Chapter 23

35.3K 1.6K 339
                                    

CHAPTER 23

Nagising akong masakit ang ulo tapos napakabigat ng pakiramdam ko pero kahit ganoon ay nasa UV na ako para pumasok sa OJT ko.

August: Papasok ka na?

Lovely: UV na.

August: Kumain ka na?

Lovely: Yup. Kelangan, e. Uminom ako ng gamot kasi.

August: May sakit ka?

Lovely: Lagnat lang naman. Naambunan kasi ako kagabi pero kaya pa naman. :)

August: Uwi ka na lang kaya? Magpahinga ka na lang

Lovely: Wala akong number ng supervisor, e. Di ako pwede umabsent

August: Maghalfday ka na lang. Sunduin kita, gusto mo? Malapit lang ako sa office niyo

Lovely: Di na. Nandun naman si Monica.

August: Dapat nagpapahinga ka, e. :/

Lovely: Okay nga lang kasi akoooooooo. kulit, ah

August: Mas makulit ka. Dapat nagpahinga ka na lang. Baka kung mapano ka dyan

Lovely: Uy concerned! Easy-han mo lang. Baka madevelop ka sa akin. lol

Pabiro ko iyong sinabi para ma-awkward naman siya sa ginagawa niya. Dapat kasi huwag siya masyadong nag-aalala sa akin. Dapat ang inaalala niya ay kung paano niya liligawan ulit si Cathy nang makalabas na siya sa boundery ng pagiging friendzoned. Ilang buwan na oh! Wala pa lang talab ang ginawa kong shoutout sa kanila noon. Siya pa naman ang unang ginawan ko ng ganun.

Samantalang yung ibang nagbabasa ng blogs ko na nagpatulong sa akin ay nagkabati na, magjowa na ngayon. Yung iba nga ay hiwalay na yata.

August: Love, seryoso kasi ako. Uwi ka ng maaga.

Hindi na ako nakareply sa kanya dahil pababa na ako. Mula sa binabaan ko ay ilang minuto pa ako naglakad bago nakarating sa office.

"Ang putla mo." Iyon kaagad ang bungad sa akin ni Monica. "May sakit ka ba?"

"wala 'to. Kaya ko naman." Sagot ko sa kanya.

"Sure ka?" Tumango lang ako saka ko inilagay sa locker ang bag ko.

Inumpisahan ko ng gawin yung madalas na pinapagawa sa akin para hindi na ako masita mamaya na walang ginagawa. Nagtuloy-tuloy yung ginagawa ko hanggang sa nakaramdam na ako ng hilo bandang alas onse na.

Napansin na rin ng supervisor ko na medyo maputla nga raw ako at nang pakiramdaman ang noo ko ay napagalitan pa tuloy ako.

"Dapat ay nagpaalam ka na kanina. Ang taas ng lagnat mo." Sa pantry ako pinapagalitan ng supervisor namin habang hinahanap ang gamot na ipapainom niya sa akin. Nanay na nanay talaga siya. Palibhasa ay may anak din daw siyang babae. Mas bata nga lang sa akin ng limang taon. Ang sabi niya pa nga kanina ay hindi niya papasukin ang anak niya kapag ganito na kataas ang lagnat nito.

"Magpahatid ka na kay Nico sa inyo para hindi ka mapaano sa daan." Nagkatinginan kami ni Nico. Mas nauna lang ako pumasok sa kanya ng ilang araw kaya magkasabayan na rin kaming tatlo nila Monica sa OJT na ito.

Sa totoo lang ay hindi ko feel si Nico. Medyo natatakot kasi ako sa kanya sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Tuwing nagbi-break kasi ako ay nakikisabay siya. Bawal pa naman yung sabay-sabay kaming mga OJT na magbreak.

Tapos kung saan ako naka-station ay doon din siya nagpapalagay. Inis nga si Monica sa kanya, e.

"Huwag na po. kaya ko naman." Sagot ko.

"Sigurado ka? Magpahatid ka na lang kay Nico kahit dyan sa labasan hanggang sa makasakay ka na."

Wala na akong magawa kahit na tumanggi ako ay pinagpipilitan talaga ng supervisor namin. Kaya naman habang naglalakad ako ay pinapanatili ko yung distansya naming dalawa. Ayaw kong malink sa taong 'to talaga.

"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na lang talaga kita." Aniya.

"Hindi na nga sabi." Ang kulit. "Bumalik ka na nga sa loob."

"Ang sungit nito." Kumento nito pero patuloy pa rin siya sa pagsunod sa akin.

"Ang sabi ko, okay na ako. Pwede ka na bumalik sa loob kasi kaya ko naman umuwi mag-isa." Dapat talaga ay si Monica na lang ang sumama sa akin, e. Bwisit. Ang dami kasing pinagawa sa kanya, e.

Patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa labas ng building. Doon ay nabigla ako nang makita ko si August na nakaupo sa bench.

"Love." Tawag nito sa akin. Tumayo rin siya at kaagad akong nilapitan. "Okay ka lang ba?" Tanong nito bago tumingin kay Nico.

"Hinatid ko lang siya p're." Sabi ni Nico pagkatapos ay umalis na. Si August lang naman pala ang makakapagpalayas sa taong 'yon.

"Bakit ka nandito?"

"Sabi ko kasi sa'yo malapit lang ako, e. Bakit hindi mo chinicheck yung phone mo? Nagtext ako kanina pa."

"Busy kasi, e. Napansin lang kasi ng supervisor na maputla ako kaya pinagpahinga niya ako at pinainom ulit ng gamot. Medyo may halong sermon lang." Bakit ang daldal ko ngayon? Bakit ang komportable ko na kasama ko siya?

"Ihatid na kita, okay lang?" Tanong niya pa sa akin.

"Ano pang magagawa ko? Nandito ka na, e." Umirap ako saka naunang maglakad para hindi naman halatang natouch naman ako sa ginawa niya. Samantalagang kay Nico kanina hindi ako ganito. Papara sana ako ng jeep pero bigla akong pinigilan ni August.

"Kasama ko 'yung pinsan ko." Sabi niya kaya kaagad kong hinanap si Sabrina. Wala naman siya sa paligid. "Jace! tara na." Hinanap ko yung Jace na tinawag niya at nakita ko lang nang tumayo na ito at lumapit sa amin. Naka-earphones niya pero halatang walang pinapakinggan kasi narinig naman niya si August. "Dala niya kotse niya, e."

"Oi! Nakakahiya." mahinang sabi ko kay August. Mukhang masungit pa naman 'tong pinsan niya. Tapos ang puti. Mukhang hindi Pilipino.

"Huwag kang mahiya, mabait naman 'yang si Jace." Sinusundan lang namin si Jace hanggang sa marating na nga namin ang sasakyan niya. Grabe. May sariling sasakyan ang pinsan ni August. Mukhang mayaman talaga ang pamilya nila.

Sa byahe ay pinilit kong huwag makatulog. Idagdag pa na nakakahiya kasi talaga 'tong pagsabay ko sa kanila. Ang awkward tapos pag nag-uusap silang hindi naman ako makarelate. Although sinabihan ako ni Jace na huwag masyadong maniwala sa pinsan niyang si August pero tumawa lang sila pagkatapos nun.

Nang makarating kami sa apartment ay hindi ko na sila pinapasok. Hindi kasi kami nakapaglinis ni Kristin tapos idagdag pa na baka makita ako ng landlady na nagpapapasok ng lalaki. baka isumbong pa ako sa magulang ko.

"Magpahinga ka na, tapos heto..." Inabot niya sa akin yung isang plastic. Pagkain iyon sa isang fast food chain. "'Yan lang yung nadaanan namin kanina nung papunta kami sa office niyo, e. Kumain ka tapos 'tong gamot." Nag-abot na naman siya ng isang plastic. Ang dami nun. Hindi ko naman maaubos yung gamot kasi mabilis lang naman ako gumaling. "Kung pwede, i-text mo ako kapag nakainom ka ng gamot o kaya kung nakakain ka na." Natawa na lang ako dahil sa bilin niya sa akin.

"Sige na po. Pasabi pala sa pinsan mo thank you." Sabi ko rito. "Ingat kayo pauwi." Pagpasok ko sa loob ng unit ko ay doon pa lang ako nakangiti talaga ng todo! Shet! Ang hirap magpigil ng kilig kahit ang awks talaga ng pakiramdam sa sasakyan kanina! Love daw~~~

****


Ang daming relate kay Labli. #AugLy daw ang tandem name. Lol

Leave comments! <3

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon