Chapter 13

2.2K 67 0
                                    

(Rez-Anne DeloSantos)

Whim's POV

Sukat dito , Sukat don , bayad dito , bayad don . !
Nakakapagod mag pauli-uli dito sa Mall . Dito kasi naisipan ni Kapre mag Shopping , pwede naman sa Ukay-ukay na lang . Napaka arte kasi ng Lalaking ito , tapos kung ano anong damit pa ang pinapasuot sakin napaka kati naman .
Sabi nga pala ni Kapre uuwi na kami bukas , hayy salamat Miss ko na din si Nena e tsaka excited na kong ibigay ang Pasalubong ko sa kanya alam kong magugustuhan nya yun . Sana naman hindi na kami sa Helicopter sumakay , baka di ko na kayanin e.

"Witch , try this" abot nya sakin ng Tatlong hanger, wala na ba syang sawa na mag pasukat ng mag pasukat -,-
Wala naman akong magawa , Boss sya e .

After 143 years natapos na kami sa pag bili ng kung ano ano . Tatlong MIB nga ang taga bitbit ng dala namin , tapos yung iba naka sunod samin . Para tuloy kaming si Mayor or President .
Dahil meron kaming PSG

Kumain kami sa JOLLIBEE , ako na ang umorder at baka maka kita na naman si Kapre ng Ka batch , e magutom na naman ako .
Halos mapuno namin ang Jollibee dahil sa MIB naming kasama . Wala na nga mapwestuhan yung ibang kakaen dahil sa kanila . Lahat naman sila iniorder ko din , para may ginagawa sila habang kumakain kami .

Nang matapos kaming kumain , nag paalam ako kay Kapre na mag Ccr , gusto pa nga nyang ipasama yung isa nyang Tauhan . Duh ! Ayoko nga baka kung ano pang isip nung iba .

Nag intay ako sa labas ng Powder Room dahil may tao pa . Antagal naman nya lumabas , nawiwiwi na ko e .
Bumukas ang Pinto at iniluwa ang isang babae na may kasamang batang Babae . How Cute naman ni Bebe Girl .
"Pasensya na Miss nag intay ka ba ng matagal" tanong nya saken . Anlambing naman ng Boses nya , tsaka mejo look a like kami . Parehas kasi kaming maganda
"Hmm no worries , ok lang . Papisil na lang sa Cheeks ni Bebe girl" sabi ko at pinisil ang Pisngi nya .
"Hi , im Samantha Yhurice" pag papakilala ni Bebe Girl , Ang ganda talaga nya . Super ! Parang ako lang

"Hi Samantha Yhurice im Ate Whim . Nice to meet you" nakipag shake hands pa si Bebe .
"Sige mauna na kami , nag iintay yung Dady nya e" nag paalam na sila , pero bago yun kiniss muna ako Ni Samantha . Ang cute nya talaga , lalo na yung Mata nya parang nakita ko na yung Mata na yun . Di ko lang alam kung saan . Hay mamaya iisipin ko

"Queen " tawag nung isang MIB . Pasensya na kayo hindi ko kasi sila kilala e . Sasabihin ko nga kay Kapre , mag suot ang MIB nya ng Name Tag , para hindi ako nahihirapan.

"Saglit lang ," pumasok na ko sa Loob ng Cr.
Akala mo naman mawawala ako palagi , wala pa nga akong 30 mins. Hinahanap na agad ako . Hmp, pashnea .

Lalabas na sana ako ng may mapansin akong Tela sa Gilid air Freshener . Kinuha ko iyon , isang panyo . May naka Burda na SC tapos paro-paro . Siguro kay Samantha to !
"Queen , " nagulat naman ako sa MIB na kumatok sa pinto .
"Anjan na !" Sinilid ko sa Bulsa ko ang Panyo . Remembrance ni Samantha .

Bumalik na ako sa Table namin , nakakunot na naman ang Noo nya Hindi ba nya alam na pumapangit sya pag ginagawa nya yun .
"Akala ko dun kana titira!" Tumayo sya at lumabas na ng Jollibee . Napaka ba ng lalaking ito , sumunod na lang ako sa kanya .

Ambilis mag lakad ni Kapre , akala mo may hinahabol . Ang isang hakbang nya tatlo ng hakbang ko . Andaya naman , dahil dali dali ako hindi ko napansin na may pader pala . Ayun nabunggo ako sa matigas na Bagay .
"Aray!" Hinimas ko naman ang Noo ko
"Why so Clumsy , witch" sabi ni Kapre , ay sa kanya pala ako bumangga . Akala ko sa Pader , sa likod pala nya antigas kasi e . Hinawakan nya ang Kamay ko , pero Hindi katulad ng hawak nya noon , this time mahigpit , yung tipong ayaw nya na kong Bitawan .

"Pag sinabi kong Run , tumakbo ka kasabay ko , Please hold my Hand tight . Wag kang bibitaw and please what ever you heard don't look back" bulong sakin ni Kapre .

My SAVIOR BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon