CHAPTER 41
Mabilis lang na lumipas ang mga araw at buwan. Minsan ay nagkikita kami ni August, minsan hindi. Kadalasan kasi ay busy kami sa mga ginagawa. Niloloko na nga ako nila Monica na baka nagkasawaan na kami ni August dahil nga hindi na kami nakakapagkita ng madalas. Sa mga sinasabi nilang iyon ay minsan napaparanoid ako. Lalo pa't mukhang hindi alam ng barkada ni August na kami na. Ni picture ay hindi kami nag a-upload.
Kapag nga online si August ay hindi na siya yung nauunang magchat sa akin. Hindi ko alam kung kailan naging ganun iyon. Nanlalamig na ba siya?
Lovely Dennise Calarion: Love?
Dati ang bilis niyang magreply pero ngayon ay inaabot minsan ng isang oras bago siya makapagreply.
"Tapos na ba kayo sa financials niyo?" Tanong ni Monica. Pati sila ay hindi ko madalas makita dahil kanya-kanya kaming gawa ng mga thesis namin. Doon sila sa thesismate niya minsan natutulog at ganun din si Kristin.
"Hindi pa. Sabi kasi ni Ara ay siya ang gagawa."
"Sure ka? Siya talaga ang gagawa?"
"Sabi niya, e." Ngumiti na lang ako saka ko muling ibinalik ang pansin ko sa laptop.
August Lenard Parco: Yes love?
Lovely Dennise Calarion: Busy ka?
August Lenard Parco: hindi, wala ka bang gagawin ngayon?
Lovely Dennise Calarion: Wala, e. Nood tayong sine love :D
August Lenard Parco: Sige, sunduin kita mayang 1.
Lovely Dennise Calarion: Okaaay~
Nag-scroll up ako sa mga past conversation namin. Kailan ba huminto yung mga sagutan namin ng I love you? Hindi naman kami nag-aaway pa. Nagseselosan oo pero never pa kami nagkaroon ng matinding away. Alam ko naman na ayaw niya kay Dustin pero hindi naman iyon maiiwasan dahil groupmate ko siya.
May mga batian pa rin naman kami ng good morning and good night. May mga kumain ka na ba? pa rin naman kaming mga tanong sa isa't isa pero hindi na yung katulad noon. Dapat ba akong mangamba?
"Monica? Tingin mo may problema ba talaga sa relasyon namin ni August?"
Kumunot ang noo ni Monica dahil sa tanong ko. Ako nga rin ay hindi kasi makapaniwala sa tanong ko. Wala naman problema pero alam kong may nag-iba.
"Okay naman kayo, diba? Wala namang nagloloko sa inyo? Sweet naman siya sa'yo kapag nandito." Ngumiti ito sa akin bago niya inilabas yung reviewer niya para sa quiz namin ng last subject bukas. Nakapag-aral na ako kanina kaya kampante na akong lumabas kasama si August. "Unless may lalaki ka?"
"Sira! Kayo naman ang lagi kong kasama."
"Gees! niloloko ka lang kasi namin na nagkakasawaan na kayo ni August. Ano lang 'yan nasa phase kayo ng pagiging busy pareho."
"Tingin mo? Paano kung dahil sa sobrang busy ko minsan ay napapabayaan ko na siya?"
"Napapabayaan mo nga ba?" umiling ako. Kahit sa totoo lang ay hindi ko alam.
"Edi ibig sabihin nun ay wala. Huwag kang malalim mag-isip. Okay naman kayo, e. Niloloko ka lang kasi namin madalas. Hindi naman namin alam na seseryosohin mo." Tumawa pa siya nang sabihin niya iyon kaya naman hindi ko na lang din inintindi ang mga napansin ko. Masyado lang siguro talaga akong nag-iisip.
***
Ngayon lang nagdala ng sasakyan si August kaya naman habang nagmamaneho siya ay nakatingin lang ako sa kanya.
"What?" Nakangiti nitong tanong sa akin. "Lalo kang nai-in love sa akin, no?" Tanong niya pa kaya parang nakahinga ako nang maluwag. Sweet pa rin siya. Maloko pa rin siya. Walang nagbago. "Bakit love?" Nakatinging tanong nito sa akin pero mabilis din na itinuon ang pansin sa harap ng daan.
"Ang gwapo mo kasi mag-drive love." Sagot ko sa kanya bago ko hinalikan ang braso niya. "I love you, August."
"Bakit ang sweet naman ng girlfriend ko ngayon?" pinagsalikop nito ang mga palad namin saka niya hinalikan ang kamay ko. Kaya kahit hindi niya sinagot yung I love you ko ay napangiti pa rin ako.
Huwag dapat akong mag-isip ng malalim. Ganito naman kami lagi, ganito naman siya lagi... Ganito nga ba kami tuwing magkasama?
****
A/N: luh malapit na talaga matapos hahahaha