Chapter 4

3.3K 81 1
                                    

*Naayan na yung Bahay nina Whim*

Minsan talaga pag nasanay ka na sa Buhay na meron ka , mahirap ng mabago .
Tulad ngayon nakatulog nga ako ng Dalwang oras , tapos heto pabali-balintong ako sa Higaan . Kasi naman itong kwarto na binigay ni Rez kasinglaki ng Kwarto namin ni Nena sa Apartment , magkatabi pa kami dun , kaya naman di ako sanay ngayon , Hayyy !! Gustong gusto ko ng matulog maaga pa kami bukas .
30 mins. Ang lumipas , hindi parin ako nakakatulog , tumayo ako sa Higaan at dahan dahang nag lakad papunta sa kabilang kwarto , kay Nena ako tutulog im sure gising pa yun !
Pag karating ko sa pinto ng Kwarto ni Nena Handa na kong kumatok ngunit kusa itong nag Bukas at niluwa si Nena na hawak ang Unan nya
"Alam kong pupunta ka dito , halika na matulog na tayo" ani nya at mag lakad papunta higaan , Napangiti naman ako ng Wagas , kilala nya talaga ako . Nang mahiga kami hinagod hagod nya ang Ulo ko hanggang sa makatulog ako .

Kinaumagahan ginising na ko ni Nena para mag handa sa Trabaho , naligo na ko at nag bihis , mabute na lang may Banyo dito sa Room ni Nena kaya di na kailangan pang dumayo sa ibaba para maligo .
Pag ka baba namin nag hahanda na si Rez ng Almusal "Hi mga Ate' s come samahan nyo kong mag Breakfast" aya ni Rez "Ay salamat Rez nag abala ka pa , kaya lang dadaan na ang Service sa Company na lang kami kakaen" sabi ni Nena "Oo nga , mag ingat ka dito huh ! Aalis na kami bye" sabi ko naman . "Wait lang !!" Pag pigil ni Rez "Kiss ko?" Sabi muli ni rez at nag Pout pa
Napatawa ako sa inasta nya . Kinisan namin sya sa Noo , para talaga syang bata .

Pag karating namin sa Company , nag trabaho na kami like normal day , nag Oobserve din si Kap este Sir pala , kasama si Rez At ang Secretary ni Sir . Kinakausap ako ni Rez tapos si Nena din . Kung ano ano ang pinag tatatanong ni Rez Like
Bakit kaya ang Ganda nateng tatlo?, o kaya naman Gusto mo ba makita ang Abs ni Kuya? Oh diba pantanga , kaya di ko na lang sya iniintindi marahil Bored lang sya Bakasyon na kasi nya . Nakatapos na sya ng dalawang course . Parehong not related sa Bussiness ,Tinanong ko mga sya sabi nya Trip nya lang daw yung Mga course na yun. Electrical Eng. At FineArts . Tinanong uli namin sya ni Nena kung bakit dalawa at hindi Bussiness Management. sabi nya , yung Crush nya daw kasi Electrical Eng. Ang kinukuha kaya pumasok sya kahit dugong dugo na ang utak nya kaka solve eh kinaya nya . Nang malaman nya na may Girlfriend na yung Lalake , ayun Pinasara yung School baliw talaga ang Babaeng yun , tapos dun sa isang School na nilipatan nya dun pala nag aaral yung Favorite nyang Youtubesensation na Babae Fine Arts ang kinukuha kaya pumasok din sya naging mag kaibigan sila kaso nalaman nya na kaya pala sya kinaibigan dahil Ginamit lang sya , pinerahan at Pinag mukang Tanga , ayun inipon nya lahat ng Supporters nya at nag bayad ng ibang tao para i bash at patalsikin sa Earth yung babae . Iba talaga ang nagagawa ng Pera tsk.

