Chapter 40

24.8K 1.1K 258
                                    


CHAPTER 40

Lovely Dennise Calarion: Wow online. Hi Love :D

August Lenard Parco: haha! kakaonline lang

Lovely Dennise Calarion: Kumain ka na?

August Lenard Parco: Oo.

Naghintay akong tanungin din niya ako pero wala na yata talagang kasunod yung chat niya.

Lovely Dennise Calarion: Anong ginagawa mo?

August Lenard Parco: Nanonood.

Napasimangot ako sa matipid na reply niya. Wala ba siya sa mood?

Lovely Dennise Calarion: Okay...

After nun ay hindi na siya nagreply. Tanging seen na lang yung nandoon. Nakakapanibago.

Lovely Dennise Calarion: Tapos na kayong magpractice?

August Lenard Parco: Mamaya pa lang.

Lovely Dennise Calarion: Ah... Sinong kasama mo?

August Lenard Parco: Banda saka yung iba sa barkada.

Lovely Dennise Calarion: Sinong barkada?

Tanong ko sa kanya kahit pa hindi ko kilala ang lahat ng mga kaibigan niya. Tanging sila Cathy at Gilbert lang naman ang kilala ko.

August Lenard Parco: sila Cathy.

Humawak ako sa dibdib ko... Ngayon ko lang naisip... Alam ba nila Cathy na kami na ni August?

Lovely Dennise Calarion: Okay...

August Lenard Parco: Tawagan kita mamayang gabi. Alils na ako.

Hinintay ko yung tawag niya ng gabi pero walang tawag galing kay August. Okay lang naman sa akin pero sana sinabi niya pa rin na hindi na siya makakatawag kaysa naghihintay pala ako sa wala.

Lovely: Rest well, August.


***

A/N: Malapit na matapos emeghed!

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon