Chapter 17

2.1K 55 1
                                    

Whim POV

Minsan sa buhay ng tao merong di inaasahang dadating katulad ngayon , hindi namin inaasahang dumating yung tatay ni Kapre o diba , hindi inaasahan talaga . Ibig sabihin kelangan naming mag sama sa Kwarto , Kung gano katagal ?? Hindi ko alam . May mga dalang maleta yung si Ama e . Sana naman hindi abutin ng taon , dahil baka mag suicide na ko .

Revelation + Suprise visitor = Bigti na mga Boss  .

Hindi pa nga ako nakaka Lusot sa Problema , heto't may isa na naman . Universe naman isa-isa lang , mahina ang kalaban . Hindi ko kaya ng sabay-sabay , Hayyyy alam kong maganda ako pero mahina ako Universe .

Kamalasan ata ang dala nitong Regla ko e.e . Kasi kahapon bigla akong dinatnan , so ayun Dalaga ako ngayon , kaya naman nakaka tamad bumangon .

"Queen!!" Tawag muli nung katulong sa Labas . Kanina pa yun natawag , hindi lang ako natayo . Sobrang sakit kasi ng Puson ko , after kasi mag Breakfast , at sinalubong si Ama . Nag paalam ako na mag papahinga , kaya heto't naka higa ako dahil sa Sobrang saket .

"Queen!! Please po sumagot po kayo" sabi uli nya sa labas , itong si Lukresya ang kulit . Tumayo ako , at pumuntang banyo , hawak-hawak ko ang puson ko dahil feeling ko any moment malalaglag yung Puson ko .

"Arggggg!!! Puta ang sakettt!!" Sigaw ko sa loob ng banyo , mabute na lang soundsproof sya kaya hindi rinig sa labas yung boses ko .

Bakit ba napaka hirap maging babae ? Tapos yung ibang lalaki niloloko pa kami ?? Ayyy grabe ,
Nang dahil sa Regla napapa hugot ako .

Napahawak ako sa Lababo , ng makaramdam ng Hilo . Taena ! Pinaparusahan na ba ko nina Mama at Papa ??

"Queen!" Tawag sakin ni Nikki
"Nandito ako sa Banyo" sabi ko . Nakita ko si Nikki sa may pintuan
"What happen? Okay ka lang ba ?? Namumutla ka?" Mag kakasunod na tanong nya . Lalo akong nahihilo sa dami ng tanong nya e .
"Nope , sobrang sakit ng puson ko " napapapikit na lang ako sa Sakit . Feeling ko humihilab yung tiyan ko . Ganito talaga ako pag nag kaka Monthly Period . Kaya lang parang OA naman ata ngayon .

"Ahm Q-queen tatawag ako ng tulong " sabi nya tsaka tumakbo palabas . Tama bang iwan ako dito , habang namimilipit sa sakit .

Makalipas ang ilang minuto , napaka raming yabag ng Paa ang naririnig ko .

'Saan sya'
'Anong nangyare'
'Bakit wala sya dito sa kama'

Yun ang mga tanong na naririnig ko , try nyo kayang pumunta dito
"Nikki where's witch?" Tanong ni Kapre .
"Nasa CR po Boss" sabi ni Nikki . Kung kaya ko lang mag salita ng malakas , baka nasigawan ko ang mga tangang ito e .

"Witch , what happen?" Tanong ni Kapre . Nakita ko na ang Savior ko , hindi ko na nasagot ang tanong nya dahil bumagsak na ko , pero syempre alam kong sa mga Bisig nya ko bumagsak .

3rd Person (Narrator)

Bumagsak si Whim , bago pa nya sagutin ang tanong ng Asawa nya . To the rescue naman si Sam sinambot nya ang Babaeng , halos wala ng dugo sa Mukha , halata mong may iniindang sakit . Hindi na naman nag aksaya ng oras si Sam . Binuhat nya ang asawa nya at dinala sa Kama nito .

"Call Carmela !! Move" utos nya sa mga tauhan nya . Kita mo naman sa mata ng mga tao sa loob ng kwarto ang pag Aalala .

"Kuya what happen ? Bat sya nahimatay?" Tanong naman ni Rez .
"Baka naman Buntis na si Queen" singit naman ni Jom , pinandilatan ni Sam si Jom . Alam naman nilang hindi maaaring mag buntis si Whim , dahil hindi sila nag sasama sa Kwarto . Ngayon pa lang dahil sa Tatay ni Sam

"Mag kaka Apo na ko ??" Masayang turan ng Matandang Delo Santos .
Hindi alam ni Sam ang isasagot sa Ama nya , mabute na lang at dumating na si Carmela ang Doctor ng Pamilya nila .

My SAVIOR BOSS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon