CHAPTER 6
I posted something on facebook about math at ang agad na nagcomment ay si August.
'I love math, but math rejected me. lol'
Natawa ako sa kumento nito kaya si Kristin ay agad lumapit sa akin.
"Ay sino yan friend?"
"Ah, yung kinunwento ko sayong nagpatulong at nagsesend ng random links."
"Patingin!" Inagaw niya sa akin ang laptop ko at binisita ang profile ni August. "Oi gwapo ah! Add ko nga." Aniya."Huwag kang masyadong magpakacupid sa kanila, teh! Gwapo kasi, e. Sayang naman."
"Gaga ka talaga."
"Ilang buwan mo na nakakachat?"
"2 months?" Hindi siguradong sagot ko. Minsan magpaparamdam siya. Minsan hindi naman.
"Ganun na katagal? Edi kung ganun, ang tagal na pala. Mag-uumpisa na tayo ng OJT sa bakasyon, oh. Nakita mo na?"
"Hindi pa, e. Pero ang sabi niya nakita niya ako once kaya nga hindi na ulit ako nagpost ng picture ko. maski dito."
"Friend mo na yung nililigawan niya, diba?" Tumango ako kaya naman inagaw ko na ulit ang laptop at hinanap ko yung account ni Cathy. May picture siyang kasama ng isang lalaki. Hindi naman si August yun kasi alam ko na ang mukha ni August.
"Luh!Malandi yata si ateng."
"Baka kapatid." Pagtatanggol ko kay Cathy. Mabait naman kasi ang pagkakadescribe ni August sa kanya. Pero lately kasi hindi talaga siya nagkukwento about kay Cathy.
August Lenard Parco: Nanonood ka ba ng anime?
"Oh may message si Agosto mo." Ibinalik nito ang laptop sa akin.
Lovely Dennise Calarion: Yup. Minsan.
August Lenard Parco: Panoorin mo yung Haikyuu! haha
Lovely Dennise Calarion: Sige after ng exam.
"Ay friend! 'Yang ngiti mo pakitago."
"Grabe ka."
"Tanungin mo kung kumusta sila ni Cathy!" Ayaw ko sanang tanungin pero nakakacurious din dahil kay Kristin.
Lovely Dennise Calarion: Kumusta na pala kayo ni Cathy?
August Lenard Parco: In love ako. :D
Lovely Dennise Calarion: Lol! Kay Cathy syempre.
August Lenard Parco: Sa bike! haha! Nabalitaan ko sa pinsan ko na magpapakita ka na raw? May meetup ka raw?
Lovely Dennise Calarion: oo. Finofollow ako ng pinsan mo?
August Lenard Parco: Oo. Pinagmamayabang ko ngang friend kita haha!
Lovely Dennise Calarion: Kapal! Friend sa facebook lang ah hahaha!
August Lenard Parco: 2 months Lovely! Grabe ka naman sa akin.
"Iba talaga ang ngiti mo, e. Huwag kang maattach sa mga tao online! Naku mahirap yan!"
"Baliw.Hindi naman. Binabasa raw kasi ng pinsan niya yung blogs ko."
"Sus. oo na nga lang.
August Lenard Parco: See you sa meetup mo! haha! Ge, gawin kona 'tong codes. Matulog ka ng maaga. :D