Chapter 18

2.2K 66 0
                                    

*Continuation*

Khiana POV

Nag titigan muna kami ni Paa bago kumilos . Para bang alam na namin ang galaw ng kalaban , alam kong madami sila sa Labas ibig sabihin lang hindi namin kaya ni Paa . Wala pa naman kaming Armas o kahit anong panlaban . Tsk napaka tanga naman kasi nitong Lalaking ito .

"Umalis na tayo !" Sabi nya sabay hila sakin .
Sa Bintana kami dumaan , hindi naman kataasan kaya tinalon na namin . I-shinure namin na dala namin ang Important things namin like Cellphone and, wallet . Nakalabas kami ng Hotel , ang problema wala kaming sasakyan .

"Paano tayo ??" Tanong ko kay Paa. Sa itsura nya , parang wala syang plano . Hinigit nya ko , papunta sa gilid , yung tagong pwesto . Dahil sa masikip yung napili naming pwesto mag ka dikit na mag ka dikit kami . Uungol pa sana ako kaya lang sinaway na nya ko
"Shhh Quite" sabi ni Paa . Tahimik lang kami sa Gilid habang pinapanood ang sandamamak na Men In Black na nag tatakbuhan , yung totoo ganito talaga kadami ang gustong pumatay sa Lalaking ito !
"Alejandro Angeles!" sabi ni Paa.
Alejadro ?? Sino naman kaya yun
Inintay muna namin ni Paa na makaalis yung iba , bago kami lumabas sa Pinag tataguan namin .
"Sino sila ?" Tanong ko kay Paa . Nakalabas na kami ng Parking ng Hotel , sad to say kelangan naming lakarin ang mahabang daanan , para makarating sa bayan . Ano ba namang buhay ito nakaka tanga , hindi parin sya umiimik pero hawak nya parin ang Kamay ko . Teka nakaka dami na ito a. Pwinersa kong kunin ang Kamay ko sa pag kakahawak nya
"Teka nga !!!" Napatigil naman sya sa pag sigaw ko .
"Ano ba yun !! Sino sila ?" Mag kasunod na tanong ko
"I don't know , basta ang alam ko pag nakita nila tayo tyak patay tayo" sabi nya at nag simula na ulit mag lakad . Sumabay narin akong mag lakad sa kanya.

Malayo-layo na rin ang aming nalakad , panay puno na rin ang nakikita ko , in short nasa Gitna kami ng kawalan . Malayo pala ang Bayan dun sa Hotel na kinuha nya . Pashnea talaga ang lalaking ito , inaantok na rin ako at nagugutom .

"T-teka !! Paa" hingal na hingal akong napatigil sa Pababang Parte ng Daanan .
Nakaka hapo naman ang mag lakad ng Mag lakad .

"Wala naman na atang nasunod , please mag pahinga na muna tayo" napaupo na ko sa sobrang pagod .
Naki upo na rin sya sa tabi ko .
"Tawagan mo na lang sina Sam , para masundo na tayo" suggest ko sa kanya . Mabute na lang mahangin dito , dahil sa Daming puno na nakapaligid . Hindi ramdam ang pag luluksa ng Kili-kili ko
"Gustuhin ko man , pero Lowbat ang Phone ko" napakamot naman sya sa Ulo .
"Arghh Paa ano pa bang kamalasan ang dala mo saken ! Nakakainis na , kung hindi mo lang sana ako kinaladkad papunta dito , edi sana nakahiga na ko at nag papahinga!!" Gigil na gigil kong sabi sa Katabi kong mukang Paa .
Na iistress na talaga ako e.e
"Sorry na , hindi ko naman alam e , gagawa ako ng paraan para makauwi" nakayuko nyang sabi , nakonsensya naman ako sa Inasta nya . Grabe lakas maka konsensya ng galaw nya .
"Oo na sige na , tumayo ka na jan . Maghanap na tayo ng matutuluyan " sabi ko at nag lakad na , naramdaman ko naman na sumunod na sya sakin .

Lumakad muli kami , hanggang sa may makita kaming nag iisang bahay . Maliit lang sya na bahay , nasa parteng loob ng Gubat kaya lang namin nakita dahil sa Liwanag na nag mumula sa Bahay nila . Lumapit kami ni Paa sa Bahay , parang kubo lang yung bahay pero cute yung style . Hindi na kami nag dalawang isip mag Tanong .

"Ahm tao po !" Tawag ni Paa . Sya na ang Pinagagawa ko ng Paraan bahala syang mag dahilan
May lumabas na dalawang matanda , babae at lalaki  yung lalaki may dalang Itak , Grabe naman sila samen . Itak agad ?
"Sino kayo !" Tanong ni Lolo
"Ahm Tay , Pwede po ba kaming makituloy kahit hanggang Bukas lang , nilalamig na po kasi yung ASAWA ko e . " Lumapit sakin si Paa at inakbayan ako , gustong gusto ko ng hablutin yung itak ni Lolo at itaga sa Noo ng Lalaking ito .
"E sino baga kayo ??" Tanong muli ni Lola .
" a nay kami po ay bakasyunista , alam nyo na Honey moon . Kaya lang po e Naholdap po kami , tinangay po lahat ng gamit namin" paliwanag ni Paa . Grabe , honey moon ?? Saan ba galing ang mga salitang yun . Sarap sungalngalin e . Nag iinit na ang kamao ko 
"Iho ! Ano bang pangalan nyo!" Bakit kasi hindi pa sagutin ni Paa yung tanong , kung ano ano pang Paligoy-ligoy e.
"A ako po si Lyndon , sya naman po si Yana misis ko" muntik na kong masuka sa Pakilala nya sakin . Nakakarami na talaga ang Lalaking ito , mamaya Bibingo na ito
"A ay sge iho , tuloy muna kayo sa Mumunting kubo namin " sabi ni Lola .

My SAVIOR BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon