(Whelmarie Queen Salvacion on the Media)
Whim's POV
Tama pala yung kasabihang pag Nabusog ka , aantukin ka . Kaya Ayun nakatulog ako ng di ko na alam kung nasan ako, basta ang alam ko nasa Airport ata kami . Hinanap ko naman ang Lalaki nagdala sakin dito di ko naman makita . Bat kasi tulog ako ng tulog yan , naiwan na ata ako ..
Naghanap ako ng Bagay na pwede kong gamitin para makontak kung sino man ang pwede dahil naka Lock ang Kotse , ewan ko kung san binubuksan .
"Ahhrggg buset san na ba kasi binubuksan? " asar na sigaw ko sa Loob ng kotse . Nakakaimbyerna ang ganito .
Busy padin ako sa pag hahanap , halos lahat na ata ng pindutan napindot ko na pero wala padin. Biglang may kumatok sa Kotse , napatalon pa nga ako sa Sobrang gulat . Babawasan ko na nga ang pag kakape ko Nagiging Nerbyosa na ko e,
Sya ang nag bukas ng Pinto . Ngiti ngiti pa nya kong sinalubong . Mabute na lang Pogi ang lalaking ito kung hindi naku !!"Queen , halika na po sa Loob" aya sakin ng isang lalaki . Sasama na sana ako kaya lang naalala ko ang bilin ni Nena na huwag sasama kung kani kanino , kahit daw pogi . Baka kasi kunin ako pati ang Laman-loob ko uso kasi yun e .Tapos ibebenta ng Mahal
"Excuse me , kuya nasan na ba yung Hina.. I mean si Yke?" Napatigil naman yung lalaki sa Pag lalakad .
"Pupuntahan natin sya" parang pasigaw na ewan ang pag kakasabi nya . Kaya naman kinabahan ako . Baka Kidnapper ito , pero hindi na ko Kid . May asawa na nga ako e"Papuntahin mo sya dito" utos ko sa kanya .
"Papahirapan pa ata ako" bulong ni Kuya sa sarili nya , Hello naririnig ko kaya sya .
"What did you say" ohoy ! Straight english yun . Kakasama ko kay Kapre yan nahahawa na mo
"Halika na nga" hinigit nya yung kamay ko ! Bwiset masakit
Nag pupumiglas ako , kahit pogi ito papatulan ko to
"Let go of my Wife" sigaw naman ng aking Poging Asawa na nasa tagiliran lang nakatayo . Feel na Feel ko ata ang Pag tawag ng Asawa sa kanya .Teka sya nga pala ang may kasalanan kung bakit ako nandito Layas kasi sya yan makikidnap este MawawifeNap ako . Charr lang .
"Delosantos , youre wife is Beautiful , and smells good Can i borrow her" sabi naman nitong si Pogi .
Borrow ?? Anong palagay nito sakin Lapis , or Laruan . Hello Dyosa kaya ako .
"Cadavez uulitin ko Let go of my Wife" pag uulit ni Kapre , as if naman binitawan ako nito pag pina ulit ulit nya . Bobo napaka Bobo mo Yun ang gusto kong isigaw sa magaling kong asawa ."Hoy kapre Tulungan mo nga ako dito , sa buset na lalaking ito . Pag ako nakawala dito makakatikim ka ng Lumalagatok na Tuktuk sa ulo !" Galit na singhal ko sa lalaking halos nakayakap na sakin .
"As if i care" sungit na sabi ni Poge .
Ako na ang gagawa ng paraan para makaligtas ako sa Poging nilalang na ito. Kinagat ko ang kamay nya , dahilan para bitawan nya ko , pinilipit ko ang Kamay nya papunta sa likudan , tinadyakan ko ang Alak-alakan nya , sapat na para mapaluhod sya .
"Diba sabi ko sayo , makakatikim ka" paalala ko sa kanya , tsaka sya Tinuktukan ng Malakas .
"You witch , masakit yun a " pag rereklamo nya
"As if i care" pang gagaya ko sa ginawa nya sakin kanina .Lumapit sakin si Kapre , at mabilis na pinalo si Pogi sa Batok . Dahilan ng pag kaka tulog nya
"Salvacion ka nga , hindi maitatanggi" sabi ni Kapre ? Hindi ko magets . Salvacion naman talaga ako ,
Hindi na ko nakapag tanong dahil hinigit na nya ako papasok ng isang Building .
Sobrang nanlaki ang mata ko sa Nakita ko , napaka raming Eroplano ? Tapos meron ding Helicopter tapos Kotse sa ibaba .
Hindi ako makapag salita , dahil nadin sa Gulat . Kanila ba ito ? Ganito ba kayaman ang kapreng ito .

BINABASA MO ANG
My SAVIOR BOSS
Romance"Be my Queen o mamamatay ka sa piling nya ?" Huh ? Di ba parang parehas lang akong Mamatay sa piling nila !? Ako si Whelmarie Queen Salvacion at naobsessed sakin ang pangalawa sa Pinaka Makapangyarihang tao sa Bansa . Nakaka imbyerna ang mag Karoon...