CHAPTER 45
"Bebe! bakit nasa labas 'tong paperbag---OMG! Bakit ka na naman umiiyak?" Tinignan ko si Monica bago ko pinunasan ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.
"Bakit ayaw tumigil?" Wala sa sarili kong tanong? Punas ako nang punas sa luha ko pero lagi lang 'yong napapalitan ng iba.
"Sshhh... Anong problema?" Niyakap niya ako para aluin. "Si August?" Mahinang tanong nito kaya tumango lang ako. "What did he do this time?" Kinalas niya ang pagkakayakap niya sa akin at tinignan niya ako nang maigi. Pinunasan din nito ang mga luha ko.
"Nagbreak na kami."
"That jerk! Pagkatapos niyang hindi magparamdam tapos..."
"Ako yung nakipagbreak..." Biglang nagsoften ang mukha ni Monica...
"Dahil doon sa babae niya?" Umiling ako.
"Dahil ayaw ko na."
"Ayaw mo na kasi?"
"Kasi mahal pa niya si Cathy habang kami pa."
"Sinabi ba niya?"
"Ramdam ko naman. Hindi naman ako manhid." Ngumiti ako saka ko ulit pinunasan yung luha ko. "Mahal ko, e. Suportahan ko na lang siya. Kasi ganun naman talaga, diba? Iyon naman kasi talaga ang purpose ko una pa lang? Yung paglapitin sila lalo."
"Lovely naman, e." Ngumiti lang ako. "Kahit si Cupid nagmamahal din. Try mo kayang ipaglaban?"
"Para masaktan ako ulit?" Umiling lang ako. "Ayaw ko ng ganun... Ni sorry nga wala, e. Huwag na lang."
"Are you really sure about this? Imposibleng hindi siya nagkaroon ng feelings para sa'yo, Lovely."
"Siguro hindi pa talaga time para maging kami... Madami pa rin kasi kaming hindi alam sa isa't isa... Saka isa pa, may mahal pa siyang iba... at kung totoo ngang may feelings siya sa akin, dapat hindi ako yung susuyo sa kanya. Hindi ko kayang ibaba ang pride ko kasi siya naman talaga ang nanloko at hindi ako. Iiiyak ko na lang para mawala na yung sakit... "
***
Matapos naming mag-usap ni Monica ay nag-online ako. Nakita kong online si August kaya naman binuksan ko na yung mga message niya sa akin noon pa.
August Lenard Parco: Guilty ako sa one-night-stand kay Joan dahil nakainom ako pero alam kong hindi rin rason yung nakainom ako nang araw na iyon. Hindi ako nanlalamig sa'yo. Sadyang guilty lang talaga ako sa ginawa ko kaya naging ganun ako sa'yo. Ang dami kong tanong sa sarili ko, paano kita haharapin? E, kahit saang anggulo kagaguhan yung nagaw ako. Anong sasabihin ko kapag kaharap na kita? I don't know.
August Lenard Parco: Sorry dahil sumigaw ako nang sabihin kong huwag mong idamay si Cathy. I'm sorry. Hindi naman kasi dapat siya nadadamay. Still, I'm sorry.
Nakita kong biglang nagtype si August. Marahil ay nakita niyang online ako at nabasa ko na ang mga message niya.
August Lenard Parco: Please keep that... Please open it... Kahit 'yun lang, Lovely.
Lovely na talaga... Wala na talaga siyang balak na suyuin ako.
Tinignan ko ang paperbag na pinasok ulit ni Monica kanina. Kinuha ko ito at muling itinago sa cabinet bago muling bumalik sa tapat ng laptop ko.
Lovely Dennise Calarion: Okay.
Lovely Dennise Calarion: I'm sorry. I'm blocking you now. Sana maging kayo na ni Cathy.
Muli pa siyang nagtype pero kaagad ko siyang blinock sa facebook. Ultimo ang numero niya sa cellphone ko ay blocked na rin. Aminado akong ang bitter ng ginawa ko pero ganun talaga, e. Ayaw kong malimutan yung feeling ng in love pero ayaw ko rin yung nararamdaman kong sakit ngayon...
CUPID NO MORE
I fell in love with this guy. The guy who proved that there really are butterflies in my stomach. The guy who introduced me to songs that I've never heard before. He was the reason why I stayed up all night writing poems and also the reason why I played cupid in the first place.
He's the month that I still love. The man that made the rain fall. He's the sweetest guy I've met, but also the guy that broke my heart in a beat. I fell in love with the guy I was supposed to help.
Yes, I failed as a cupid, and now, I'm facing the consequences of this failure. Still, I am thankful for this experience. It's beautiful and sad. It's flawed, but it made me smile.
I know this isn't goodbye because even though the month of August will end in a few days, it will still come again next year. Like that, I know we'd meet again. Love just so you know, I never regret loving you. Even though it hurts, and even though I'd never love the same way again.
Please listen to WHEN DID YOU STOP LOVING ME by Hunter Hayes.
= 0= END =0=
*****
A/N: First of all, thank you sa lahat ng nagbasa. Alam kong sinabi kong light story ito pero light pa rin naman siya na may touched of reality lol. Ang goal ko kasi ay maka-relate ang karamihan.
May natapos na rin akong story last year ba yon? Hello, Neighbor. Read it as well. Ang Sadist Lover series naman ay ibabalik ko. Pag kaya na ng time ko.
Ipopost ko rin pala yung songs na ginamit dito sa Cupid Gone Wrong mamayang gabi siguro.
Book 2: Cupid No More....