na kami na.

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon