Whim' POV
Busy ang lahat dahil sa Engagement party na hinanda ni Jom para sa Pabebe nyang aasawahin . Sino ? Edi si Nissan
Last time raw kasi na nag propose si Jom hindi tinanggap ni Nissan , tawa kami ng tawa ni Kapre . Habang kinikwento ni Nikki , nag jumbagan pa nga daw sa kusina e
Hayyy PagIbig umatake ka na naman . So ayun nga busy ang lahat , wala si Nissan dito e kasama ni Bunso kunware daw mag shoshopping
para makapag prepare andaming kaartehan ,"if i know naiinggit ka lang" sabi ng negative brain ko
Pshhh ako ? Maiinggit hindi no , umalis ako ng Garden at pumunta sa Kwarto , maige na rin ito wala naman akong maitutulong don . Matutulog na lang ako maige pa .
Nakahiga na ko at nakapikit ng may yumakap saken mula sa likod . At dahil memorize ko na ang amoy nya , hindi ako lumingon nanatili akong nakapikit at nag kunwareng tulog .
"Nakalimutan mo na ba witch ? Hindi ka natutulog hanggat nakabukas ang Bintana ?? So don't try !" Sabi nya na syang nag pamulat ng Mata ko .. Psh bakit ba alam nya lahat tungkol saken , samantalang ako kokonti lang .
"Ano na naman ?" Tanong nya , tumayo na rin ako sa pag kakahiga .
"Wala ! Inaantok lang ako !" Sige lang Whim mag panggap ka lang na inaantok ..
"Okay , sleepwell . I will go to my office , just go there if you need me !" Sabi nya sabay kiss sa noo ko at Lumabas ng kwarto
Pshh naniwala talaga sya sa dahilan ko . Nakatulog ako ng masama ang loob , ewan ko kung bakit .....
Nagising ako na parang umiikot ang mundo ! Tapos parang may gustong lumabas sa Bibig ko . Kaya tumakbo ako sa CR at inilabas . Iwwwwww
Ano bang kinain ko at nag kakaganito ako ?? Pshhh baka nalipasan lang ako , pero bakit may naisuka ako ? Ayyyss . Lumabas na lang ako sa banyo , kasabay nun ang pag pasok ni Nena sa loob ng kwarto
"Nena bihis ka na mag start na ang Party !"
"Okay sige !"
"Bat namumutla ka ? May sakit ka ba ?" Nag aalalang tanong nya Lumapit sya saken at hinipo ang noo ko .
"Wala ka namang Lagnat ? Anong nararamdaman mo !"
"Huh ? Wala okey lang ako baka nalipasan lang . Wag mo na sabihin kay Kapre tyak OA na naman reaksyon nun " sabi ko habang nag hahanap ng Damit
"Okey , lumabas ka na huh ! Baka maunahan ka pa ni Nissan !" Muli nyang paalala bago lumabas ng Kwarto .
Nag ayos na rin ako , at bumaba , baka magalit pa sila saken .
Sa Garden gaganapin ang Engagement party . Sila sila lang ang nag tulong tulong para maging maganda ang Garden , hindi na sila kumuha ng Designer Gusto raw kasi ni Jom pinag hihirapan , sus kaartehan di pa sabihing kuripot talaga sya.
Maganda naman ang kinalabasan , dream ko rin ng ganitong engagedment party , kaya lang hindi nangyare . Diretso kasal ako e , nalungkot naman ako bigla . Siguro nga naiinggit lang ako kay Nissan
Dumating na si Bride to be , pag tinanggap nya ang kasal na ito .
Nagulat pa sya , dahil nakaluhod na agad si Jom sa Gitna . Ang akala kasi nya e may simpleng salo-salo lang . Hindi ko nga alam kung bakit sya napunta sa gitna e , ang alam ko lang pag kaharap ni Nissan nakaluhod na si Jom .
"Im not perfect man , and i know im not the man that you dream . Pero kung sino man yang pinapangarap mo , papatayin ko sya dapat ako lang ang lalaking pag papantasyahan mo . Dahil wala ng mas gwagwapo pa saken
!" Natawa naman kami sa Paunang speech ni Jom . Hindi talaga mawala yung kahanginan ng Lalaking to !

BINABASA MO ANG
My SAVIOR BOSS
Romance"Be my Queen o mamamatay ka sa piling nya ?" Huh ? Di ba parang parehas lang akong Mamatay sa piling nila !? Ako si Whelmarie Queen Salvacion at naobsessed sakin ang pangalawa sa Pinaka Makapangyarihang tao sa Bansa . Nakaka imbyerna ang mag Karoon...