Whim's POV
Nagising muli ako , dahil sa sobrang bigat ng pakiramdam . Natulog akong umiiyak nagising ako umiiyak . Hayyyyy buhay nakaka stress ka masyado ,
Kailangan ko ata ng fresh air , kaya bumaba muna ako at pupunta sana sa Garden pero may mga tao sa baba . Naririnig kong masaya silang nag tatawanan at nag kwekwentuhan .
Para bang hindi sila nag aalala sa pag kakaospital ko , at masakit yun , masakit mabalewala !!
Kumpleto silang lahat don ! Lalo pa kong nasaktan ng makita kong magkatabi si Kapre at si Shanel , nandito na pala sya . Napapako ang tingin ko sa Batang bibong bibo na sumasayaw , kaya tuwang tuwa sila .
Psh. Anak pano ba yan ? Parehas tayo ng katayuan .
"Queen ??" Gulat na tawag sakin ni Cristina habang may dalang baso .
Naagaw ko tuloy ang atensyon nilang lahat , natahimik silang lahat . Marahil nag tataka ang mga ito dahil andito na ko .
"Whim ! Why are you here ?" Tanong ni Kapre .
Psh. dati Witch ngayong nandito si Babae , whim na lang ? Tsaka ano daw ginagawa ko dito sa pag kaka alam ko dito ako nakatira .
Bawal na ba ko rito .Pero pinilit kong maging kalmado , gusto kong marinig pa ang pag kukunwaring gagawin nya .
"Hmmm ! Nainip na kasi ako sa Ospital , sabi naman ni Carmela okay na daw ako . Stress lang daw kaya nahimatay ako !" Paliwanag ko tsaka ngumiti ng pilit .
Lahat sila naniwala sa palusot ko , pinipigilan kong pumatak ang mga luhang kanina pa nakadungaw . Hindi ko alam kung magandang ideya ba ang itago ang pag bubuntis ko , pero bahala na
"E bat namumugto ang mata mo nena!" Tanong ng pinsan ko . Babaing to kung ano ano napapansin .
Isip.isip. yung magandang palusot .
"May DVD kasi akong nakita sa daan kanina , Favorite ko yung artista kaya binili ko at pinanood . E mejo drama pala kaya eto , alam mo naman ako iyakin !" Sabi ko , pilit parin akong ngumiti
"A si Jennylyn Mercado ba yun ? Naku nakakaiyak nga yun , pahiram ako mamaya huh !" Pag sang ayon ni Nena , tumango lang ako bilang sagot .
Lumapit sakin si Kapre at inakay ako papunta sa sofa .
"Shanel this is Whilmarie the Queen !" Pakilala ni Kapre
Para naman akong sinaksak ng Realidad sa pag papakilala nya "The Queen" daw tsaka "Whilmarie" for the first time ipinakilala nya ko sa totoo kong pangalan . Hindi sa "Witch" o "Whim" . Psh luha kalma ka lang wag kang traydor . Mamaya bibigyan kiya ng time para bumuhos
"Ow hi ! I finally meet you ! Wait diba nag kita na tayo ??" Bati nya saken . at inilahad ang kamay para makipag shake hands . Tinanggao ko naman yun para hindi nakakahiya
Nag kita ?? Pilit kong iniisip kung saan kami nag kita . Sa dami ba naman ng taong nakikita ko syempre nalilimutan ko na
"Sa CR ng isang Food Chain ? Diba ikaw yung nakasabay ko sa CR ??" Pag papaalala nya . Pinilit ko namang isipin , tinitigan ko pa yung mata nya ng maayos para alalahanin
Ayyy oo sya nga , nung napuno namin yung Jollibee sa Mall , tapos hinabol kami ng angkan ni Erwan . Sya yung may anak na sobrang cute
"Ay oo ! Naalala na kita , it's good to see you again ! San na si Bebe girl ??" Natutuwa naman ako at hindi nya ko nalimutan .
Tumingin naman ako kay Kapre , at para bang iba ang tingin nya . Psh sya pa ang may ganang magalit ! Pashnea !!
Nakipag chikahan lang ako sa kanya , pero puro kabalbalan lang like ilang taon na baby nya or mahilig kumain basta tungkol sa baby nya . Hindi sya nag tatanong about samin ni Kapre , marahil wala naman syang dapat itanong dahil im sure sinabi na ni Kapre na walang namamagitan samin .
BINABASA MO ANG
My SAVIOR BOSS
Romance"Be my Queen o mamamatay ka sa piling nya ?" Huh ? Di ba parang parehas lang akong Mamatay sa piling nila !? Ako si Whelmarie Queen Salvacion at naobsessed sakin ang pangalawa sa Pinaka Makapangyarihang tao sa Bansa . Nakaka imbyerna ang mag Karoon...