Whim POV
Kanina pa ako kinakabahan , andami kasing pasyente ni Carmela . Kaya nandito parin kami at nakaupo sa labas , ginusto ko rin naman kasing mag hintay . Si Kapre kasi apurado palagi , gusto kami ay mauuna . Kawawa naman yung mga nakapila pa kaninang umaga para lang makauna at malaman ang gender ng baby nila diba , tapos kami VIP ? NO WAY !! Dapat fair lang
"Mahal ano kayang magiging baby natin !" Sabi nung babaeng katabi namin sa upuan. Kausap nya yung asawa nya
"Kahit ano pang dumating ! Mamahalin natin sya hanggat kaya natin." sagot naman nung asawa nya .
Ayyyy so sweet , nakakatuwa talaga ang mga first time daddy ! parang si Kapre lang . Pero bakit mas malaki yung tyan ko kesa sa tyan nya .
Habang abala si Kapre sa pakikipag usap sa Telepono nya . Chinika ko muna yung katabi kong buntis rin
"Excuse me ! Hi Mrs. Pede bang mag tanong ??" Tanong ko dun sa babae , umalis rin kasi yung asawa nya bibili yata ng pag kain
"A yes po ?"
"Ilang months na po yang tummy nyo?"
"A six months na po ito ! Ngayon !" Sabi ni Ate
Six months ? E bat parang mas malaki pa ang tyan ko sa kanya ?
"Yan pong inyo ?" tanong naman nya"A e four months pa lang ito !" sabi ko sabay hawak sa aking tummy . Halata naman sa kanya ang pag ka gulat
"Talaga ?? E bat mas malaki pa yung sayo kesa saken ??" nag tataka na tanong nya .
Hindi ko na nasagot yung tanong nya dahil nakarinig na kami ng putukan .
Nag panic na ang lahat ng tao , Hinanap ng mata ko si Kapre pero hindi ko sya matagpuan
"Queen ! Halika na , pinapasundo ka ni Boss !" Higit sakin nung babaeng kinulang sa Tela ang damit . Ang kapal rin ng make up nya
Hindi ko alam kung sasama ba ako sa kanya , hindi naman kasi ako ipapasundo ni Kapre dahil alam kong sya mismo ang susundo sakin .
"Sabihin mo iintayin ko na lang sya dito !" sabi ko dun sa babae , tsaka lumakad paaalis sa lugar . Hindi ko ininda kung may nag babarilan , ang importante makakita ako ng kakampi .
"Tama sila ! Matigas ang ulo mo !" rinig kong sabi nung babae , kaya napalingon ako . Kasabay nun ang pag iispray nya saken , nahilo ako sa amoy , bago ako tuluyang mawalan ng malay nakita ko ang pag ngisi nung babae .
Yke's POV
I've searched all the places na pwedeng pag taguan ni Witch , pero wala , pinatawag ko na rin ang iba kong mga tauhan . Even Lyndon and others e tumutulong .
Pero wala ! Paano nga ba sya nawalan sa paningin ko ??
Someone's caught my attention , pag katapos kong kausapin si Lyndon sa cellphone , may humingi ng tulong ko . Nag patulong sila sa pag bubuhat nung isang pasyente . And after that pag balik ko rito , magulo na . Maraming nakahandusay na katawan , makalat ang OB Section . When i enter Carmela's Office nakahiga sya sa sahig , i think nawalan sya ng malay .
Nang magising tsaka nya kinwento , nag checheck up raw sya ng makarinig sila ng sigawan mula sa labas , nang lumabas sya wala na si Witch . Tapos may pumalo sa ulo nya kaya sya nawalan ng malay .
Three hours ng lumilipas pero wala parin kaming natatanggap na tawag man lang ?
"Boss ! Na trace na namin yung gamit ni Queen !" seryosong sabi ni Jim .
BINABASA MO ANG
My SAVIOR BOSS
Romance"Be my Queen o mamamatay ka sa piling nya ?" Huh ? Di ba parang parehas lang akong Mamatay sa piling nila !? Ako si Whelmarie Queen Salvacion at naobsessed sakin ang pangalawa sa Pinaka Makapangyarihang tao sa Bansa . Nakaka imbyerna ang mag Karoon...