Chapter 2

4.8K 146 9
                                    

Chapter 2

Sam's POV
Mahirap talagang maging Unico Ijo , everything is settled , lahat kailangan nasa Plano like this . Sa totoo lang ayoko talagang mag manage ng Company na ito ewan ko ba jan kay Ama kung bakit di pa bitawan ang Cheap na Company na ito sabi nya kase "Dito ako nag simula , kaya hindi ko yun basta basta bibitawan , in fact yun ang dahilan kung bakit meron kayo ng Lahat " oh diba Memorize ko pa . Kaya naman ng nalaman ko na Ipapasa na nya saken ang Pagiging CEO gustuhin ko mang umatras he didnt allowed , sya pa din ang Bigboss ..
"Kuyaaaaa" yan na naman ang Prinsesa ko nag sisisigaw na naman "stop shouting will you!!" Inaayos ko na ang Gamit ko dahil starting tommorrow dito na ko mag tatrabaho. Dapat daw kasi mag start sa Pinaka mababa bago Tumaas . "Kuya i like your office ! Can i stay here muna Pleassss!" Puppy eyes pa nyang sabi "Im working Princess , please dont disturb" bakit naman kasi napaka daming gamit ng OldMan na yun "Its too late lets go home kuya " tsk. Bakit ba kahit anong pangungulit ng babaeng ito di ko magawang magalet sa kanya .

Whim's POV
Nakakapagod mag tago sa taong kahit saan ka lumusot ay nandun parin , yan kasing si Erwan di na kami tinantanan pag ka baba namin ng Shuttle gusto kaming ihatid pauwi , di ba sya nakakaramdam .
Mag isa na naman ako sa apartment nag alis kasi itong si Nena ngayong gabi pa makikipag date . Pero in the second thought dapat nga makipag date na si Nena ng hindi matulad saken na MANHATER sana lang seryosohin sya ng Kadate nya .. Natigil ang pag titiklop ko ng Damit namen ng Tumunog ang Cellphone ko may Messages ? Sino naman kaya itong dis oras na ng Gabe eh nag Text pa

-0909622****-
Open the door My Queen

Nanaas lahat ng Balahibo ko sa Katawan ultimo ang aking BabyBangs , Saang lupalop naman ng Boyop na yun nakuha ang number ko , nakaramdam ako ng Kakaibang kaba , maraming Negative ang pumasok sa isip ko Like , what if anjan sya sa labas ng pintuan , Baka rape-in nya ko HomeGod di ako prepared . Ni hindi pa nga ako nakakatikim ng Tamis ng Unang Halik . Nag umpisa na kong mag panic , kumuha ako ng Kutsilyo at tinidor tapos may suka ako sa bulsa subukan nya lang gumawa ng masama tatadtadin ko sya ng pinong pino !! Enhale , exhale pa ako bago lumapit sa Pinto .. Inay ko po RIP V.
Nanginginig ako habang hinawakan ang door knob namin mejo magaspang na dahil siguro sa kalawang ! Hay naku Whim marerape ka nat lahat door knob pa ang iniisip mo  . Ito na maraming salamat po sa Sumuporta  Ma, Pa malapit na tayong mag kasama !!
Dahan dahan kong binuksan ang Pinto at nakatutok na ang Kutsilyo ko nagulat ako ng may Tumulak
"NENA !!!" Sigaw ko ng makita ko syang nakatayo "Ano bang nangyayare sayo , papatayin mo ba ko ???" Hinanap ko kung may iba pang tao pero wala "Huy ! Okay ka lang ba ???" Naiyak ako sa sobrang takot , "Tahan na ikukuha kita ng Tubig " pumunta syang kusina , nang sasarhan ko na ang pintuan nag tunog muli ang phone ko -0909622****-
Dont be scared Queen , stop crying .

Literal na napa atungal ako na ikinagulat ni Nena "Ano ! Anong nangyare !!" Nag aalalang tanong nya sya na rin ang nag sara ng pintuan "ano bang nangyare ?" Ikinwento ko sa kanya ang lahat kaya galit na galit din sya "Putang*na talaga ang lalaking yun , napaka walang hiya pano kung inatake ka sa puso or nag suicide para lang di isuko ang Bataan "
"Suicide ?? San galing yun" seryoso kong tanong
"ahh Basta Taena sya , halika ka na matulog na tayo ako na ang mag Lolock ng pinto !"

