Chapter 22

35.3K 1.6K 372
                                    



CHAPTER 22

August: Galit ka pa rin?

Nasa UV ako papasok pa lang sa company na pinag o-ojt-han ko. Napaka aga naman nitong magtext!

Lovely: Aga magtext

August: Hindi pa ako natutulog, Love.

Lovely: Wala naman pumipigil sa'yo matulog :O

August: Meron >:(

August: Nag o-OJT ka na?

Lovely: Yeah

August: Nandyan na?

Lovely: UV pa rin.

August: Kumain ka ba?

Lovely: Nope

August: Bakit hindi ka kumain? Malilipasan ka ng gutom :(

Lovely: Walang time kumain. Late na kasi ako

August: Galit ka pa rin?

Napakamot na lang ako sa batok ko nang ulitin niya ang tanong nito. Mukhang hindi talaga titigil, e.

Lovely: Sabi mo hindi ka malandi. Bakit malandi ka? :O

August: Minsan lang malandi. Sa taong gusto ko lang.

Lovely: Ah. ge. Lapit na ko. bye.

August: Kain ka mamaya, a.

Taong gusto lang daw. Edi nilalandi niya yung lahat ng kaibigan niya. Syempre di naman niya magiging kaibigan kung hindi niya gusto bilang tao. kainis. So, normal 'to sa kanya?

***

"Huwag ka naman masyadong harsh doon sa tao." Ani Monica. Palibhasa ay bet na bet niya si Agosto para sa akin. As if naman ay bet ako nung tao para sa sarili niya.

"Hindi naman ako harsh." kako na lang.

"Harsh ka teh. Hindi naman niya responsibilidad na sabihin sa'yo yung pinaggagagawa niya. Girlfriend ka ba, hah?"

"Hindi." Mabilis kong sagot.

"Hindi naman pala, e! Wala kang karapatan magsususungit dahil hindi ka niya kinausap ng dalawang linggo." Binilisan ko ang pag-aayos ng files bago tumapat sa computer para mag-encode. Kaagad din naman akong tinabihan ni Monica. "Ganito," Humina ang boses nito nang mapadaan ang supervisor. Pasalamat talaga kami dahil mababait ang mga nagtatrabaho sa company na ito. Si Ms. Tess lang naman ang abusada sa amin.

"Kahit kausapin mo na lang ng normal ulit. Malay mo ay may pinagdaanan yung tao."

"Naging ganun siya noong binanggit ko si Cathy." Sagot ko bago ako nag-umpisang mag-encode. Kunwari ay nagta-type din si Monica ngayon para hindi siya mapagalitan.

"Baka ayaw niyang pag-usapan si Cathy o kaya assuming na hindi ka kinakausap?"

"Mahal niya si Cathy."

"E, ano ngayon kung mahal niya si Cathy?" Tinignan ko si Monica na ngayon ay nakangiti pa. "Mahal mo ba si August?"

"S-syempre hindi. Kaloka ka." Mabilis akong nagtype ulit para madivert ang atensyon ko sa ginagawa ko. "Gusto ko siya, oo. Pero hindi naman sa point na mahal."

"Sus. Doon din pupunta yon. Pipigilan mo o itutuloy mo?"

"Monica." Muli akong humarap kay Monica pero napatigil ako nang makita ko ang Supervisor.

"Ay magbreak muna kayong dalawa nang hindi kayo nagtsi-tsismisan dyan." Nginitian pa kami ng supervisor kaya naman kaagad kaming nagpasalamat sa kanya.

Cellphone ko ang una kong tinignan bago ko kinuha yung lunch na inorder ko kanina. May ilang text sa akin si August kaya napaisip na naman ako sa pinag-uusapan namin ni Monica kanina.

August: Kain ka ng kahit light snack lang baka magkasakit ka

August: Di na nagreply. Busy na?

August: Text mo ko pag break mo na :)

Napailing na lang ako dahil sa mga nabasa ko. Natutuwa naman akong concerned siya sa akin pero kasi ayaw kong maattach nang tuluyan sa kanya. Gusto ko kasi yung ugali niya. Yung pangungulit niya, yung tase of music niya pati na rin yung pag-aaalala niya sa akin ng madalas.

Lovely: Uso matulog, Agostooooo. :)

Aayusin ko pa lang sana yung kakainin ko ay biglang umilaw na naman ang cellphone kong nakapatong sa lamesa.

"Ay inabangan ang reply. Iba na talaga 'yan bebe."

"Tigil-tigilan mo ako Monica, ah."

"Bakit? Sinabi ko lang naman iba na yang pag-aantay niya ng reply! Bored na bored! Walang magawa sa life." Tumawa ito matapos niyang sabihin iyon bago tumayo at kumuha ng maiinom naming dalawa sa water dispenser.

August: Kumakain ka na? Kumain ka ba kanina? Baka sumakit tyan mo. :<

"Ehem! Yung ngiti! Parang inlab" Paalala sa akin ni Monica kaya mabilis akong sumimangot. Hindi ko kasi namamalayan na napapangiti na ako.

Lovely: Light snack, check. Kakain pa lang huwag magulo!

August: Pero ngayon ka lang nagreply. Kain ka habang nagrereply sa akin :D

August: Hindi nagreply. Tawag ako, pwede? Kahit huwag mo akong kausapin. :(

Lovely: Mamayang gabi na lang. Kain muna ako! Tulog ka na! lol

August: Ouch. Food > August. Sige na nga. Eat well. haha!

August: Pero bati na ba tayo? Hindi ka na galit?

Inubos ko na muna ang pagkain ko bago ko siya nireplyan. Inalala ko rin kasi yung sinabi sa akin ni Monica kanina. Hindi naman kasi talaga kami ni August kaya wala akong karapatang magalit. Gusto ko lang ang ugali ni August, yun lang. Yun lang kasi dapat. Hindi na kasi dapat tumaas pa sa ibang level. Tama na 'yong komportable akong kausap siya at hinahangaan ko yung kagwapuhan niya. Keri na yon. Wala na talaga dapat pang iba.

Lovely: Bati naman talaga tayo. Sleep well, Agosto. :)

August: Ayun! Makakatulog na ako nang mahimbing. Take care, Love. >:]

Lovely: Lul ka talaga!

August: Miss na rin kita. HAHA!

Gago. Pa-fall talaga ang loko! Pero na-miss ko naman talaga at hindi ko na lang iyon sasabihin sa kanya.

August: And one more thing, wala kasi talagang signal sa pinuntahan namin ng 2 weeks. Hindi ko nasabi kasi biglaan. Remote area kasi. Take care, Love. :)

***


Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon