Chapter 19

36.7K 1.7K 345
                                    

CHAPTER 19

August: Happy birthday! Saan ang handa?

Lovely: Sa bahay ni tita pero balik na rin kami sa bahay mamayang gabi. :)

August: Oh, saka na regalo mo. haha

Lovely: Lol! asahan ko 'yan. Kahit libro lang sapat na! haha!

August: Noted.

Hindi siya gaanong nagtitext sa akin dahil alam nitong busy ako sa pakikipag-usap sa kung kani-kanino. Mga kaibigan ko dito pati na rin sa mga naging kaklase ko noon. Nang nasa byahe na kami ng parents ko ay doon ko pa lang nakatext ulit si August.

Ang random niya pero at least nakakatuwa naman lahat ng pinagsasabi niya. Hindi ako naiinip. Nang makauwi ako sa bahay ay doon pa lang tumawag sa akin si August. Hinintay pa niya akong makapagpahinga sandali at makapag-shower.

"Anong ginawa mo maghapon?" Humiga ako sa kama ko at isinindi ang TV ko. Mahina lang ang volume nito.

"Wala. Bwinisit ko lang yung pinsan ko."

"Kapang-asar mo talaga, e." Mahina itong tumawa bago siya muling nagtanong sa akin.

"Kumusta ang araw mo?"

"Pagod." Maikling sagot ko sa kanya bago ko niyakap ang unan ko. Pakiramdam ko ay pipikit ako anytime.

"Kawawa ka naman. Matulog ka na pero huwag mong ibaba yung tawag."

"Uhm? Baka marinig mo akong maghilik."

"Ngayon ka pa nagreklamo ilang beses mo na akong natulugan. Kailan start ng OJT mo?" pag-iiba nito ng topic pagkatapos ay nakarinig ako ng ingay galing sa kabilang linya. Hindi ko alam kung ano iyon pero marahil ay naglalakad siya ngayon.

"Next week na. Hindi na nun ako pwede magpuyat."

"Hindi na kita makakausap magdamag?" may bakas ng kalungkutan sa boses nito pero hindi ko iyon pinansin. Alam ko namang tumatawag lang siya kasi naiinip siya o kaya ay wala siyang magawa talaga.

Ilang gabi na kasi kaming ganito. Mag-uusap ng bandang alas dose hanggang alas tres ng madaling araw. Minsan ay nakakatulugan ko siya, minsan ay siya naman ang nakakatulog.

Kung anu-ano lang naman ang napag-uusapan namin. Minsan mga anime, mga kanta, American series, school, sa pagiging hacker niya, sa pagiging blogger ko, sa mga kaibigan niya at mga kaibigan ko.

Mahirap itong ginagawa namin. Nasasanay kasi ako. Baka anytime ay masaktan ako dahil naaattach na ako sa kanya.

"Crush kita." Napamulat ako ng mga mata dahil sa sinabi niya.

"Luh. baliw." Sabi ko pero sa totoo lang nahirapan pa akong sumagot. Bigla kasing bumilis yung heartbeat ko dahil sa sinabi niya.

"Seryoso nga. Noong una kitang nakita"

"Ikaw, tumigil ka. Magagalit si Cathy niyan." Mahina akong tumawa kahit na hindi naman nakakatawa yung sinabi ko.

"Seryoso kasi ako." Aniya. "Kaya nga tinitigan kitang maigi noon sa meetup mo. Ang ganda mo ngumiti."

"August tigilan mo ako." Baka seryosohin ko ang mga sinasabi mo... gusto ko yon sabihin pero hindi ko na sinabi. Ayaw kong umasa. "Wait lang may incoming call ako. Si Monica"

"I-conference mo na lang. Hindi ako magsasalita, promise."

"Talaga ba? Teka, huwag kang masasalita, a! Gugulpihin talaga kita."

"Oo na."

Sinagot ko ang tawag ni Monica bago ito kinonnect sa ongoing call namin ni August.

"Ang tagal mong sumagot, ah. Happy birthday! Huwag ng regalo. Matanda ka na,e"

"Grabe to.Thank you. Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Gusto ko ako yung huling bumati sa'yo. Binati ka ba niya?"

"Niya?" Nahihiya akong banggitin ang pangalan ni August. Alam kong si August pero kasi...

"Si Agosto binati ka ba? Naku naku! kung 'yan binati ka niya, pakasalan mo na. Boto talaga ako doon."

"Gaga! shut up ka na nga!" Nakakahiya talaga.

"Makareact naman 'to. Bakit naririnig ba? hindi naman, ah."

"Actually, nandito siya."

"Sa bahay niyo? Hala siya! Iba ang galawan!" Tumatawa na si Monica pero ako lubog na lubog na!

"Sa call..." Pagkasabi ko nun ay ang dami kong narinig na mura galing kay Monica bago niya tuluyang tinapos ang tawag. Mukhang nahiya na siya dahil sa presensya ni August.

"Cool friend." tumatawang kumento naman nitong isa. Nakakahiya talaga.

"Baliw. Huwag mong pansinin ang sinabi nun kanina. Sige, matutulog na ako. Goodnight."

"Paano ba 'yan? Ako na siguro ang huling babati. Happy birthday again and goodnight, Love." Matapos ng tawag na iyon ay hindi na ako makatulog. Ilang beses kong pinakalma ang sarili ko at pabalik-balik sa kusina para uminom ng tubig. Damn August. Huwag kang paasa please.

Cupid Gone Wrong Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon