Whim's POVAlas dos na ng Madaling araw pero hindi parin bumabalik yung apat . Baka naman nakatulog na , Grabe sila kami hinihintay sila at gising na gising tapos sila natutulog na Pala .
Hustisya naman mga Tol .Isinantabi ko muna ang mga nangyare , sabi kasi ni Nena mas maigi daw kung ako mismo ang mag dedesisyon , kasi daw malaki na ko .Gusto nya kung ano man ang maging resulta nitong papasukin ko kaya kong labasan . In short she told me to Stand up and Face the Reality . Straight na English yun mga Repa .
Kumuha ng Chips at Softdrinks si Rez sa Ref nagalit pa nga at walang na daw laman . Pinilit ni Rez na paga-anin ang pakiramdam ko . Nag jojoke sya , kaya minsan natatawa ako.
Inabot pa uli ng Isang oras bago lumabas yung apat sa Loob ng Kwarto , hay salamat , akala ko nakalimutan na nila kami .
"Kuya walang laman ang Fridge mo !!" Bulyaw ni Rez sa kuya nya .
Hindi naman pinansin ni Kapre ang kapatid nya ."Ihahatid na kayo ni Lyndon sa Bahay nyo Be safe okay" sabi ni Kapre
"Jim/Jom bukas kayo ang sumundo sa kanila sa Bahay"
Sa kambal naman sya nag Focus
"Wag muna kayong pumasok mag Pinsan , para mas safe" samin naman ni Nena sya nakatingin.
Para safe , ibig sabihin hindi na safe sa labas , walang hiyang Erwan yan . Andaming problemang dala
"Ano bang nangyayare" tanong ko kay kapre
"Nakarating na sa myembro ng Grupo ni Erwan ang nangyare sa kanya. Siguro naman alam mo na ang sinasabi ko" sabi nya without looking at meHindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa Nangyayare . Matakot dahil kay Erwan , Kabahan kung tama ba ang Desisyon ko , o Maging masaya dahil alam kong hindi ako iiwan ng Tao sa Paligid ko . Pero paano kung pati sila madamay.
Buo na ang desisyon ko , sana maging tama , sana nga sa paraan na ito , manahimik na ang hinayupak na yun . Kasi tama si Yke may kapangyarihan syang protektahan kami laban kay Erwan , kaya lang kapalit nito ay ang kaligayahan ko .
Hayyy buhay !!"Maiipangako mo ba ang kaligtasan namin " out of nowhere kong sabi .
Bigla silang nanahimik , lahat ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa .
"What did you say?" Tanong ni kapre
"Masusure mo ba na hindi na kami masasaktan ni Erwan o kahit na sino ?" Hindi ko parin sila nililingon nanatili akong nakayuko sa kanila .
"Yes i Promise" sagot ni Kapre
"So its settled , im gonna marry you ." simpleng sagot ko .
"Nena pe.."
"Kakayanin ko , para lang sa kaligtasan natin, time na para ako naman ang mag sacrifice sa ating dalawa"
Tututol pa sana si Nena pero nginitian ko na lang sya .Hinatid na kami ni Lyndon sa bahay , saming tatlo walang gustong magsalita . Nauna na din ako sa kwarto para makapag pahinga .
Ngayon lang ako nahirapan ng ganito , dati ang pinaka mahirap na desisyon na gagawin ko ay ang mamili ng ulam . Kung tuyo o itlog ba , kung paano mag laba ng walang sabon at ang pinaka mahirap ang makijumper sa Kapit bahay dahil sa naputulan kami ng kuryente , pero ngayon di ko alam kung paano ko ito malulusutan . Dapat pala sinagot ko na lang si Erwan , haha . Natatawa ako sa sarili kong Opinyon."Ma , Pa kung tama po ang desisyon ko please give me a Sign ". Pumikit ako ng mariin ,biglang namatay ang ilaw na syang nag pa bangon saken . "Ma , Pa Joke lang po yun , grabe naman ang Sign na binigay mo , Baka atakihin ako sa Puso" bumukas muli ang ilaw . Kailangan ko na atang harapin ang problema ko . Tsk
Tumayo ako at lumabas ng kwarto , dumiretso sa kusina . Patay na ang mga ilaw , tulog na siguro yung dalawa .
Kumuha ako ng Tubig at naupo sandali .
May narinig akong kaluskos sa Backdoor ng Bahay .
Kaya napatayo ako naglakad ako papunta sa may Parte ng Backdoor , nagulat ako ng may Yumakap sa Likod ko
"Namiss mo ba ko My Queen" kinabahan na naman ako ng marinig ko ang Boses nya , akala ko ba Safe na ko
"Boyop ka ! Tigilan mo na ko, ayoko sayo" pag pupumiglas ko
"Akin ka lang , akin ka lang." Nakakakilabot na boses ang taglay ni Erwan ..

BINABASA MO ANG
My SAVIOR BOSS
Romance"Be my Queen o mamamatay ka sa piling nya ?" Huh ? Di ba parang parehas lang akong Mamatay sa piling nila !? Ako si Whelmarie Queen Salvacion at naobsessed sakin ang pangalawa sa Pinaka Makapangyarihang tao sa Bansa . Nakaka imbyerna ang mag Karoon...