Hindi rin ako naka tulog ng maayos dahil kada Kaluskos na maririnig ko o mararamdaman naiimagine ko na nandun lang si Erwan at mag mamasid .. OA man maituring pero natakot talaga ako sa kanya ngayon pang alam ko na lahat kaya nyang gawin para makuha ang Gusto nya , na syang di ko hahayaang mangyare . Uunahan pa nya si Abra ko <3

Kinaumagahan nauna akong nagising kay nena Trip ko lang mag Luto ng Breakfast Tutal night shift kami buti nga di naiisipan ni Nena na mag palit ng Schedule para lagi kaming mag kasama . Nag luto ako at nag walis walis ng kaunti ng May kumatok sa Pinto , sino naman kaya ito. Ke aga aga eh nambubulahaw nag Pag pag muna ako ng Damit at kamay na naalikabukan ..
Pag bukas ko ng Pinto Bumungad sakin si Aling Annie ang Land Lady ng Apartment namin .
"O Aling Annie ang aga nyo po , pasok po muna kayo" niluwagan ko ang pinto para makapasok sya "talagang inagahan ko , dadaan kasi ako sa Bayan para maningil may sasabihin lang ako sainyo ni Khiana" nakakapag taka di naman ito napunta samin ng ganito ka aga , tsaka sa isang linggo pa kami mag babayad , di pa naman kami Duedate , biglang labas din ni Nena sa Kwarto "oh aling Annie napadaan ho kayo " pipikit pikit pa si nena halatang  kulang sa Tulog . Kasi di rin yan nakakatulog hanggat hindi nya nararamdamang Tulog na ko .
"So ano nga po ang pinunta nyo dito ?"  Baka naman palaalisin na kami dito pero hindi naman kami napalya sa pag babayad "ah gusto ko lang malaman nyo na , hindi na ako ang may Ari ng Apartment nyo " hindi daw sya ibig sabihin iba na "Huh ? Eh bakit naman po " si Nena ang nag tanong "PinagBili ko na ang apartment na tinitirhan nyo " muka talagang pera si Aling Annie ilang taon na kaming nakatira dito ngayon pa nya binenta "Eh kanino naman po , para alam namen kung kanino kami mag babayad " ako na ang nag tanong "ah Kay ..." Di pa tapos mag salita si Aling Annie ng may nag salita sa Likod ko na lubos kong Kinagulat "Its Mine my Queen" ano Daw ???? Kay Erwan baliw na ba itong si Aling Annie "Sayo ??" Di maka paniwalang tanong ni Nena "Yes , and my Queen no need to pay , dahil lahat ng sakin ay saiyo nadin" Nakakadiri talaga ang mga salitang Lumalabas sa bibig ng Lalaking ito . Mas pinili kong manahimik dahil di mag sink in sa utak ko , paano na kami ni Nena im sure di naman yun papayag "Magkano nyo naman po pinag bili ang Apartment namen "Tanong ni Nena "a-ah eh 100.000 pesos" may pag kamot pa sa Ulo ito !! Di ko na kinaya
"Di mo ba talaga ako Titigilan,Ansakit mo na sa Bangs . Mawalang galang na Lumayas na kayo dito . Magsama kayong dalwa" pilit ko silang tinulak palabas , kahit alam kong may pag kawalang galang ang ginawa ko . "Nena , pano na ??" Maluha luha pa ko , nakakainis bat ba ang Babaw ng Luha ko "Akong bahala okay , wag kang mag alala di kita ibibigay sa Kulugo na yun , prepare your self papasok na tayo " ayan na naman sya para na namansyang nanay How i live without her . Mabilis kong inayos ang sarili ko at pumasok na kami sa Trabaho kahit maaga pa ay pumasok na kami , good to know na wala yung lalaking yun sa Labas ng bahay namin .
Nag In na kami at nag start ng mag trabaho , di pa din mawala sa isip ko ang apartment namin pano na kami , Tuso pa naman yung si Erwan . Pano na lang kami san kami titira
"Miss Salvacion" antagal na namin sa Apartment marami na kaming Memories dun "MISS SALVACION" sigaw ng Line Leader namin "Ho?" Naku papagalitan na naman ako nito , pinag lihi pa naman si Mam Suzette sa Sama ng Loob "Ano bat lumilipad ang Isip mo kanina pa kita tinatawag" pinandidilatan na nya ko "Sorry po Mam" pag hingi ko ng paumanhin "Pinapatawag ka ng BigBoss , sa opisina nya mismo" pag didiin pa nya sa Opisina , na syang ikinakaba ko nag sulyap ako kay nena at Nagtataka syang tumingin , nag kibit balikat lang ako para isagot sa kanya . Kinakabahan akong nag lalakad papuntang Office ni BigBoss ,two things ang nangyayare pag pumasok sa Office ni BigBoss Its Either Ma Promote or Ma Fired alin kaya ako sa Dalwa . Di naman ako mapopromote dahil wala pa naman akong ginagawa , baka naman matatanggal pero wala na HOMEGODDDDD baka nag sumbong si Kapre . Paano na ko , pag dating ko sa pinto dahan dahan ko itong binuksan at naabutan ko ang walang hiyang Kapre ! "Kapre anong ginagawa mo dito " my eyebrow raised up "Ganyang ka ba mag Bigay ng Pag respeto sa Nag papakain sayo " lalong napataas ang kilay ko , ay Oo nga pala bat mo nakalimutan na sya na ang BigBoss kasi nga nag Resign na ang Dating BigBoss
"Anong sinabi mo?" Eh mayabang naman pala ang lalaking ito
"Tama naman diba I am the one who Feed you and other people work Here" eh tarantado pala ang lalaking ito Pigilan mo ang sarili mo Whim Inhale Exhale
"Without your respect Sir , pinag tatrabahuhan po namin ang ibinabayad nyo samen , kaya you dont have the rights para sabihin yan sa Harap ko mismo " nakakabanas ang lalaking ito at nakuha pa nyang ngumisi sa kabila ng pag kulo ng Dugo ko sa kanya ..
"Yeah i know but i am your BigBoss So i have a rights " pede bang sapakin ito masyadong matabil ang dila "May kailangan po ba kayo" pilit kong pinipigilan ang usok na gustong kumawala saking ilong "Oh yes! Ligpitin mo ito at itapon , then i order mo na din ako ng Lunch Okay" pag uutos nya , ito na di ko na kayang pigilan ! "Hindi ko alam na Tanga na pala ang pumalit sa Big Boss " i said that with Cross arms "What did you say?" Napatayo na sya sa kinauupuan nya , Sige lang Whim wag kang mag padala sa Kapre na yan , gusto ko mang tumawa dahil chinicheer ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon .. "Ang yaman yaman mo , pero di ka makabili ng Cottonbonds" biglang kumunot ang noo nya Pero infairness di nawala ang pag ka gwapo nya , Hay ano ba Whim panget sya okay , may Abs lang sya ..
"What are you saying Witch" nakipag sukatan pa ko ng Tingin sa kanya ..
"Una sa lahat Sir Hindi mo ko secretary para gawin ang ipinag uutos mo , second last time i check worker ako dito at Pangatlo Hoy ! Kapre ka wag mo kong sumbatan na ikaw ang nag babayad dahil kung wala kami , wala kang pera" mataray kong sabi "Your Fired Miss Salvacion" sigaw nya sakin , na syang ikinagulat ko Pashnea bat ko ba nasabi ang mga yun !
"No need Mr.Delosantos , aalis talaga ako dahil kung ikaw ang Magiging Boss ko napaka Panget mo ,muka kang kapre " sabay walk out ko maluha luha akong nag lalakad di ko kinaya ang Kapreng yun . nag punta akong Locker at dun nag iyak ng nag iyak .. Wala na kong Bahay , wala pa kong Trabaho Ano ng mangyayare saken .. , napag pasyahan kong Lumabas ng Company .

