CHAPTER 37
Ilang araw na rin kaming hindi nagkakasama ni August dahil nasa Japan pa rin siya ngayon. Nagcha-chat or video call lang kami ng gabi.
August Lenard Parco: love
Lovely Dennise Calarion: Oh?
August Lenard Parco: Anong ginagawa mo? Ang boring dito
Lovely Dennise Calarion: Nasa japan ka na nga, eeeee. Yung sa thesis inaayos namin yung chapters 1 and 2 para ipakita sa instructor bukas. Approved naman kasi sa kanya yung mga ginawa naming research last school sem :D
August Lenard Parco: Aww thesis agad. 1 week pa lang kayong pumapasok :<
Lovely Dennise Calarion: Mapagdadaanan mo rin hahaha! Sorry love, i need to go now! Will finish this pa. Bye bye!
August Lenard Parco: Aww ok. See you tomorrow love
Lovely Dennise Calarion: Uuwi ka naaaa?
August Lenard Parco: Oo. Anong gusto mong pasalubong? :)
Lovely Dennise Calarion: Ikaaaaw HAHA!
August Lenard Parco: maliban sa akin. Stop being so cute love. haha
Lovely Dennise Calarion: uuhmm kahit huwag na :D
August Lenard Parco: See you tomorrow love. I love you :*
Lovely Dennise Calarion: See you love :*
***
Late akong nagising kaya hindi ko nabasa kaagad ang mga message ni August sa akin. Ang huling sinabi lang niya ay flight na niya kanina. Nagreply lang ako ng keep safe pero baka paglapag na niya iyon mababasa.
Kasama na namin si Monica sa apartment ngayon. Lumipat lang siya rito nung isang araw. May maaga tuloy na gumigising sa amin ngayon para magluto. Mas malayong mas responsable talaga siya kaysa sa amin ni Kristin.
After namin kumain ay isa-isa na kaming nagprepare at pumasok na. Blockmates pa rin kami pero iba-iba lang ang group namin for thesis. Mabilis lang dinnatapos ang klase namin. Wala kasi yung mga sumunod naming prof kaya nagsiuwian na kami.
Si Kristin ay may kikitain pa raw na kaibigan niya ng high school at si Monica naman ay uuwi sandlai sa bahay nila. Ako lang tuloy ang mag-isang naglalakad ngayon pauwi sa apartment namin.
Dustin: Lovely, gawin daw natin chap 3-4 sa apartment niyo. Nasaan ka?
Lovely: Pauwi. Sunod na lang kayo, ah. Tinatamad ako bumalik.
Dustin: Ah sige. Sunod kami ni Ara. Patext naman si Shane
Paakyat na ako sa unit ko nang mabasa ko yung text na iyon ni Dustin. Maaga nga kaming umuwi kaso thesis na naman ang haharapin namin. Mabilis ko na ring tinext si Shane na sumunod din dito.
"Malalim ang iniisip, ah." Mabilis kong tinignan ang taong nagsalita dahil sa gulat. si August! "Hi Love." Nakangiti nitong bati sa akin bago lumapit para yakapin ako. "I've missed you."
"Kainis 'to. Bakit hindi mo sinabing pupunta ka? Kanina ka pa?" Niyakap ko siya pabalik at nang maghiwalay na kami ay napansin kong may dala pala siyang gitara at isang paperbag. Pansin ko ring parang pagod ito.
"Galing ako sa bahay ng barkada ko bago pumunta rito." Sagot nito. Pinapasok ko siya sa loob at dumiretso upo naman ito sa sofa.
Nagkwentuhan lang kami sa ginawa niya sa Japan at sa mga naganap dito habang wala siya. hanggang sa natanong ko na nga kung bakit siya may dalang gitara ngayon.
"Ah, nagpractice kasi kami para sa general assembly." Nilabas nito ang gitara niya at nagsimula itong tipain ang gitara nito. "I'll sing you a song, Love."
Umpisa pa lang ng kanta ay napangiti na ako kaagad.
She's a yellow pair of running shoes
A holey pair of jeans
She looks great in cheap sunglasses
She looks great in anything"Maganda pala ang boses mo?" Tanong ko sakanya habang patuloy itong kumakanta. The song was slow and sweet.
And she's everything I ever wanted
And everything I need
I talk about her
I go on and on, and on
'Cause she's everything to me"What's the song called?" Tanong ko nang matapos itong kumanta. Pakiramdam ko ay naging favorite ko bigla iyong kanta dahil ito ang unang beses na may gumawa nito sa akin. Tanga na lang talaga ang magpapakawala pa kay August.
"She's Everything by Brad Paisley." HInawakan nito ang kamay ko saka niya iyon hinalikan. "Ikaw ang una kong naisip nung sinabi nilang kantahin namin 'yan. That's why before I'll sing this song to everyone, I decided to sing this song to you first.
"Yieee! Nagpapakilig ka lang, e."
"Hindi po!" Sabi niya saka niya hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Ikaw talaga yung naisip ko." Dugtong pa nito. Napansin ko yung paglipat ng mga tingin nito sa labi ko at yung biglang paglunok niya. Sht. Yung puso ko! Biglang tumalbog ang lintek! Napansin ko ring papalapit siya kaya lumayo naman ako ng kaunti na dahilan naman ng pagngiti nito ngayon.
Muli na naman niyang inilapit ang mukha niya kaya napapikit na lang ako pero mabilis din akong napamulat nang makarinig ako ng pagkatok sa pinto. Mabilis akong tumayo at nag-ayos ng sarili para pagbuksan kung sino man ang kumakatok. Aware naman akong nakangiti si August doon na naiwan kaya sobrang nahihiya ako ngayon. Aish!
Huminga na muna ako nang malalim bago ko tuluyang buksan ang pinto. "Dustin?" Tumingin ako sa likuran nito para hanapin ang iba naming thesismate pero wala pa sila.
"Sunod daw sila Ara." Pagkasabi niya nun ay bigla siyang pumasok. Sanay kasi siyang pumapasok sa apartment simula noong ginagawa namin ang thesis pero kasi iba ngayon.
Awks. Nakakunot ang noo ni August ngayon dahil sa inasta ni Dustin.
"Ano...Si Dustin, yung thesismate ko." Pakilala ko ulit. "Tanda mo pa? At si August naman, boyfriend ko."
"Nasabi mo nga noon." Medyo cold ang boses ni August. Nawala na rin yung mga naglalarong ngiti nito sa labi kanina. Hindi pa ng anakakarecover yung puso ko sa kaba kanina dahil sa kilig tapos ngayon naman kinakabahan ako kasi sa sitwasyon. Hindi naman ako manhid para hindi malaman na ayaw ni August kay Dustin.
"Uhm, gagawa kasi kami ng thesis. Susunod sina Ara." Pagpapaliwanag ko pero wala na akong narinig na sagot sa kanila.
Awks. Hindi talaga sila sumagot. Ang awks talaga...
***
May new readers ako here?
Follow niyo ko sa twitter: aril_daine