CHAPTER 44
"Hindi pa rin kayo nag-uusap?" Tanong ni Kristin. Nagluto si Monica kanina ng makakain namin kaya nandito lang kami sa apartment ngayon. Defense na namin sa saturday kaya madalas ang mga kagrupo namin sa apartment. Kanya-kanya nga kaming place, e.
Ang grupo ni Kristin ay sa kwarto nila ni Monica. Ang grupo naman ni Monica ay sa sala. Ang grupo naman namin nila Ara ay sa kwarto ko. Minsan nagkakasabay na dito kaming lahat. Minsan naman ay kami lang ang nandito.
Sa araw mismo ng defense ay mukhang dito sila matutulog. Mabuti na nga lang dahil hindi kami nagkasabay ng oras.
Nirereview na namin yung thesis papers namin at hinahanap ang mga butas. So far, ay isang butas pa lang naman ang nakitaan namin kaya nagawan na namin ng paraan. Gumawa na lang kami ng ibang paper para kapag hinanap may maibigay pa rin kaming proof kung saan nanggaling ang mga sagot namin.
"Hoy! Hindi pa rin kayo nag-uusap?" Tanong ulit ni Kristin.
"Hindi pa." Wala na yatang balak makipag-usap sa akin si August. Magtatatlong linggo na kaming walang communication.
"Break na ba kayo?"
"Baka?" Nagkibit balikat ako. Nagfocus lang ako sa acads ko ng ilang linggo para hindi ko siya maalala. Hindi ko na nga rin alam kung kelan ako tumigil sa kaiiyak. Mabuti na lang talaga dahil sobrang busy ng month na ito.
After naming kumain ay umalis ang dalawa. Ako lang tuloy ang naiwan ngayon kaya napagpasyahan kong matulog na muna.
Nagising lang ako nang may kumatok sa pinto. Marahil ay may nakaiwan ng susi sa isa sakanila. Binuksan ko iyon at nakita kong nakatayo si August.
"Hi." Bati niya.
"Hi." Yumuko ako at pinakiramdaman ko ang puso ko. Kinakabahan ako. Para akong nanghihina na makita siya ngayon. Hindi ko rin alam kung maiinis ba akong nakita ko siya o matutuwa. Ni isang sorry kasi ay wala akong nakuha sa kanya.
Pinapasok ko siya at kumuha ako ng tubig na maiinom niya. Kagigising ko lang kaya hindi ko rin alam kung maayos ba akong tignan ngayon o hindi.
Hinihintay ko siyang magsalita pero mukhang umurong na naman ang dila niya.
"Lovely," Sa pagtawag pa lang niya ng pangalan ko alam ko na kaagad.
Ngumiti akong humarap sa kanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya dahil na rin siguro sa reaction ko.
"I know." Sabi ko... "Alam ko na." Inilapag ko yung basong may lamang tubig sa lamesa. Nakatayo pa rin si August malapit sa akin. "Okay lang." Sabi ko pa. "Naiintindihan ko naman, e. Hindi naman ako yung mahal mo in the first place. Madali lang naman kasing sabihin yung I love you." Yumuko ako at sinubukang huwag manginig ang boses ko. Madali naman kasi talaga akong maniwala.
"Ayaw mo na?" Tanong ko pa sa kanya pero hindi siya sumagot. "Ang hindi ko lang naman maintindihan ay kung saan ako nagkamali." Tumingin ako sa kanya and nakita ko kaagad yung mga mata niya. Naiiyak siya pero pinipigilan niya. "Dahil ba madali akong mapaniwala? Dahil ba naging easy ako?" Ngumiti ako bago mariing ipinikit ang mga mata ko.
"Pero okay lang, mahirap din kasi na pigilan ka, e. Kesa naman tayo nga pero iba naman ang mahal mo." Yung tubig na ibibigay ko sana sa kanya ay ako na ang uminom. Ilang beses din akong huminga nang malalim para lang mapigilang umiyak sa harap niya.
"Ayaw ko na rin, e." Sabi ko saka pumasok sa kwarto ko para kuhanin ang isang paperbag na dala niya noong galing siyang Japan. Hindi ko pa iyon binuksan. Nakita ko kasi ito noong nakaraan nang buksan ko ang nasa ilalim na cabinet para linisin. Mukhang siya ang naglay niyon doon.
"Hindi ko binuksan 'yan but thanks pa rin." Tinignan lang niya iyon bago umiling. Mukhang wala siyang balak na kuhanin ito kaya naman lumapit na ako sa kanya at ako na mismo ang naglagay ng paperbag sa kamay niya. "Thank you, August."