CHAPTER 17
August: Hindi ka nagrereply sa messenger?
Lovely: Ay! Nasa byahe ako, anong sinabi mo?
August: Gabi na, ah.
Hindi pa ako tapos magcompose ng irereply ko ay tumawag na kaagad siya sa akin.
"Bakit nasa daan ka pa?"
"Daddy ba kita?" Natatawa kong sagot sa kanya. "Joke. Papunta ako kila tita. Dumating kasi siya tapos pinapapunta niya ako doon tutal bakasyon naman na raw."
"May kasama ka?"
"Wala. Nasa bus naman ako tapos isang tricycle lang pagbaba ko."
"Dapat sinabi mo para naihatid kita." Hindi ko inaasahan ang sinabi niya kaya napatigil talaga ako. Literal na hindi ako kaagad nakasagot sa kanya. Mabuti na lang talaga ay nagtanong pa siya ulit kasi hindi ko talaga kayang sagutin yung una niyang sinabi. "Kasasakay mo lang? Malayo ka pa?"
"Uhmmm" Tumingin ako sa labas ng para i-check kung nasaan na ako. "Medyo malayo pa. 2 hours pa siguro."
"May dala ka bang powerbank?" May narinig akong bumagsak sa kabilang linya. "Ingat naman Sab."
"Sorry kuya. Sino yang kausap mo? Girlfriend mo? Hello ate! Huwag mong ibi-break si kuya!"
"Aish. Layo!" Natatawa ako sa kanila pero hindi ako makatawa ng malakas dahil nakakahiya dito sa katabi ko sa bus. "Sorry about that. May dala ka bang powerbank? Wala kasi akong balak ibaba tong tawag hanggat hindi ka nakakarating kina tita mo."
"Meron naman."
"Kumain ka na ba?"
"Doon na lang mamaya. Tinamad na kasi akong kumain mag-isa kanina."
"Kaya ang payat mo, e. Kumain ka nga ng madami."
"Stressed kasi ako daddy."
"Aww kawawa naman si Love." May paglalambing sa tono ng boses nito kaya nag-init ang buong mukha ko. Ugh! Hindi dapat siya ganito sa akin, e. May Cathy pa siya. Ganito ba talaga siya? "Nandyan ka pa?"
"Ah, yeah. Inaantok na kasi ako, e." Mahina kong sabi sa kanya pero sa totoo lang ang awkward ng pakiramdam ko. Hindi tama ito.
"Bakit feeling ko hindi?" Narinig ko ang mahinang pagtawa nito sa kabilang linya. "Let's stay like this for awhile."
"Eeeh inaantok kasi ako..." Lumpia naman! Bakit ang pabebe ng boses ko? Nairita ako sa sarili ko.
"Please Lovely?" Bakit ba nanlalambing ang boses nito? Pwede bang huwag na siyang magsalita? "Please?" Ugh!
"Okay."
Nag-usap kami hanggang sa makababa ako sa bus. Tingin ko nga ay naiirita na yung katabi ko dahil ang ingay ko. Kung anu-ano lang din naman ang napag-usapan namin. Favorite sport, favorite food at lahat na ng favorite namin ay natanong na namin hanggang sa makarating na nga ako kila tita ko.