Nang mag breaktime kami , umalis na din si Sir at si Rez nag paalam pa ang loka mamimiss nya daw kami , artistahin talaga . Nag order kami ng Pagkain namin , nag hanap ng upuan , biglang lumapit samin si Aby yung katrabaho namin na Chismosa , pero wala namang dibdib still remember her yung babaeng lumapit samin nung mag rereport ako at nag sabi nung nag Meeting kami ah basta sya yun
"Hoy Whim may naghahanap sayo sa labas , gusto ka daw makausap" sabi nya sabay kuha ng FrenchFries sa plate ko , kapal ng Face e.e dinadaan ako sa kwento "Sino daw?" Sabi ko naman at inilayo ang plate baka maubos eh "Di ko alam pero mukang Mayaman kasi naka suit" porke naka Suit mayaman agad di ba pedeng mag aaply lang ng trabaho. Umalis na sya pagkatapos sabihin sakin ang Chika nya , meron pa naman akong 30 mins. Na natitira sa Break ko kaya tinapos ko na ang pag kain ko at nag paalam kay nena . Di ko na sya sinama, baka kasi mabitin pa sa pagkain . Mabilis akong Lumabas ng Canteen at pumunta sa Lobby dahil dun daw nag iintay , nakita ko ang isang lalaking nakatalikod habang nakapamulsa at pinag mamasdan ang nakasabit na Painting . Kahit nakatalikod ang Lalaking ito kilala ko na agad sya
"Erwan?" Alam kong narinig nya ang pag tawag ko , kaya napalingon sya saken
"My Queen" sabi ni Erwan , hindi pa ba ito natigil akala ko ba The End na
"Anong Ginagawa mo dito" paninimula ko dahil wala na kong balak pahabain pa ang Conversation namin ..
"Imissyou , mag damag kitang inintay sainyo , pero di ka umuwi san ka ba galeng ? Im so worried my Queen" Kita sa mata nya ang pag tangis at pag aalala
Pangarap ko ito e yung may lalaking Mag tatanong at Mag iintay saken , pero hindi naman si Erwan ang gusto kong gumawa kundi Si Raymond Abracosa hindi ang isang yan
"Ay oo nga pala di ko nasabi sayo , aalis na kami sa Apartment MO" Diniinan ko talaga sa MO para dama nyang hinayupak sya *SorryForTheWord*
"Mamaya mag start na kaming mag hakot ni Nena mga damit at important things namin tutal kay Aling Annie naman yung mga kasangkapan dun" paliwanag ko sa kanya , wala na kong iba pang sasabihin sa kanya , matatapos narin naman ang Break ko
"B-baket? Di ko naman kayo pinapaalis , just stay my queen . You know how much i love you . I am willing to give you everything Just please , dont go" maluha luha sya habang binabanggit ang mga salitang yun , pero wala akong nararamdaman sa kanya di ko naman pwedeng pilitin dahil lalo ko syang masasaktan . hinawakan nya ang kamay ko
"Please im begging you" pag mamakaawa nya , di ko kineri ito sa tagal tagal nyang nanliligaw sakin ngayon lang sya naging Emosyonal ngayon lang din sya nag makaawa ng ganito noon naman kasi di nya ko pinipilit ngayon lang , di ko alam kung bakit ito nag iinaso ng ganito
"Dont touch my Girl Mr.Gatchallian"biglang may nag salita out of nowhere , sabay kaming napalingon ni Erwan .
"KAPRE ??" Bigla akong bumitaw sa pag kakahawak ni Erwan , parang guilting guilty tuloy ako "Mr.Delosantos?" Pasigaw na sabi ni Erwan Nakita ko ang pag igting ng panga nga . Teka pano ba umigting ang Panga ??? Ay basta galit sya tumingin . Humahakot na din kami ng Audience dahil nga Breaktime kaya nasa labas ang Lahat , Nakatingin sila saken . Baka madiscover ako , tyak tsismis na naman ito .
Hinawakan ni Sir Yke ang kamay ko ,tapos hinigit nya ko papunta sa Bisig nya nakakagulat naman ang Kapreng ito .
"Dont you ever touch her again" parang may mga patalim ang mga salita nya na syang nag paiwas ng tingin ni Erwan "Bawal na ba kong bumisita sa Babaeng pikamamahal ko?" Sabi ni Erwan . Nakakatuwa naman pinag aagawan ako Naku Rapunzel naman pala ang Hair ko .
"But she's mine , you know Mr.Gatchallian i dont share what's mine" hinigpitan nya ang pag kakakapit sakin , napasiksik tuloy ako lalo sa kanya , nag karoon ako ng Pag kakataon na maamoy sya at Napaka Bango nya talaga , amoy baby
"Tumigil kayo !!" Nagulat ako sa sigaw ng aking SuperHero
"Hindi na kayo nahiya infront of many people dito pa talaga kayo nag iinarte nga ganyan" galit na singhal ni Nena . Napabitiw tuloy ako kay Kapre , panira naman ito si Nena e.e
Hinigit na ako ni Nena papasok naiwan sila sa Labas Tapos na ang Eksena . hindi ko man lang alam kung nag alis na ba si Erwan .

My SAVIOR BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon