CHAPTER 31
Pagbukas ko pa lang ng pinto sa apartment ay tumambad na kaagad ang pagmumukha ni Kristin habang nakahalukipkip ito. Halatang kanina pa niya ako hinihintay na umuwi.
"Bakit ngayon ka lang? Saan ka nanggaling? Bakit hindi ka nagtext?! Sayang yung pagkain na binili---" Nanlaki ang mga mata niya dahil kasunod ko lang naman si August. Nauna lang kasi akong umakyat dahil nagbayad pa siya sa taxi kanina.
"Oh, acceptable reason." Ani Kristin bago niya kami pinapasok ni August. Mabilis din na dinampot ni Kristin yung damit niyang nakakalat ngayon sa sofa at inilagay kaagad sa silid nito.
"Tubig, juice?" tanong ko kay Agosto bago ako nagtanggal ng blazer at ipinatong iyon sa sofa.
"Sabi mo ipagluluto mo ako." Tumingin ako kay August dahil sa sinabi nito. Nakangiti pa siya sa akin tapos tinitignan niya yung mga nakasabit-sabit sa dingding namin na posters ng mga kpop group. "Kulang na lang patayuan niyo ng altar, ah." Puna nito sa mga poster namin. Aba.
"Hoy huwag mong laitin yang abs ng mga 'yan. Yan ang bumubuhay sa amin kapag antok na antok na kami sa kagagawa ng mga cases." Ipinagtimpla ko siya ng pineapple juice bago ako kumuha ng spam para iprito.
"Ayan lang ang ipapakain mo sa akin?" Lumapit si August sa akin at inagaw yung spam na hawak ko.
"August, huwag kang maarte hahatawin kita ng frying pan. Akin na nga 'yan." Inagaw ko sa kanya yung spam dahil iyon lang naman ang kaya kong ipakain sa kanya. Pero nagulat na lang ako nang may umagaw na naman sa spam na iyon.
"Ulam ko 'to bukas. Bruhang 'to. Bumili kayo ng ulam niyo sa labas. Nag-date na nga hindi pa kumain sa labas." Agad akong tumingin kay August dahil baka na-offend siya sa ginawa ni Kristin pero nagpipigil lang siya ng tawa niya ngayon dahil sa inasta ni Kristin ngayon lang.
Mabilis din akong lumayo kay August ngayon dahil hindi ko napansin na masyado kaming maglakapit ngayon.
"Uhmm, ano... Magbihis lang ako tapos kain tayo dyan sa labas."
"Okay." Bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay nilapitan na kaagad ni Kristin si Agosto. Narinig ko pa ngang tinanong ni Kristin kung nag-inarte ba raw ako. Grabe talaga 'tong Kristin na 'to.
***
"Love, wala ka ng mas mahabang shorts?" Napatingin ako sa legs ko dahil sa tanong ni August. PE uniform na nga 'tong shorts ko na ito, e.
"Magjogging pants ka raw teh." Ani Kristin saka binuksan yung TV.
"Ang init saka dyan lang naman yung kainan. Malapit lang." Wala ng nagawa si Agosto dahil hindi na niya ako mapagbibihis. Hindi ko naman siya boyfriend para sundin ko. Saka hindi naman kabastos-bastos itong suot ko, e. Mahaba na nga 'to kung ikukumpara sa mga maikling shorts na suot ng iba.
Paglabas namin sa gate ay kaagad kong naramdaman ang kamay ni August na nakaalalay sa likod ko. Medyo binilisan ko pa nga ang paglalakad ko dahil bigla akong nailing. Sweet yung gesture pero kasi hindi ako sanay. Awks.
"Manang, isang order po ng sinigang na bangus tapos... anong iyo August?"
"H-hah?" Tanong niya pero nakatingin pa rin siya sa menu na nakasulat lang sa taas ng counter. Muli ay nadala ko na naman siya sa isang karinderya. Hindi kaya siya sanay kumain sa mga ganito?
"Ang gwapo naman pala ng boyfriend mo, hija. Noong tinanong kita ang sabi mo wala pa. Irereto na sana kita doon sa umuupa sa second floor namin."
"Sisig na lang ho yung sa akin." Mabuti na lang talaga at nag-order na siya dahil hindi ko alam kung mao-offend ba si August kung sasagutin ko si manang na hindi ko boyfriend si August. Kung sasabihin ko namang hindi ko pa boyfriend baka naman bigla akong i-pressure na sagutin siya.
Habang hinihintay naming maluto ang mga inorder namin ay tinignan na muna namin yung mga picture namin kanina. Actually, pictures ko. Kasi ako na yung laman nung album nito ngayon dahil sa dami ng kuha ko.
"Hoy! Kailan mo 'to kinuha?" Tanong ko sa kanya. Ang dami niyang stolen shots sa akin! "Burahin mo 'yan." Sabi ko pa rito pero nilayo niya lang kaagad yung cellphone niya sa akin.
"Ang ganda mo nga dito, e. Bakit ko buburahin?"
"August naman. Tignan mo ang taba ng braso ko tapos...ang pangit ko dyan" Nagulat ako nang hawakan niya yung braso ko.
"Hindi naman. Payat mo nga, e. And don't degrade yourself, Love. You're beautiful no matter what. Kahit pa may bagong tumubong pimple ka dyan sa noo mo." Mabilis kong tinakpan yung noo ko dahil sa sinabi niya. Medyo masakit nga yung pimple ko na 'yun. Kainis talaga. Bakit niya napansin 'yon?
"Lilipat sa'yo 'yang pimple ko. Lahat kasi ng nakakapansin ng pimple ko nagkakapimple. Humanda ka na bukas madami ka ng pimple. Huwag mo na nga kasi akong tignan." Kako rito pero mas lalo pa siyang tumingin sa akin tapos hinawi niya pa yung buhok ko. Agosto itigil mo! Yung puso ko ayaw kumalma!
"May nagsabi na ba sa'yong ang ganda mo ngumiti?" Tumango ako dahil meron naman talaga. "Ang ganda mong magulat?" Umiling ako. "Ang ganda mo kahit anong gawin mo?" Muli akong umiling. Ang sumunod na ginawa nito ay hindi ko inaasahan. Hinawakan niya ang kamay ko at ilang beses niyang sinwipe yung thumb niya sa palad ko. "Liit ng kamay mo. Ang liit mo kasing tao, e."
"Sorry na, ah." Sabi ko na lang pero hinayaan ko lang siyang hawakan at paglaruan ang kamay ko hanggang sa dumating na ang mga inorder naming pagkain. Pasimple pa siya, gusto lang naman niyiang hawakan ang kamay ko. Papayag naman ako, e.
***