CHAPTER 20
Lutang pa ako dahil wala pa akong matinong tulog mula kagabi. Kasalanan itong lahat ni August! Ugh! Alam kong magulo ang buhok ko at ang laki ng eyebags ko kaya tingin nang tingin sa akin yung ibang taong nadadaanan ako.
Yakap-yakap ko yung pinamili ko sa department store at nakayukong maglakad papunta sa bookstore. Bibili kasi ako ng folders at books pagkatapos ay tatambay sa coffee shop dahil ayaw ko pang bumalik sa apartment. Umalis kasi ako ng maaga sa bahay kanina para bumalik dito tapos after kong magpahinga ay lumabas na ako kaagad.
"Tingin-tingin sa dinadaanan." Tinignan ko ang lalaking humawak sa ulo ko. "Hello, bansot." Hindi ako sumagot dahil para akong nanlumo sa nakita ko. Bakit siya nandito? Hindi pa ako nakapag-ayos! Ang pangit ko! Anong ginagawa niya rito sa mall?
Tumingin ako sa mga tao sa likod niya. Lahat sila ay lalaki at kasama doon sina Gilbert at Cathy na nag-iisang babae.
"Akala ko nasa inyo ka?" Tanong pa ni August.
"H-hah?"
Dahil sa sagot kong iyon ay natawa siya sa akin. Ano na namang ginawa ko? Paano ako naging nakakatawa?
"Hello" Bati sa akin ni Gilbert. "Wala kang kasama?" Lumapit siya sa akin at parang nacurious naman yung iba nilang kasama.
Hindi naman sa takot ako sa mga lalaki pero kasi lahat sila ay nakatingin sa akin ngayon habang nag-iisa ako sa bookstore at sila ay buong tropa. Ugh!
"May bibilhin lang. Sige alis na ako."
"Alis ka na kaagad?" Tanong ni Cathy sa akin.
"Hindi pa kasi ako nakatulog ng maayos." Muli akong tumingin kay August na napangiti dahil sa sinabi ko. Shet siya! Bumibilis yung heartbeat ko dahil sa kanya! "Uhm, bibili lang ako ng gamit ko tapos alis na ako."
"Ah, okay. Pauwi na rin naman kami. Ingat ka." Paalam ni Cathy sa akin bago sila tuluyang umalis.
Nang alam kong umalis na sila ay kumuha na ako ng ilang folders bago naghanap ng new novels na bibilhin. Nagtagal ako sa pagbabasa ng blurbs ng mga libro pero hindi pumapasok sa utak ko yung plot. Paano ay naiisip ko si August. Hindi talaga siya nagpaalam sa akin? Grabe!
"Baka naman mapunit mo 'yang libro bago mo bilhin?" Napalunok ako bago tumingin sa nagsalita. "Hi ulit."
"Diba umuwi ka na?" Tanong ko rito bago lumipat sa kabilang shelf. "Baka hanapin ka ni Cathy." Sabi ko pa. Hindi ko alam pero parang nagtatampo ako dahil sa tono ng pananalita ko. Ugh! Lovely! Get over it. Friend ka lang at si Cathy naman ang nililigawan! Walang ikaw at ako sabi nga ng napakinggan kong cover ng kanta kanina sa bus.
"Sasamahan na kita. Mukhang hindi ka okay, e."
"Okay ako. Saka darating naman sina Monica mamaya" Palusot ko kahit hindi naman totoo.
Dumampot na lang ako ng isang libro bago pumunta sa cashier. Sumunod naman si August sa akin at nang magbabayad na ako ay nauna siyang maglabas ng pera. Pinandilatan ko siya pero wala na akong nagawa nang ibigay na ang resibo at plastic ng pinamili ko sa kanya.
"Saan mo sila hihintayin?" Tanong niya sa akin. Aagawin ko nga sana yung plastic pero nilipat naman niya sa kabilang kamay niya. Fine! Buhatin niya sige.
"Sa coffee shop." Sagot ko bago inilabas ang cellphone at tinext sina Monica at Kristin. Si Monica ay hindi makakarating pero si Kristin daw ay nasa apartment na. Malapit lang ang mall sa apartment namin kaya naman hintayin ko na raw siya.
"May pasok ka pa?" Naka-uniform pa kasi siya pati na rin ang mga kaibigan niya kanina.
"Ah, oo last day ngayon." nakangiti nitong sagot sa akin. "Anong gusto mo?"
"H-hah?"
"Frappe? Brewed coffee? Cake?"
"Kahit ano." Mahina kong sagot sa kanya tapos bago pa man ako makapag-abot ng pera ay tumalikod na siya.
Kaya pagkaupong-pagkaupo pa lang nito sa harapan ko ayt nilatag ko tapat niya yung pera.
"Bayad ko sa book at folders tapos bayad ko dyan sa frappe na binili mo para sa akin."
"Hindi naman ako nagpapabayad, ah." Sabi nito kaya nataasan ko tuloy siya ng kilay. May pera ako at hindi ako sanay na may ibang taong nagbabayad sa mga binibili ko. Last time ay hinayaan ko dahil kasama namin ang mga kaibigan niya. Pero ngayong dalawa lang kami, hindi pwedeng siya ang magbayad ng lahat.
"Okay, okay." sa 500 na binigay ko ay kumuha lang siya ng 150 pesos. Binigyan niya talaga ako ng sukli!
"August."
"Love." Nakangiti nitong tawag sa pangalan ko kaya inirapan ko siya. "Ly." tuloy niya dahil mukhang natakot sa pag-irap ko. "Okay I'm sorry. Treat ko na yung librong binili mo dahil birthday mo kahapon. Diba book ang gusto mo? Ayan na" Nakangiti nitong pahayag. Huminga ako nang malalim bago sumagot sa kanya.
"Okay."
"Okay lang naman siguro na samahan kita, diba?" Tanong pa niya. "Wala ka namang ibang gagawin habang hinihintay ang mga kaibigan mo?" Umiling ako dahil wala naman talaga akong gagawin. "Great,"
"Uhm, may mga gusto ka bang tanungin about sa girls para makatulong naman ako sa panliligaw mo kay Cathy." Sabi ko sa kanya bago tumingin sa frappe at cake na nasa lamesa. Ayaw ko siyang tignan, e. Maiinis lang kasi ako sa sarili ko. Daig ko pa kasi yung nagseselos na girlfriend kung makaasta. Naguguluhan talaga ako kahit hindi naman dapat.
"Hindi ko na siya nililigawan. Nandito na yung kaibigan mo." Tumingin ako sa entrance ng coffee shop at nakita ko na kaagad si Kristin. "Mauna na ako, Love." Paalam sa akin ni August. Nag-iba talaga ang mood niya matapos kong banggitin ang pangalan ni Cathy. Marahil ay nasaktan talaga siya.
August: I was friendzoned. Noong araw na humingi ako ng tulong sa'yo. :)
So, yung unang taong humingi ng tulong sa akin na pinagbigyan ko ay hindi nakatuluyan ang taong gusto niya. I failed as a cupid. And now, cupid is starting to feel something... na hindi naman dapat.
****
Leave Comments please! I love reading your comments. <3