Chapter 9

2.4K 100 7
                                    

(Si Yke Sammuel Delosantos ang nasa Picture mga Boss)

Whim's POV

Sabi nila isa sa pinaka Importanteng bagay daw sa Isang babae ang Ikasal sa Taong mahal nila , halo-halong emotions daw ang mararamdaman mo . SAYA , dahil magiging isa na kayo ng Taong mahal mo , KABA dahil hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyare , at Mostly KILIG kasi tuwing umaga bubungad agad sayo ang Mukha ng Taong mahal mo .
Pero bakit ganun , hindi ako masaya , mas naninimbang pa nga ang Kaba na nararamdaman ko .

Habang nag lalakad ako papunta sa Unahan , halos lahat nakatingin sakin . Sinalubong ako ni Ama , ang tatay ni Kapre sabi nya kase sya na daw ang mag hahatid sakin sa Mapapangasawa ko . Si Papa dapat ang katabi ko ngayon , Pinahidan ni Ama ang Luha sa mga Mata ko , nginitian nya ko at para bang chini cheer- up .
Dahan dahan na kaming nag lalakad , patuloy pa ding kumakanta ang Choir . Lahat ng Mata ng Tao sa amin lang baka Focus , Halatang mayayaman ang Bisita dahil na din sa magagandang damit nila . Di man lang ako naka pag imbita ng mga katrabaho ko or yung dating nakatira sa Apartment tsk.

"Wag ka sanang sumuko sa Anak ko , i know you will be a good wife to my son" sabi ni Ama .
Hindi ko alam Kung dapat ba Kong sumaya dahil tanggap nya ko , o kabahan dahil baka ma disappoint sya . Bahala yung kapre na yun.

Nakikita ko na si Nena na malungkot na nakangiti sakin , nginitian ko sya para naman mabuhayan . Daig pa nya ang Na shutgun wedding e .

Unti-unti na kaming nalapit sa aking Groom , malayo pa lang kita ko na ang Gwapo nyang mukha , Yung mata nya na sumisingkit pag nag aaway kami , yung labi nyang para laging may Lipstick kasi ang pula , yung ilong nyang dinaig pa ang Retokada , dahil sa tangos .

'Hoy Whim ano  ka ba !' Sigaw ng isip ko . Hala bat ko ba sya dinidescribe , E kasi naman bat naka BodyFit na tshirt lang sya , para tuloy syang Model ng Bench . Lalo tuloy syang Yummy tingnan .

"Be good Husband to your wife" sabi ni Ama tsaka inabot ang Kamay ko kay Sam .. Hinawakan ko ang kamay ni Sam ,
Malamig ang Palad ko samantalang Napaka inet naman ng Palad nya . Anlambot pa , nahiya tuloy bigla ang mga Kalyo ko sa Kamay .

Khiana's POV

Habang nag mimisa ang Pari , nakatitig lang ako sa Babaeng nag sakripisyo ng sariling kaligayahan , para di kami mapahamak . Napaka Inosente ni Whim para sa mga nangyayare , akala nya pag nag pakasal sila maayos na ang Problema , hindi nya alam mas madami pang Problema ang darating , Sarado pa ang isip nya sa mga Pwedeng mangyare. Totoo pala ang kasabihang Walang lihim na hindi nabubunyag . Sana lang tuparin ni Yke ang pangako nya saken. Dahil kung hindi , ako mismo ang kakalaban sa kanya , kahit pa isa syang Boss wala akong pake .

Bago maganap ang Kasalan na ito , kinausap ako ni Yke tungkol sa Mga nangyayare

*FLASHBACK*

Tahimik akong nasa Line namin at nag Tatrabaho , sayang wala si Nena , hindi nya nakita ang sabong ng katrabaho namin kanina . Si Aby kasi sobra na ang pagiging Tsismosa ayun may Pumatol tuloy sa kanya haha

Napatigil ako sa Ginagawa ko ng tinawag ako ng Secretary ni Sir

"Khiana , pinapatawag ka sa Office ni sir" nakataas ng kilay nyang sabi . Napaka taray ba ng Babaeng ito , if i know matagal na syang may Gusto kay Sir , super suot ng Damit na kinulang sa Tela , Ginawa ng coloring book ang mukha nya pero di parin sya napapansin . Muka kasing Clown.

Hindi ko na sya sinagot at nag tanggal ng Apron at Hairnet . Lumakad papuntang Opisina
Kasabay ko si Clown sa pag lalakad babalik kasi sya sa Office e

"Ano bang balak nyong mag Pinsan kay sir huh" mataray uli ang pag kakasabi nya
Ito atang babaeng ito nag hahanap ng sakit ng Katawan . Masyadong matabil ang Dila.
Hindi parin ako umiimik diretso lang ang pag lalakad ko ng higitin nya ang Buhok ko

My SAVIOR BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon