CHAPTER 11
August: Ang ganda mo. :)
Napangiti ako nang mabasa ko iyon pero agad ding napasimangot nang makuha ko ang sumunod na text nito.
August: Sabi ni Sabrina, yung pinsan ko. :p
Lovely: Pasabi sa kanya thank you.
August: Ang bango mo pa raw sabi niya. Bakit siya may hug tapos ako wala? Tayo yung magkaibigan :(
Lovely: Lol.
August: Crush na kita haha
Napakagat ako ng labi ko dahil sa sinabi niya. Alam kong joke lang iyon pero umasa ako ng slight.
Lovely: LOL! baliw!
August: Pa-add daw si Sabrina haha! Sorry na.
Lovely: Sorry san? lol. Sige. PM mo na lang sa akin 'yung acct niya.
August: Nagmukha na akong bridge sa inyo ng mga fan mo. haha! Baka kasi ayaw mo silang i-add magsabi ka lang.
Lovely: Ayos lang naman sa akin. :)
Pag-open ko pa lang ng account ko sa facebook ay nakita ko kaagad ang request ni Sabrina. Inaccept ko naman iyon pagkatapos ay nagkachat kami.
August Lenard Parco: Pwede mo siyang hindi replyan kung nakukulitan ka na.
Lovely Dennise Calarion: Okay lang naman. Saka paano mo nalaman na kachat ko siya? haha
August Lenard Parco: Dito siya nag-stay ngayon. Iniwan muna siya sa amin haha. Nagdinner ka na?
Lovely Dennise Calarion: Di pa, e. May tinatapos pa ako. Ikaw ba?
August Lenard Parco: Tapos na ako. Kumain ka na. :)
Lovely Dennise Calarion: Tinatamad akong bumili ng ulam sa labas, e.
August Lenard Parco: Lutuan kita. Marunong ako. haha! Kain na, Love. ;)
Lovely Dennise Calarion: Baliw! Huwag mo nga kong tawaging Love! Mamisunderstood pa ni Cathy lol