Nag lakad lakad lang ako , hanggang sa makalabas ako sa Main Gate . Napag pasyahan kong maupo sa isang Bench na malapit sa Puno . May narinig akong Ingay sa isa pang Malaking puno sapat na para matakluban ang dalawang nag tatalo , sinilip ko kung anong nangyayare "Ibigay mo na ang Bag mo" sabi nung lalaking naka LeatherJacket habang hawak hawak ang braso ng Babae "Let go of me , You Bastard" nag pupumiglas naman ang Babaeng Naka dress na Pink . Holdap , o Kidnap pero di na sya Kid , baka TeeNap , okay Waley haha ..
Nag hanap ako ng Pedeng gamitin para mailigtas ang Babae pero di ko yun magagawa dahil hindi ako si Jackie Chan , palingon lingon ang Ginawa ko hanggang nadapo ang mata ko sa Isang Malaking Bato . "Pede na siguro ito " kinuha ko ang bato at Handa na para ibato pero kelangan Bumwelo , mabute na lang at Pala sali ako sa Sports nung High School ako kaya Sisiw lang ito , inasinta kong mabute ang parteng Batok ng Lalake and 3,2,1 Boom Headshot , tulog si Kuya . "Ahhhhhhhhhhh" napatakip ako ng Tainga dahil sa Bunganga ng babaeng ito "Shhhhh , ligtas ka na okay wag Oa " sabi ko habang abala sa pag tatali kay kuya Mabute na lang at may mga nakalawit na Lubid dito .Dito kasi tinatapon ang mga Lubid na ikinakabit sa Shuttle namin .. "Thank you Ateee" muling palirit ng Babae grabe kung nag sasalita lang ang Eardrums ko kanina pa minura ang Babaeng ito .  "okay na , Hmm mamaya gising na yan " sabi ko habang pinapag pagan ang Kamay ko "Ano bang Ginagawa mo
dito " tanong kay ate Pingkaru "I was here to Visit my Kuya , then Hinarang nya ko and grab my braso " why so conyo naman this Girl "Mabute pa ihahatid na kita kung sino man yang Kuya mo" sabi ko sakanya ..

Napansin kong sa YSD Com. Kami papasok ni Pingkaru , sumusunod lang ako sa kanya at di ko napansin na nasa Office na kami ng Kapreng Yun pag pasok namin ako ang pinauna ni Pingkaru
"Ms.Salvacion bat ka bumalik , may nakalimutan ka ba ??" May mapang asar na Sabi nya sakin .. Pepektusan ko na ang Kapreng ito nakaka Stress na
"KUYAAAA ! Why you treat Ate Like that ??"
Teka Kuya? Kapatid nya ang Kapreng ito "Ate ? You call that witch Ate ? " dinuro pa ko ng Kapreng ito , kahit anong Inis ko di pa rin ako umiimik hinayaan ko silang dalwa "Yes ! She is my Ate because she save me from the BadGuy kanina " conyong sabi ni Pingkaru , Lalabas na sana ako pero napatigil dahil sa Sinabi ng Kapre "Sus ! Baka sinadya yan ng Witch na yan para ibalik ko sya sa Trabaho" dahil sa narinig ko biglang bumagsak ang Luha ko , Traydor na luha ito masyadong Mababaw
"Kuya ! What are you saying , tinanggal mo sya sa Work ! Bakit ?" Di parin ako humaharap sa kanila dahil makikita nilang Mahina ako hindi pede yun "None of your Bussiness Princess ! At ikaw" i know ako ang tinutukoy nya "Youre still fired , get out of my Office" di ko na talaga kaya . Dahil sa galit na pinipigilan ko , nakakita ako ng Makapal na Libro at walang sabi sabing ibinato ko sa Muka nya .. Buti magaling akong umasinta
"Hoy ! Kapre tanggap ko na , Na tinanggal mo ko sa Trabaho dahil sa maling pangangatwiran mo , pero ang pag isipan mo ko ng Masama Eh Tang*na ka !! Sinagip ko ang Kapatid mo Salamat lang ang Gusto ko pero di mo pa maibigay .. Punyeta kang Kapre ka Muka kang Pigsa !! "dinuro duro ko sya . nag tatakbo Akong umiiyak pa Labas ng OpiSina nya ..
Pashnea ang Kapre na yun 

Vote , comment

AVESALA Baby's

My SAVIOR BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon